Chapter 9

502 30 2
                                    

GENERAL POV

"Gia were friends"

"Your actions gabb, di lang kaibigan yun" frustrated na pagkakasabi ni Gia

"Alam mo nag ooverthink ka lang" aalis na sana si Gabb pero..

"Nag ooverthink ako o confused ka lang sa nararamdaman mo" napatigil si gabb pero dahil biglang dumating na si Ella kaya dumiretso na sya sa upuan niya

"Gabby" mahinang tawag ni Ella

Napatingin si Gabb kay Ella na parang tinatanong kung bakit sya tinawag

" I think i saw Ash with Rans" nagulat si Gabb sa biglang sinabi ni Ella.

"How come? Saan?" hindi mapaliwanag ni gabb ang nararamdaman nya, parang pinagsakluban sya ng langit at lupa

"Baka naman namalik mata ka lang? Saan mo sila nakita?"

GABB POV

Bakit sila magkasama? Parang kailan lang they hate each other. I have bad feeling about this. It cant be! Rans, NO!

"S-sa labas ng campus" agad ako lumabas ng classroom ng malaman ko kung nasan sila. Bumigat ang damdamin ko! It cant be! Ash please.

"Gabb!" narinig kong tawag sakin ni Ella pero di ko sya pinakinggan. Tuloy lang ako sa pag takbo palabas ng campus. 

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, i saw them hugging.

"Ash" lumapit ako sakanila habang patuloy parin sa pagkabog ang dibdib ko

"G-gabrielle i can explain" sabi ni Ash

"Rans gumaganti ka ba? Bakit si Ash pa ginamit mo?" sobrang sakit! This day? I have plan na tanungin si Ash na maging kami na for official. Siguradong sigurado na ko kay ash! Bakit naman ganito! Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bumagsak na ang mga luha sa mga mata ko

"N-no Gabb, please hear me out. I can explain"

"Then explain! Ash, nagseryoso ako. Laro lang pala toh! Ginagantihan nyo ba ko? Sinabihan ba kayo ng mga ex ko? Binayaran ba nila kayo?" maybe karma na toh, of all the things ive done. Pero punyeta! Sobrang sakit!

Pumunta kami sa field ng school at dun nag usap.

"Gabby!" narinig kong tawag ni ella

"O-okay ka lang ba?" tanong nya pero binalingan ko lang sya ng tingin. Kita ko sa mga mata nya nalulungkot sya

"S-sorry nakaabala ata ako" aalis na sana sya pero pinigilan ko sya.

"Ella, dito ka lang"

ELLA POV

Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa sinabi, sobrang sakit nito, nasasaktan din ako para sakanya! Ayokong makakita ng mga ganitong scenario.

Hinawakan nya ang kamay ko, dahilan para di ako makagalaw sa kinauupuan ko.

"Explain" nakayuko lang si Gabb. Hindi rin ako makatingin kina Ash, dahil nahihiya ako.

"O-okay, kaya talaga kami nandun for you. Gabrielle di ko narin kasi matiis" paliwanag ni ash

"Di matiis alin? Ang kalandian nyo?" sumbat ni Gabb, parang ako yung nasa katayuan ni Gabb ngayon nung time na kinokompronta ko si Paul.

"Alam mo namang kaibigan kita since childhood. Our parents are business partners. My dad used me. He wants me to flirt with you just to sign the contract. Gabrielle di ko ginusto yun. Kaya nga andito ako to explain kasi ayokong makasakit, dahil mahalaga ka sakin Gabrielle"

All with youWhere stories live. Discover now