Chapter Twenty

3.9K 148 1
                                    

   -alam nyo ba na sobrang saya ko.. ng umabot sa 1k ang reads ng storyang ito?  Achievement kasi 'yun para sakin..  kaya thank you sa lahat ng nagbabasa nito.

     Na appreciate ko promise:)

-------

  Chapter Twenty

   Luhan's POV

       Matapos umiyak ni Dianara. Nakatulog ito saking yakap kaya naman maingat ko itong binuhat. Buhat na parang bagong kasal. Napangiti ako sa aking naisip. Ako at si Dianara na ikinasal.

      Pero agad yung nawala ng maalala ko kung ano siya at ano ako. Hindi pwede. Pero ngayon lang ako nagmahal ng ganito at kahit alam kong mali ay walang makakapigil sakin.

      Tahimik kong pinagmasdan ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sayo? Samantalang panget ka naman. Flat pa.

     Pero sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti.. napangingiti 'rin ako. At sa aking paningin naiiba siya dahil para sakin. Siya ang pinakamagandang babae...

     Kahit tumutulo pa ang laway nya ngayon... Tumigil ako at marahan na pinunasan ito gamit ang panyo ko.

       Ng matapos ko gawin 'yun, napatitig ako sa ... Sa...  Labi niya. Napalunok ako.

       Don't.

    Pero kusang lumapit ang mukha ko sa kanyang mukha.  i love her, so i can kiss her, right?

      Malapit ko ng ilapat ang aking labi sa labi niya ng biglang may magsalita mula saking likod.

      "Mas maganda kung ipapasok mo na sya, Gabi na."

     Lumingon ako dito..

     Tss.

     Nilampasan lang kami ni Tao at nagtuloy na pumasok sa mansion. Panira.

       Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, nagsitakbuhan sila palapit samin.

     "Anong nangyari sa kanya!?" sigaw na tanong ni Xiumin. Hindi ko ito pinansin, bagkus tumuloy ako sa may sofa at marahan na inihiga si Dianara doon.

     "Ayos lang ba siya?" tanong ni sehun at marahan na hinaplos ang buhok ni Dianara, tss. Kailangan pang gawin 'yun?

      Nilagyan naman ni Tao ng kumot si Dianara. Tss .. Nakakasura! Pero pagkatapos nito Tumalikod na siya at umakyat paitaas.  Akala ko hahaplusin nya rin ang bubok ni Dianara ee.

      "Sayang naman yung niluto ko." napatingin ako kay Kyungsoo habang hawak yung platito na may itlog.

     "Ano yan?" tanong ko "ipapakain mo 'yan kay dianara?"  sabi ko pa.

     "B--bakit h--hindi ba s--iya mukhang makakain--" naiiyak na sabi nito at tumakbo patungong kusina.

      "Ala ka luhan! Nipaiyak mo siya" sabi ni Chanyeol, inirapan ko lang ito.

     Muli akong tumingin kay Dianara na mahimbing na natutulog.. Palaisipan parin sakin kung ano ang ginawa nila ng lalaking 'yun.

     "Ano ba talagang nangyari ?" tanong ni Suho..

     Napairap nalang ako at tumalikod. Bwiset na Aspen 'yun!

(kinabukasan)

     3rd Person's POV

    Tahimik na pinagmamasdan ng labing dalawang bampira ang babaeng nakahiga sa sofa habang  tulog na tulog. Lahat sila ay pigil hininga.

A Vampires' Girl (Editing)Where stories live. Discover now