Sanjyu

270 18 11
                                    

~30~

We were well into the golf cart ride when I finally started to talk to him after his idiotic stunt. He insisted on me sitting beside him sa harap. Wala na ako sa mood para dagdagan pa ang inis ko kaya umupo nalang din ako kung saan niya gusto. gusto ko rin na makausap siya tungkol sa ginawa niya earlier.

"What was that for?!" I said, quite annoyed.

"Alin?"

"That boyfriend thing, you idiot?!" Tumawa pa siya as if wala siyang ginawang masama. Susungalngalin ko ito ng libro. Makikita niya.

"Ah. Yun? Para layuan ka na nung gurang na yun."

"He's not a bad person." Ang O.A. lang kasi nitong kapreng to. Para naman siyang mga kuya ko kong makangbara ng mga kumakausap sa akin. Mas overprotective pa siya kesa sa mga kuya ko.

"Minsan ang naive mo din talaga, Sand. Tsk."

Naive? Ako pa talaga ang naive? So dapat lahat ng taong kumakausap sa akin ay pag-iisipan ko ng masama, ganon?

"Naive? About what?"

"Sand, lalaki ako, alam ko kung paano kumilos ang lalaking interesado sa isang babae. May gusto sayo yung gurang na yun."

Wow! Ang malisyoso ng lolo niyo. I rolled my eyes at what he said. My eyes rolled so far back, i could see my own brain.

"Teka lang ah. The last time I checked I am a guy too. Have you forgotten? Tsaka wala naman siyang sinasabi na may gusto siya. Malisyoso ka lang talaga. Actually, mas creepy ka pa nga kesa sa kanya, eh."

Kahit nakaharap siya sa kalsada habang nagda-drive ay kitang-kita ko pa rin ang simangot niya. He just sighed as if ang frustrating ng sinabi ko.

"Basta. Layuan mo na yun."

"Wala ka naman kasing proof na may gusto nga yung si Blake sa akin. Ni hindi nga yata yun bakla eh. Are you on crack?"

"Minsan reassuring din yang pagkamanhid mo. Pero hindi nga, may gusto sayo yung gurang yun. Sinasalba lang kita mula sa mga manloloko."

"Wow. You should talk to yourself."

Madalas si Paolo lang talaga ang nakakapagpalabas sa level two sarcasm ko. I'm naturally sarcastic pero iba ang epekto ni Paolo.

Well, hindi naman sa galit ako kay Paolo for barging in. Medyo naiinis lang ako sa boyfriend stunt na sinabi niya kanina. Pakiramdam ko nagmukha akong katawa-tawa kanina. Nakakahiya. Blake even stood up as if he's challenging Paolo to a fight and I hate being involved in a fight.

Ang O.A. din naman kasi nitong si Paolo. Lahat nalang pinaghihinalaan. I get that he's seeing me as a younger brother as what he told me nung nasagasaan siya when he tried to save me, pero sobra naman ito. Mas bantay sarado pa niya ako kesa sa mga kuya ko.

Natrauma yata siya dun sa ginawa nung isang student sa school. Well, nakaka-trauma nga naman yun pero parang sumobra lang si Paolo when he literally announced that he's my boyfriend. May iba kasing tao na nakarinig.

I'm dead.

Medyo buwisit pa rin ako kay Paolo nang makarating na kami sa villa na tinutuluyan ng mga magulang ko, I saw them having sashimi by the pool area. I was informed that they had the island-hopping moved tomorrow kaya naman nagsashimi party nalang sila. All of our bodyguards joined in as well.

Later that night, we had a private dinner at Gary's Nest, one of the restaurants at the northern part of the island. They served us a sumptous Mediterrean dinner.

"Sand, ano," medyo nahihiyang tawag sa akin ni Paolo habang papasok na kami sa villa naming magkakapatid matapos ang dinner.

"Yeah?" I responded rather cooly and not even looking at him.

The Fifth SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon