Chapter TwentyNine

2.7K 87 0
                                    

  sana magustuhan nyo:))
----------

A VAMPIRES' GIRL by milmarcel

Chapter TwentyNine

    3rd Person's POV

  
     Tahimik na nakaupo ang mga  VampirEXO sa salas ng kanilang mansion, ganun 'rin si Mrs. Xi, Lalane at Aspen na ilang araw naring nakatigil sa mansion. Hanggang ngayon wala parin silang balita tungkol kay Dianara. Sobrang Nagaalala na sila. pero dahil wala pang nangyayaring kakaiba sa paligid, sigurado silang buhay ito.

     "Aspen wala ka ba talagang alam tungkol kay Dianara." ika sampung ulit na tanong ni Tao kay Aspen na hanggang ngayon ay may sugat parin.

      "Wala na. Tanging ang palasyo lang ang alam ko." sagot nito. bigla naman itong napayuko. wala man lang siyang magawa para mahanap si Dianara. Wala siyang magawa para iligtas ang Kapatid niya.

       Saan ba dinala ni Dominiro si Dianara? Tanong nito sa kanyang sarili.

      Biglang pumasok sa isip niya ang nakuha niyang litrato ni Dianara.  Dinukot niya ito sa bulsa ng jacket at tinitigan ito. hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala sa natuklasan.

     "Ano 'yan!?" tanong ni Xiumin na kanina pang nakatingin kay Aspen.

     "Picture ni Dianara, nung bata pa siya"

      "Bakit meron ka niyan!?" sabay-sabay na sigaw ni Tao, Xiumin, Sehun at baekhyun.

     "Kinuha ko-"

     Mabilis na lumapit si Sehun sa pwesto ni Aspen at hinablot ang larawang hawak nito.

      "Kailan ka pa naging stalker ni Dianara"  tanong nito

     "Kapatid ko siya."

     Nagulat ang lahat sa sinabi ni Aspen. Kaya naman pinaliwanag nito ang lahat-lahat, dahilan para lalong magulat pa ang lahat.

     "Paano yun nangyari?!" naguguluhang tanong pa nila.

     "Hindi ko 'rin ....alam"

-----------

       Bumukas ang pintuan ng isang silid. Silid kung saan nakagapos si Dianara. Muli nanaman itong kinabahan sa pagpasok ni Haring Dominiro, kaya nagkunwari siyang tulog. pero dahil isang bampira si Dominiro hindi nakalusot ang pagkukunwari niya.

    "Huwag ka ng magkunwari!" sigaw ni Haring Dominiro bago hinawakan si Dianara sa kanyang panga.

     "Aalis ako ngayong gabi. kaya huwag kang magtatankang tumukas. pero dahil sa itsura mo hindi ko na kailangang mabahala pa."

     Pagkatapos sabihin iyon ni Dominiro ay agad na binitawan nito ang mukha ni Dianara. at mabilis na lumabas ng silid.

     "Bantayan ninyo maigi ang babaeng 'yun. Naiintindihan nyo!?"  utos nito sa dalawang bampirang nagbabantay sa labas ng pinto kung saan nakakulong si Dianara.

     "masusunod po."

      Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dianara.  Dito na ata ako mamamatay

      Muli nanamang lumandas ang mga luha nito sa kanyang mukha. Bakit hindi parin sila dumarating?, inakala ba nila na patay na ako?

      Nanginig ang katawan at nanglaki ang mga mata ni Dianara dahil sa  kanyang narinig na ingay mula sa labas ng silid. Anong nangyayari!?

    Boooooggggggggshhhhhh!!!!

      Nilamon ng takot at kaba ang dibdib ni Dianara ng biglang bumukas ang pintuan.  Dahil madilim sa silid, hindi niya makita kung sino ang nasa pinto ... hanggang sa naramdaman nalang niya ang isang malamig na yakap. nakaramdam siya bigla ng kaba...

     Kaba na hindi dahil sa takot..kundi sa nilalang na yumakap sa kanya.

     "s---sino k-ka?" kinakabahang tanong nito. lalong humigpit ang pagyakap nito sa kanya.

    











     






















      " ako ito.. si Luhan"

    

********* end of Chapter 29

     sorry kung bitin. baka po kasi maging lame pa pag hinabaan ko. sensya na po:))

     Mga kaibigan kong tunay uso po ang bumuto at magkomento sa storyang ito. hahaXD

   uhmm. guys baka sa sunday or monday po ang next ud. kasi po holy week.. sacrifice po tayo.

   salamat:))))))))

milmarcel.

A Vampires' Girl (Editing)Where stories live. Discover now