Chapter ThirtyNine

2.8K 83 0
                                    

(milmarcel's note: guys nabura ko po ata yung chp. 39 .... kaya gagawin ko po ulit s'ya pero mababago po ng konti ..kaya sa mga nakabasa na nung isa.. ito na po...basahin nyo po ito. )

******

A VAMPIRES' GIRL
by milmarcel

third Person's POV





"Prinsipe Zalim! Wala po sila dito!"

Napasuntok ng malakas si Zalim sa pintuan ng mansion ng mga VampirEXO.. Simula ng umalis sila sa palasyo ay hindi parin nila nahahanap ang kanyang Ama. Wala 'rin s'yang balita sa ibang bampira na inutusan n'ya sa ibang lugar.

at Ngayon, pati ang mga Bampirang nagiging balakid sa plano ng kanyang Ama ay hindi 'rin nya matagpuan..





"Sa Cuvanent ..." sambit nito... "siguradong nandoon ang vampirEXO at si Dianara. At posible 'ring nandoon si Ama!"





Agad na tumalikod si Zalim sa mga kasama..
Ngunit hindi pa ito tuluyang nakakalayo ng pigilan s'ya ng isa sa kanyang tauhan.



"Saglit mahal na prinsipe" iniabot nito ang isang papel, nagtataka 'man ay tinanggap parin nya ito.



"Ano ito?" Tanong ni Zalim habang binubuklat ang kapirasong papel. Binasa n'ya ito..kita ang unti-unting pagbabago ng kanyang mukha. Wari'y hindi makapaniwala sa kanyang nabasa. "Hindi 'to maaari! Paano ito napunta dito!!" Sigaw nito. Nilukob ng kaba ang dibdib nito..




Dahil ang kapirasong papel na hawak n'ya, ay ang nawawalang pahina ng propesiya. Ang papel na kinatatago ni Dianara.



"Maghiwa-hiwalay kayo.. kailangan natin mahanap ang aking Ama!" Utos ni Zalim sa mga alalay ...bumukadkad ang itim na mga pakpak nito na parang sa isang uwak.





"Nasaan ka ama? Kailangan mong malaman 'to!" bulong ni zalim sarili, bago tuluyang lumipad.





***




"Luhan sa likod mo!" Malakas na sigaw ni Dianara.. pero huli na ang lahat sapagkat, hawak hawak na ngayon ni Haring Dominiro sa leeg si luhan.




Naagaw ang atensyon ng mga bampirang patuloy lang sa pakikipaglaban. Kita ngayon ng VampirEXO ang kinalalagyan na sitwasyon ng kanilang kaibigan. At dahil 'dun nawala sila sa konsentrasyon.





"Itigil mo na ito Dominiro!"
Pagmamakaawa ni Dianara... pero isang ganid ang haring si Dominiro dahil mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakasakal kay Luhan.



Napaluhod si Dianara... hindi n'ya kayang makita na nahihirapan ang mga bampirang walang ibang ginawa kundi ang iligtas at protektahan s'ya, at ngayon, dumating na 'yung oras na kinatatakutan n'ya...




Tumingin s'ya sa paligid.. unti-unti ng nagagapi ng mga kalaban sila Tao..





'Dahil sakin...nangyayari ang lahat ng ito!'





dahil sakin, nahihirapan sila!






Tumingin ito sa mga mata ni Luhan na kanina pang nakatingin sa kanya. 'Mapapatawad mo ba ako sa gagawin ko...luhan? lumandas ang luha sa kanyang mata.





'Tama ang gagawin ko....




Marahan na nilagay ni Dianara ang isang kamay sa kanyang likuran. Kung ito ang tanging paraan para matapos ang lahat ng ito ..buong puso kong tatanggapin ang lahat..lahat



"Dianara!!!" Sigaw ni Tao... napatingin s'ya dito ...marahil nabasa na nito ang tumatakbo sa isip ng Dalaga. Sorry Tao.




Tuluyan ng inilabas ni Dianara ang patalim..lumaki ang bawat mata ng Vampirexo, gayon 'din si haring dominiro.



"Dianara...i--tigil mo 'yan" nahihirapang sambit ni Luhan.. ngunit hindi nakinig sa kanya ang Dalaga. Buo na ang desisyon nito.




"Papatayin mo ang sarili mo para sa mga walang kwentang 'to? Isa kang hangal Dianara!!" Sigaw ni Dominiro... hindi s'ya natutuwa sa binabalak nito.




"Mas kahangalan ang mapunta sayo ang gusto mo Dominiro! Kaya mas pipiliin kong mamatay ngayon kesa ang mapunta sayo!" Matapang na sigaw ni Dianara... itinutok nito ang patalim sa kanyang dibdib kaya napasigaw ang lahat..





"Dianara! Bitawan mo 'yan.."






"Nagmamakaawa kami sayo!"







Muling pumatak ang mga luha sa kanyang mata. Gusto n'yang matuwa...dahil ramdam nya ngayon ang pagaalala para sa kanya ng VampirExo. Pero buo na ang kanyang desisyon, kaya imbis na ibaba ang hawak na patalim, ay mas lalo niya itong inilapit sa kanyang dibdib.






"Subukan mong gawin ang binabalak mo! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa lalaking 'to!" Pagbabanta ni Dominiro.. kinakabahan narin ito ngayon.. sapagkat sa oras na gawin nga nito ang binabalak ay mawawalan ng saysay ang lahat ng kanyang paghihirap.





" 'Wag mo s'yang idamay dito! Wala s'yang kinalaman sa gusto mong mangyari, WALA SILANG KINALAMAN DITO!!!!"








"MERON SILANG KINALAMAN! KUNG HINDI DAHIL SAKANILA, MATAGAL KO NG NAKAMIT ANG GUSTO KO! MATAGAL KA NG WALA SA MUNDONG ITO!"




"Kung ganun... tutuparin ko ang gusto mong mangyari!! Ako mismo ang gagawa para mawala na ako sa mundong ito!"






"Dianara!!!!!!" Malakas na sigaw nang vampirEXo ...ipinikit na ni Dianara ang kanyang mata...




"Ama! Kailangan n'yong pigilan si Dianara!"





Napamulat si Dianara... tumingin s'ya kay Zalim na nasa impapawid, gayon din ang vampirExo at si Dominiro.




"Ama ..alam ni Dianara kung paano ka n'ya matatalo! Sa gagawin n'ya pagpatay sa kanyang sarili ay s'ya ring pagpatay sayo!" Sigaw nito at mabilis na bumulusok paibaba ..





Tumingin ang lahat kay Dianara...


























"Paalam..."

********end of chapter 39

Vote andcomment! I need some inspiration .para magawa ang LAST CHAPTER! PLS.. GUYS PARA SA INYO ITO..

Anywayhighway! Maraming salamat sa inyo.. sa pagbabasa nito at pagsuporta ..kaya pls... support this story until the END!!!

KAMSAHAMNIDA!!!

#milmarcel

A Vampires' Girl (Editing)Where stories live. Discover now