SINO KA?

4.4K 130 3
                                    

A VAMPIRES' GIRL by milmarcel

Ang dilim, sobrang dilim ng paligid. nakakatakot! muli akong tumakbo pero wala parin akong pinatutunguhan..

Hanggang sa may nakita akong lalaki hindi kalayuan sakin.. unti-unti akong lumapit upang makilala ito at ganun nalang ang saya ko ng makilala ko kung sino siya.

Si Papa! Tinawag ko ito pero hindi siya lumingon, muli ko itong tinawag.

"Papa! ako po ito si Dianara!" sa wakas tumigil siya, tumigil si papa. Mabilis akong lumapit sa kanya pero napatigil ako ng makita ko siyang umiiyak.

"Papa! Bakit po kayo umiiyak-"

"Dahil sayo! Nawala siya!" sigaw niya sakin

"Papa ano sinasabi nyo-"

"Sana hindi nalang kita tinanggap! ng dahil sayo, nawala ang pinakamamahal ko!" lumapit siya sakin " Namatay siya ng dahil sayo!"

Nagulat ako ng bigla akong sakalin ni papa.. pa bakit?

"Sinabihan ka namin na huwag na huwag mong huhubarin ang kwintas, pero hindi ka nakinig! Dahil dun naamoy kanila! dumating sila at pinatay nila ang asawa ko!"

Umagos ang mga luha ko..

"P-papa h-hindi ko po kayo maintindihan-"

"Huwag mo akong tawaging papa! Hindi kita anak!"

Nahihirapan na akong huminga, bakit ginagawa ito sakin ni papa?

"Papa..." mahina kong sambit

"Hindi kita dapat kinupkop! Kung alam ko lang ang magiging dulot mo! "

"Kaya ngayon papatayin kita!"
lalong humigpit ang pagkakasakal sakin ni papa. hindi siya ang papa ko! Hindi kayang gawin sakin ni papa ang ganito.

"Papatayin kita!"

"hindi..


..Hindi!!!!"

Dianara's POV

Napabalikwas ako saking higaan, isang panaginip. Isang nakakatakot na panaginip.

"Panaginip lang 'yun dianara." Kumbinsi ko saking sarili. pinunasan ko ang konting luha saking mata, hindi totoo 'yun. HINDI.

Tatayo na sana ako ng mapatingin
ako sa labing dalawang lalaki na nakatingin sakin. Gulat ang mga itsura nito, palakihan pa sila ng mata at ang nagwagi ay walang iba kun'di si D.O.

Mga mukha silang ewan. problema kaya ng mga ito? Pero impernes kahit ganito ang mga mukha nila ang gwa-gwapo parin.

"GoodMorning?" nakangiti kong bati. pero dedma, tulala parin sila. na inlove na siguro sakin ng tuluyan. Teka sino ba sa kanila? Sino ang pipiliin ko? Isa ba o lahat sila? Haha landi ko!

"DIANARA!!" biglang sigaw ni xiumin.

"Pusang nahulog!" sigaw ko, bakit ba bigla bigla nalang sumisigaw ang siopao na 'to! Ang panget ko pa naman kapag nagugulat.

"Si Dianara! Gising na!, Gising na siya!" sigaw pa nito at mabilis na lumapit sakin. Gising naman talaga ako? Alangan namang tulog diba?

A Vampires' Girl (Editing)Where stories live. Discover now