EPILOGUE

4.5K 104 20
                                    

Hi... i just want to say..thanks to all of you. Sana magustuhan n'yo po ang epilogue na ito... hindi ko na po s'ya hinabaan kasi po, baka masira at ma-waley pa po. Ang totoo po kasi n'yan is wala naman talaga dapat epilogue... itong mababasa n'yo ay parte ..dapat sa Chapter 40. Hiniwalay ko lang po ..haha feel ko kasi ang may epilogue.. anyway;)

Hope you like it!

- E P I L O G U E -

2215

two hundred years later...

"Dianara.. .."

Mahinang bulong ni Luhan sa hangin, marahan nitong ipinikit ang mga mata at dinama ang malakas na hangin na patuloy na tumatama sa kanyang balat.

Dalawang daang taon na ang nakakalipas buhat ng mawala si Dianara. Pero hanggang ngayon ramdam n'ya parin ang presensya nito. Na hindi ito tuluyang nawala... na buhay parin ito hanggang ngayon.

Pasimple n'yang pinunasan ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Isang araw nanaman ang lilipas.

"Asan ka na Dianara? ....gusto kita makitang muli" Hindi na napigilan pa ni Luhan ang lumuha. Para sa kanya wala ng kwenta pa ang buhay na meron s'ya. Na wala ng halaga ang mabuhay pa.

Simula ng mawala si Dianara ..parang nawala narin si Luhan. Naging mas malamig ang pakikitungo nito...wala na itong kinakausap miski ang kanyang sariling Ina. Hindi narin ito bumalik sa mansion kung nasaan ang mga kaibigan at palagi itong nagkukulong sa kwarto.



"Hanggang ngayon...s'ya parin?" Napatingin si Luhan sa babaeng nakaupo sa kanyang kama. Hindi n'ya manlang namalayan ang pagdating ni Nutella dahil sa lalim ng kanyang pagiisip. Mabilis n'yang pinahid ang mga luha.

"Anong ginagawa mo dito!? Kung tungkol ito sa pagibig na pilit mong binibigay sakin.. makakaalis kana! Dahil hinding hindi ko matatanggap ang pagmamahal mo!" Malakas na sigaw ni luhan. Ito na siguro ang pinakamahaba niyang sinabi matapos mawala ni Dianara. Tumalikod na ito kay Nutella.

Walang makakapalit kay Dianara sa kanyang puso.. tanging ito lang at wala ng iba pa.

"Nakakatuwa.... kung nandidito lang siguro ang babaeng 'yun, sigurado akong ..s'ya ang pinakamasayang babae ngayon. Pero nakakalungkot dahil wala na---"

"Subukan mo pang ituloy ang sasabihin mo at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!" Pagbabanta ni Luhan... pero malakas na pag-tawa lang ang ginawa ni Nutella.

"Mahal na Mahal mo talaga s'ya" nakangiting sambit nito. Tanggap n'ya na wala s'yang pagasa sa pagibig ng binata. Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo..

"Natutuwa ako sayo luhan, dahil sa lumipas na dalawang daang taon... naghintay ka parin.. kapag nalaman mo na ang katotohanan sana.. sumaya ka na."

Mabilis na humarap si Luhan kay Nutella dahil sa huling sinabi nito..pero sa paglingon n'ya, wala na ang dalaga. Tanging ang makapal na libro nalang na nakapatong sa kanyang kama ang naroroon.

Unti-unti s'yang naglakad patungo sa libro. Hindi n'ya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.

"Libro ng propesiya" mahinang basa n'ya ..agad n'ya itong binuklat at isa-isang binasa ang mga nakasulat..

hanggang sa tumigil ito sa isang pahina. Pahina kung saan nakasaad at nakasulat ang sagot sa kanyang mga katanungan. Muli n'ya itong binasa...

Kaya muli nanamang lumandas ang mga luha sa kanyang mata.... "hindi.." mabilis n'yang isinarado ang libro.

Isinuot n'ya ang singsing na nagsisilbing proteksyon sa Araw.

"Luhan pinapatawag ka--" napatigil si Lalane sa pagsasalita ng makita n'yang tumalon palabas ng bintana ang binata. Mabilis s'yang nagtungo sa bintana, kita n'ya ang mabilis na pagtakbo nito palayo sa palasyo. Saan ka pupunta Luhan?

Mabilis na binaybay ni Luhan ang malawak na kagubatan ng Sieriphvia. Sa lumipas na maraming taon, napakalaki ang pinagbago ni Luhan. 'Mas lalo itong lumakas at bumilis, Makapangyarihan. Sapat na bilang Bagong hari ng mga Bampira.

Mas binilisan nito ang pagtakbo. Kung totoo ang nabasa n'ya sa libro ng propesiya. Kailangan n'yang makarating sa lugar kung saan sila unang nagkita..

Agad na itinigil ni Luhan ang sarili ng marating nito ang tapat ng mansion. ANG Mansion ng VampirEXO, kung saan nagumpisa ang lahat. Unti-unti s'yang naglakad palapit dito.

Inilibot n'ya ang paningin... pero tulad ng kanyang inaasahan, nadismaya lang s'ya, sapagkat hindi n'ya nakita ang kanyang pakay... bigla s'yang napaluhod sa lupa. MUli nanaman nag-umpisang tumulo ang mga luha sa kanyang mata.

"A--asan ka..... NASAAN KA DIANARA!?" Sigaw nito habang patuloy parin sa pagiyak...

"excuse me?"

Awtomatikong napatigil sa paghikbi si Luhan. At Marahan niyang itinayo ang sarili bago unti-unting humarap sa nagsalita..

"Dianara..."

THE END.

*******************************************

MARAMING SALAMAT:)

#MILMARCEL

5/26/2015

A Vampires' Girl (Editing)Where stories live. Discover now