Jyuni

2.5K 71 56
                                    

~12~


Gaya ng nasabi ko last time, binubuo ng mga popular guys in and outside the school ang Wolfpack. With Paolo included, pito silang lahat. Remember Caleigh? Kasali din s'ya. May kulang yata na isa sa mga nandito ngayon. Ay, have I told you, sinali na rin ako ni Paolo sa Wolfpack for real? So eight na ang members ng 'boy group' nila ngayong kasali na ako. And I don't know if matutuwa ako d'yan.

Since matagal na ngang gusto ni Paolo na ipakilala ako sa mga friends n'ya, hindi na ako tumanggi nang niyaya na naman n'ya ko na sumabay na kumain sa kanila. Para s'yang si Mike Enriquez. Hindi n'ya ako tinatantanan.

"Andito ka na pala, Pao. Si Caleigh?" tanong ng isa sa mga kalalakihang nakaupo around the table. May vacant seats pa. Sakto para sa amin. "Sino yang kasama mo?" tanong n'ya sabay tingin ng matindi sa akin. He has this piercing yet malicious-looking pair of eyes. May pagka-gangster ang aura n'ya. I'm meeting the gangster?

"Pasunod na. Kupad eh," tawa ni Paolo sabay akbay sa akin. "Ah, s'ya nga pala. Ito si Sand." Daig ko pa ang nasa spotlight dahil nakatingin silang lima sa akin. Hindi ko maiwasang mahiya. I'm not used to being stared at by several people. "S'ya si Sandy sa Ragna."

Medyo nag-lag yata sila ng konti kasi may slight delay sa reaction.

"Whoah! Ikaw si Sandy?" gulat na bulalas ng isa sa kanila na nakaupo sa opposite side ng table. "Totoo nga ang sinabi ni Paolo. Sorry to say this but mukha ka ngang babae." At tumawa s'ya na parang nakakaloko. I scowled at Paolo who just laughed along with the guy. Ayos ah. Sungalngalin ko to ng bag ko eh, makikita n'ya.

"Sabi ko sayo, Kendall, mukha s'yang babae," said Paolo na parang nagyayabang na tama s'ya. Ano bang pinagsasabi ni Paolo sa mga to?

"Oo nga," Kendall agreed then moved his sight to me. "Ikaw yung nasa top ng batch natin last year diba? Napapapansin na kita noon pa pero hindi ko alam na close pala kayo ni Paolo. Mukhang hindi naman kasi kayo masyadong nag-uusap," saad ulit ng lalaking nagngangalang Kendall. "Parang mysterious and loner ka kasi."

Tumahimik nalang ako sandali to calm myself before talking kahit na medyo inis na ako deep inside. Control yourself, Sand. "I would really appreciate it if you refrain from noticing such trait. It's not appropriate," I said to that Kendall guy habang may vacant expression sa mukha ko. He just made a smile and apologize which I accepted.

"Niel Xander Mikado, am I right?" isang boses ang narinig ko. Nagmula ito sa isang bespectacled guy na may tinitingnan sa macbook n'ya. He glanced at me and met my eyes.

"Yes, you are right," sagot ko naman na wala pa ring expression. We have the same vacant expression. I wonder what kind of person this guy is.

"Well, it's really a pleasure to meet one of the heirs of Suisen Intercontinental Group." He got up from his seat which was at the end of the table. "I am Hunter Siegfried Ellsberg." Inabot n'ya ang kamay n'ya sa akin for a handshake. I shook his hand in courtesy. "I'm pleased to meet you."

"Um, yeah. Same here." Nagresearch ba to? Nakakapagtaka. Paano n'ya nalaman na may connection ako sa group of companies na iyon? Kahit si Paolo nga hindi ko sinabihan.

Ewan ko ba kung bakit ang O.A. sa pagiging private ang pamilya namin. Mukhang this Hunter guy got some sources.

"You're quite a beautiful boy, aren't you?" rinig kong may nagsabi then I just found myself being pulled to a seat beside a blonde guy. "Would you mind sitting next to me?" Wow. Ang drama nitong lalaking to ah. Nakaramdam ako ng kilabot na gumapang sa spine ko.

He was about to caress my chin when I tried to escape his hold. Halos ipagtulakan ko ang blonde na lalaki para inilalayo ko ang sarili ko. Sa pagkukumahog kong makalayo eh nabangga ko tuloy ang isa pang lalaki na nakapwesto sa tabi ni Paolo. Mukhang bagong dating ito kasi hindi ko s'ya nakita nung dumating kami.

The Fifth SonМесто, где живут истории. Откройте их для себя