PROLOGUE

18.7K 426 6
                                    

A Vampire's Girl
BY MILMARCEL

This story is a work of fiction and only a product of the author's imagination. Any resemblance to other story is wholely coincidental. Thank you!

***

"Mag-iingat ka! Sapagkat darating na sila upang pag-agawan ka!" sambit ng isang lola sakin matapos hawakan bigla ang aking mga kamay. Hindi naman ako mahilig magpapaniwala sa mga ganito, pero dahil sa mga narinig ko, sa mga sinabi niyang may darating sa buhay ko para pag-agawan ako. Bigla akong na curious, isabay pa ang pagiging NBSB ko kaya naman hinayaan ko nalang si lolang manghuhula na i-push and go ang kanyang trip. malay natin totoo?

"Ano po 'yun -este sinong sila? pati talaga po pag-aagawan ako, mga ilan po kaya? Pwede po kayang mga tatlo lang ang hirap po kasing magdecide kapag isang dosena! Hihihi" kinikilig kong tanong kay lola. Omg! Mabubura na ang record ko bilang NBSB of all season! this is it pansit!

"Bakit parang masaya ka pa!?" Naguguluhang tanong sakin ni lola. Nahampas ko tuloy ito ng mahina sa kanyang braso. Si lola naman ee! Ang slow!

"Ala! diba po sinabi nyo na pag-aagawan nila ako, kaya naman masaya po ako at sinong hindi matutuwa roon lola?" Tanong ko dine at ngumiti ng malaki, yung nakakatakot na ngiti. Haha!

"Mga hindi ordinaryong nilalang sila iha! Masyado silang mapanganib! nakakatakot at..." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni lola. Masyado akong nasaktan kaya hinila ko nalang bigla palayo ang aking kamay. Ayus na sana eh! Bumubuo na ako ng pangarap kung ilan ang pwede kong gawing anak sa bawat isa. Kaso ano 'daw? hindi ordinaryo? nakakatakot? ano huh! porke't panget ako ay ganun ganun nalang ang hula sakin?  Bastusan?

Mabilis akong tumalikod at naglakad na palayo ngunit muling nagsalita si lola.

"Isa sa kanila ang babago ng buhay mo." Sabi nito pero pinagsawalang bahala ko nalang at tuluyan ng lumayo.
Paanong babaguhin ang buhay ko? Pagagandahin ganun?jusmiyo! beki pa ata yung tinutukoy ni lola. Che!


***

First story ko po ito. Sana magustuhan nyo salamat 🥰

A Vampires' Girl (Editing)Where stories live. Discover now