Nana

2K 77 31
                                    

Nana

~7~

Nang magising ulit ako, nakaupo na ako sa, I think, back seat ng sasakyan. May nakaupo sa magkabilang gilid ko. Nakabusal pa rin ang bibig ko at nakapiring ang mga mata. I tried to move and break free but to no avail. Hinigpitan pa nila lalo ang pagkakahawak sa akin.

‘Hey! Let go of me!’ I tried to say but all I managed to do was some broken syllables and grunts.

“Wag ka n’gang malikot!” bulyaw sa akin ng isang manipis na boses ng lalaki mula sa gawing kaliwa ko. 

Hindi pa rin ako nagpaawat. Gumalaw pa rin ako nang gumalaw until a punch landed on my stomach. Halos himatayin ako sa suntok na yun but I was able to get a hold of my consciousness. Yun nga lang, inubo ako ng husto.

Then it hit me- an idea.

After prolonging my coughs, I began to act as if I am gasping for air. At first medyo mahina lang para mas natural at convincing then, gradually, I made my movements more obvious until naging full-blown gasping na s’ya. Sana gumana ang pagpapanggap ko na hindi makahinga. Please, Kami-sama!

“Anyare sayo?” medyo nabiglang tanong ng may matinis na boses.

“Anong nangyari d’yan? Bakit mo kasi sinikmuraan?! Ang bobo mo talaga!” bulyaw ng isang may normal na boses.

“Malikot eh!” the one with a high-pitched voice reasoned out.

Tinuro ko ang telang nakabusal sa bibig ko, signalling tanggalin nila ito.

“Tanggalin n’yo. Baka nahihirapang huminga dahil d’yan!” utos ni normal-voiced guy. Agad namang ginagawa yun ng mga nakaupo sa magkabilang gilid ko.

After ma-remove ang telang nakabusal sa bibig ko, I stopped pretending to be gasping for air. Hindi naman nila tinanggal ang piring ko sa mga mata. Madali naman palang maloko ang mga kolokoy na to. 

“Ah. That’s better,” I said rather calmly then exhaled some air that I had hold back. “Tell me, why are you kidnapping me?” Since hindi ko naman sila nakikita, iniimagine ko nalang na apat sila sa loob ng sasakyan- dalawa ang nakaupo sa magkabilang side ko at dalawa naman sa harap.

“Wag mo kaming ini-english-english, babae ka!” naiinis na utos sa akin ng may matinis na boses.

Gad. Ang pangit ko pa namang magtagalog tsaka nahihirapan akong magsalita ng pure tagalog. Mas okay pa nga if nasa isip nalang ako nagsasalita ng tagalog eh kesa sa sinasabi talaga.

Nabubulol kasi ako. “Aw. Sorry. So, bakit n’yo nga ako kinidnap? Money? Hindi kami mayaman. Wala kayong makukuha sa akin.” I made a small chuckle but was immediately silenced by the voice of the one with a typical voice.

“Kami wala pero ang nagpakidnap sayo, meron. Mukhang malakas ang tama nun sayo eh. Pakipot ka pa.”

Napailing ako sa sinabi n’ya. “Sino naman daw yang nagpakidnap sa akin? As far as I know wala akong utang sa kahit kanino at wala naman rin akong kagalit.” Ay teka. Did he just said na malakas ang tama nung nagpakidnap sa akin? Ibig bang sabihin nun, babae ang nag-utos sa kanila?

Actually, hindi na ako takot sa kanila now that alam ko na may tao behind them. Sabi nga nila may nagpakidnap sa akin, that means, hindi nila ako pwedeng saktan or patayin hanggang hindi pa ako nadadala sa taong yun. I’m safe for the time being. May time pa ako para mag-isip ng paraan upang makatakas.

“Si Mr. Cheng. Apo n’ya ang may gusto sayo. Pakipot ka pa kasing haponesa ka kaya tuloy pinakidnap ka,” sagot ni typical-voiced guy na sa rinig ko ay nakaupo sa passenger seat according sa direction na pinanggagalingan ng boses n’ya.

The Fifth SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon