Chapter 7

547 26 0
                                    

GABB POV

"May gusto ka ba kay Ella?" ngumiti ako sa tanong nya, hindi ako makapaniwala na aabot sa ganito.

"Bakit humantong sa ganyan ang usapan?" sabi ko 

"Gabb, halatang halata naman e. Your actions says it all" 

"Gaano ba kahalaga sayo si Ella? Na tipong pati ako pinagsususpetyahan mo"  

"Sobrang halaga, to the point na handa ako mawala sa posisyon ko sa SSC." ganun na ba talaga kahalaga si Ella sakanya? Being in SSC is not a joke as far as i know.

Knowing na ang MNL High ay top school. Mapabilang ka lang sa SSC is sobrang big deal. It means malaki tiwala sayo ng faculty. Isa pa, malaki rin ang opportunity para sayo na makapasok sa MNL Inc. at mag trabaho, which is my dads company. 

"Gabb sagutin mo ko, may gusto ka ba kay ella?" huminga ako ng malalim tsaka tumingin sakanya ng seryoso

"Wala, Gia."

Wala naman talaga akong nararamdaman para kay Ella. Oo minsan napapabilis nya ang tibok ng puso ko pero i have Ash. Ella is a straight girl. Inamin nya sakin yun. Halata ko naman na mahihirapan si Gia sakanya. 

"Pwede mo ba kong tulungan?" 

ELLA POV 

"Hindi naman siguro sila mag babasagan ng bungo ano?" sabi ni lara kaya natawa ako 

"Malaki na silang dalawa, kaya na nila sarili nila. Malay mo urgent meeting diba? Magkagroup kaya sila sa English Literature" sabi ko tsaka naupo sa upuan ko 

"Di ka sure" kaya napatingin ako kay coleen tsaka umiling, kahit kelan talaga toh si coco

Naexcite ako sobra knowing na magkakaroon ako ng oras na bisitahin si Lolo at Lola. Sobrang tagal ko narin hindi nakakadalaw sakanila. Kinausap ko narin sina Mom and Dad before about sa pagdalaw kaso sobrang busy nila, kaya naman kahit gustuhin ko na dumalaw hindi ko sila madalaw. 

Ilang minuto ang lumipas habang nagbabasa ako ng notes ko ay sabay na pumasok si Gabb at Gia ng nagkkwentuhan. 

"Anyare? Inihipan ata mga toh sa utak ng hangin, bangayan sila ng bangayan ngayon naman parang mga tangang nagtatawanan sa isat isa" sabi ko sa sarili ko 

"Hi ella" bati ni Gia kaya nginitian ko sya 

Naupo naman si Gabb sa tabi ko, hindi nya ko tinignan o pinansin manlang. Suddenly bigla akong nacurious kung ano pinagusapan nila. Bigla silang naging close. Parang kanina lang sa cafeteria bangayan sila ng bangayan. Pero mas okay narin na ganyan sila, hindi ko na kailangang manaway pa, naririndi kasi ako kapag ang ingay ingay nila.

"Okay class for you performance task, it will be by pair" agad na tumingin sakin si Gia at ngumiti 

"Your seatmate will be your partner" naghiyawan ang mga kaklase namin 

"SIR PWEDE CHANGE PAIR?"

"SIR AYOKO KAPAIR SI JAYDEE!" sigaw ni Laney

"AYAW DIN KITA KAPAIR, UL*L" sigaw naman ni Jaydee

Sobrang ingay ng classroom dahilsa mga rants ng students about pairings. Napatingin naman ako kay Gabb na tutok na tutok sa pagsusulat. 

"Bakit kaya di sya makulit ngayon?" i asked to myself.

All with youWhere stories live. Discover now