Yon

2.9K 98 98
                                    

~4~

Nakakapagod maglakad from High School department papunta sa College department. Ang layo! Well, hindi naman ganun talaga kalayo kaya lang ayoko talagang naglalakad kapag mainit. Nasabi ko na sa inyo ang reason kung bakit ayokong mainitan diba? But since para naman to kay Kuya Jyu, kaya okay nalang.

Bakit ba naman kasi n’ya naiwan tong flashdisk n’ya? Dapat na yatang uminom ng memory enhancers itong si Kuya Jyu.

Anyway, gusto ko rin namang pumasyal sa College department. Excited kasi akong magcollege eh. Gusto ko yung scene na dala-dala ko ang books ko sa arms ko habang naglalakad papunta sa classroom. It’s so surreal. Basta excited akong magcollege.

“San ba dito ang Faura hall?” tanong ko sa sarili ko. Dun daw kami magkikita ni Kuya Jyu.

Ilang sandali pa nang paglalakad sa College grounds ay may namataan akong isang familiar na figure na nakatayo malapit sa isang building. It was my Kuya Jyu at may kausap s’yang tatlong babae. Mga classmates n’ya siguro.

Unti-unti akong lumapit hanggang sa makita ako ni Kuya.  “Uy, Sand! Kochi!” tawag n’ya sa akin habang kumakaway. Napatingin ang mga kasama n’yang babae sa akin. Nahiya tuloy ako. “Nadala mo ba?” He asked anang makalapit na ako sa kanila.

“Oo, Kuya.” I opened my checkered, blue-and-white na Jansport bag. Si Kuya Kei ang bumili nito para daw kapares nung black-and-blue na bag n’ya. Brother bag daw kasi. Ewan ko kung anong meron sa kakaornihan n’yang yun.

Ibinigay ko ang flash drive na pinaglalagyan n’ya ng reports n’ya.

I was about to leave when a question was asked by one of Kuya Jyu’s girl companions. “Jyu, kapatid mo s’ya?”

Ay hindi. Hindi ko s’ya kapatid kaya tinatawag ko s’yang kuya. Aminado naman akong hindi ko ganun ka-kamukha ang mga kuya ko pero may hawig naman kaming lima kahit papano.

“Oo naman,” Kuya Jyu chuckled sabay akbay sa akin.

“Aw. Ang cute mo naman,” react ng isang babae na may mahabang wavy blonde hair then pinched my cheek. Ano ako, bata? Kung makapinch sa cheek ko akala mo magkakilala na kami. Well, ako, alam ko ang name n’ya. Nakita ko kasi sa I.D. n’ya ang name n’ya- Elise. “Hindi ko alam na tumatanggap na pala ng female students ang High School department.” Was she joking? Well, I guess she’s not the most intelligent of the students here if she really means what she said but, if she was just joking, her joke was not entertaining at all.

I bit my lower lip and lowered my gaze. Nakakainis na tong Elise na to ah. Gusto ko s’yang elise-sin sa harapan ko.

“Oo nga no? Co-ed na ba ang High School? P-pero wait, bakit nakasuot s’ya ng uniform ng guys?” supplied ng isa bang babae na may short, straight black hair na naka-style na parang isang kontrabida sa Korean drama.

I’m wearing male uniforms because I’m a male, you witch! Gusto ko s’yang singhalan pero naisip ko na ang rude nun so I got hold of my temper. But what made me really annoyed was Kuya Jyu’s reaction. Aba’t tumatawa lang habang pinagkakaisahan ako ng mga impaktita n’yang kasama.

Tiningnan ko nalang ang lupa. Gusto ko silang ilibing sa mismong lupang kinatatayuan nila pero joke lang. Sobrang murderous naman nang isipan ko kung ganun. Pero nakakainis na talaga kasi.

Balling my fists, I controlled my annoyance pero mukhang nahahalata na ni Kuya Jyu na naiinis na ako kaya tumigil ito sa pagtawa at tinawag ang attention ko. “Shinra,” he called using a voice in which a tune of warning was hidden. I sensed that tune and looked up to his face. Pinangdilatan n’ya ako ng mata pagkatapos ay inaya ako. “Gutom ka na ba? Kain na tayo.”

The Fifth SonWhere stories live. Discover now