Sanjyuyon

95 9 14
                                    

~34~


Paolo tried to hide his surprise from Kuya Kei but I can easily see through that face he's making.

Kuya Kei was in his suit. Mukhang isa ito sa mga times when he would stand in as Oto-sama's representative. Usually, he attended dinners with clients and shareholders. Hindi man halata pero magaling makipaghalu-bilo si Kuya Kei. He's a natural charmer.

"I-ikaw pala yan, Kuya," Paolo awkwardly said. 

Ibinaling ko palayo kay Kuya ang mukha ko para, hopefully, hindi niya ako mamukhaan. Parang gusto ko yatang lumubog sa kinauupuan ko! Ibibigay ko na po kalahati ng kaluluwa ko para lang mateleport ako paalis dito!

"May client kasi ako nakikitain dito. Pasensya na. Parang na-istorbo ko yata kayo nitong kasama mo." Bumaling sa akin nang tingin si Kuya Kei pero sinubukan kong umiwas.

I decided to just continue eating with my head kept low. Sa tangkad ni Kuya Kei siguradong hindi na niya masyadong makikita ang mukha ko if magpe-pretend ako na ang plato ko ang pinakainteresting na bagay sa buong mundo.

"H-hindi naman, Kuya. Malapit na din kaming matapos."

What?! I have barely eaten anything! Plano ko pa namang kumain nang marami!

"Talaga? Mukhang enjoy na enjoy pa sa pagkain itong ka-date mo."

I felt the hairs on my nape stand. Ramdam kong tinitingnan ako ni Kuya Kei. Magpapakabait na po ako, wag lang akong mahuli ni Kuya Kei!

This is so out of Kuya Kei's character. I can't help but be suspicious of his actions. Hindi ko ine-expect na talagang mang-i-interrupt siya nang date ng may date eh. There is something fishy here.

"Sino naman itong magandang kasama mo?"

Kuya Kei, please lang umalis ka na! Parang awa mo na! Shoo! Mamatay na ako sa kahihiyan nito!

"Kuwan... S-si..." Tiningnan ko nang mataman si Paolo, warning him to not fuck this thing up. "S-si Sa-Sandra, Kuya... Si Sandra. G-girlfriend ko."

Really? Sandra? Yun na yun?

Seriously, yun ang pinagalan niya sa akin? F for creativity. Hindi man lang niya talaga nilayo sa totoong pangalan ko no?

IKinuha ko ang table napkin at nagpunas ng lips sabay tingin kay Kuya Kei at nag-bow as a greeting while natatakpan pa rin ng table napkin ang mga labi ko. Mas konting parte ng mukha ko ang makita niya, mas safe ako.

I switched to my handkerchief since it's quite unsanitary if I keep on holding the napkin to my lips. I was hoping na akalain lang ni Kuya Kei na sobrang pino ko lang gumalaw kaya tinatakpan ko ang bibig ko.

"Hi, Sandra. It's nice meeting you. Alagaan mo itong adopted brother ko ah." Pabirong sabi ni Kuya Kei sa akin.

Adopted brother? Kelan pa inampon ng mga magulang ko si Paolo? Nagka-amnesia ba ako sandali at hindi ko maalala? Well, considering how close he is to my family, he can somehow be considered an adopted sibling. Mas naging close talaga siya sa amin dahil dun sa pagliligtas niya sa akin.

Nag-bow ulit ako as an acknowledgement habang nakatakip pa rin ang handkerchief sa bibig ko. Sa sobrang awkward ng pakiramdam ko, parang gusto ko nalang talagang lumubog sa sahig.

Tumawa lang si Paolo. "Sobrang inaalagaan niya ako, Kuya. Ang galing niyang magluto. Ang sarap." What the heck is he doing? He's acting like a boyfriend showing off his girlfriend to someone. Kimochi warui! "Tapos ang talino pa niya. Maganda na, matalino pa! Ang swerte ko at sinagot niya ako." Parang gusto kong masuka sa mga pinagsasabi ni Paolo.

The Fifth SonWhere stories live. Discover now