NUTELLA IS HER NAME

2.7K 90 2
                                    

A VAMPIRES' GIRL by milmarcel


Chapter TwentyEight.


"Dianara.."

Pagtawag ko.. hindi ako pwedeng magkamali. Si Dianara ang babaeng nakatalikod sakin.

Muli ko itong tinawag at dahil doon unti-unti itong lumingon at tuluyan ng humarap sakin. muli nanaman tumibok ang puso ko.

"Luhan"

Pagtawag niya saking pangalan. Napangiti ako. parang musika talaga ang boses niya. ang sarap pakinggan na tinatawag niya ako saking pangalan.

Tinitigan ko siya. Ano bang nagustuhan ko kay Dianara? bakit ba lagi nalang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing malapit o nakikita ko siya?

Maingat kong idinampi ang palad ko sa kanyang mukha.

"Masaya ako at nandito ka na" masayang sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. kung alam mo lang kung gaano ko kagusto ang ginagawa ko ngayon Dianara.

Ang Mayakap siya ng ganito ay walang katulad. Sobrang saya ko.

pero paanong nandito na siya?
kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya. bakit siya umiiyak?

"bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong ko.

"Sorry ... luhan." naguluhan ako sa sinabi niya. bakit siya humihingi ng tawad?

"Bakit---"

Napatingin ako sa may bandang tiyan niya..bakit may dugo doon?
anong nangyayari!? Muli kong tinignan si Dianara..umiiyak parin siya.

"DIANARA!!"

Sigaw ko ng babagsak siya sa lupa. agad ko siyang sinalo..

"luhan.."

"anong nangyayari sayo?" nagaalalang tanong ko.

"luhan...m--may -sa--sasabihin ako sayo."

natakot ako sa biglang paglabas ng pulang likido sa kanyang bibig. d--dugo.

"Dianara.."

"Mamamatay na siya!!"

tumingin ako sa nagsalita. Si Dominiro!

"Anong ginawa mo sa kanya?!" galit na tanong ko.

"Wala ka ng magagawa! HAHAHA!!"

Muli akong tumingin kay Dianara....bakit lumalabo siya sa paningin ko? Bakit unti-unti siyang nawawala?

"hindi maaari!!"

"hindi!!!!!!"


3rd Person's POV

Agad na napabangon si Luhan mula sa kanyang pagkakahiga.

Isang bangungot. Nakakatakot na bangungot. pero...

paanong nangyari yun? hindi nagkakaroon ng panaginip ang isang bampira.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan"

Napatingin si Luhan sa kaliwang bahagi ng kanyang silid.

"Anong ginagawa mo rito!?" galit na tanong ni luhan at agad na lumapit sa pwesto ni Nutella.

"Naghihintay ng Sagot mo saking inaalok"

"Umalis ka na bago pa may makakita sayo dito." utos ni luhan at malakas itong itinulak sa may bintana. "wag ka ng babalik!"

"Ayaw mo bang malaman kung bakit ka nanaginip at kung ano ang ibig sabihin ng panaginip mo?"

Napatigil si Luhan sa paglabas ng pinto at humarap ulit kay Nutella.

"Ano bang ibig mong sabihin?" naguguluhan na tanong ni luhan. mabilis naman na lumapit si Nutella kay luhan at marahan na hinaplos ang mukha nito.

At sa gulat ni luhan, muli nanaman niyang naitulak si Nutella.

"Malapit na.. " sabi nito at tumalikod na kay luhan. muli itong nagtungo sa may bintana.

"Sabihin mo na!" sigaw ni luhan.

"Kung hindi ka pa magdedesisyon... Maaaring mawalan ka na ng pagkakataon na mailigtas pa siya at pagnangyari 'yun tuluyan ng mawawala si Dianara sa inyo.... SAYO."

"Ano!?"

"Tangging ako nalang ang pagasa mo Luhan."

Napipe si Luhan sa mga sinabi ni Nutella. Kung tatanggapin niya ang alok ng babaeng yun. Siguradong mawawala sa kanya si Dianara ganun 'rin kung aayawan niya ang alok nito.

Lalabas na sana si Nutella sa bintana ng sumigaw si Luhan.
Lihim naman itong napangiti.

"pumapayag na ako... Gagawin ko na ang gusto mo."

*******end of chapter 28

Mga kaibigan ko. Ito lang po ang kinaya ng isip ko. Patawarin nyo po ako. Stress lang at ano ba..

hindi ko makita si Crush.. Hahaha:))))

sorry for typossss
Hopeyoulikeit. 7votes and 3comments? Pls^__^

xoxo.

milmarcel.

A Vampires' Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon