Chapter 13

494 33 3
                                    

GENERAL POV 

D-DAY

Nagising si Ella sa tunog ng alarm clock. Tumingin sya sa orasan, 4am. Napag usapan nilang magkakaibigan na 5am sila magkikita sa labas ng building ng dorm nila. 

"Gising ka na pala, gusto mo ng coffee? Pagtitimpla kita, saglit lang" nagulat sya ng makita si Gabb na nakaupo sa study table neto at agad na tumayo

Bagamat hilo pa sa antok si Ella, pinilit nyang maupo dahil alam nya sa sarili nya na kapag nahiga ulit sya ay makakatulog nanaman sya. 

"Hirap pala katabi ni Gia, pag gising ko nakaibabaw na sakin e" tatawa tawang kwento ni Gabb sabay abot ng kape kay Ella

"Thank you" sambit naman ni Ella

"Gia~ Giaaa..." inugoy-ugoy ni Gabb si Gia para magising ito. 

"Hmmm... teka lang! ikikiss na nya ko oh!" napatingin naman si Ella at Gabb sa isat isa at ngumiti marahil sa naging asta ni Gia 

"Sa sasakyan mo na ipagpatuloy yang panaginip mo Ba! Kilos na!" napabalikwas si Gia ng marinig nyang nagsalita si Ella. Dahil ang nasa panaginip nya ay si Ella mismo na muntik na syang halikan. 

"Aga mo magpantasya sis" pangasar naman ni Gabb kaya sinamaan sya ng tingin ni Gia

"At ang aga ko din ata makakapatay ng tao" sabi ni Gia tsaka nahiga ulit 

"Pagtitimpla nalang kita ng kape ng mahimasmasan ka" 

Tatawa tawang pinagmamasdan ni Gabb ang dalawa dahil pareho itong nakatulala. 

"Di mo naman ako ininform, Ba may kasama ka palang takas mental. Natatakot na ko para sayo ah" bumaling naman ng tingin si Gabb kay Gia dahil sinabi nito tsaka ngumisi 

"Ewan ko sayo" sabi ni Gabb tsaka kumuha ng towel at dumiretso sa cr 

"Pasmado talaga bibig mo Ba, baka nabadtrip yon" sabi ni Ella tsaka humigop ng kape. Napangiti sya ng matikman nya ang timplang kape ni Gabb. Marahil nasarapan sya sa timpla neto.

:Ate Ella, gising na ba kayo? Nag rready na kami nina ate Jem

Text ni frances kay Ella

;Opo, uminom kayo ng kahit anong mainit, gatas o kape. Mainitan manlang tyan nyo sa byahe na tayo mag breakfast

Reply naman neto sa kaibigan

Ilang minuto rin ay lumabas na si Gabb sa cr. Napatigil sa ginagawa si Ella ng makitang ang nakasandong Gabrielle. Parang nagslow mo ang pangyayari, nakaconverse ito na nakablack pants at black sando. Nakita ni Gia kung paano napatitig ang dalaga kay Gabb kaya binato nya ito ng unan.

"ARAY!" agad namang sinamaan ito ng tingin ni Ella, pero dinalaan lamang ito ni Gia 

Pumasok narin sa cr ang dalaga at habang naliligo ito ay hindi parin mawala sa isip nito ang scenario kanina

"Bakit ganun! Ella umayos ka nga!" tinapik tapik nya ang pisngi nya na para bang sinasabi na gumising sya sa katotohanan 

"Pero ang hot nya sa umaga, ang pogi nya tignan. Those brown eyes, yung matangos nyang ilong lalo na yung mapula nyang labi, sobrang nakakaakit! ARGH!! ELLA ANO BA!" sinabunutan nya ang sarili nya dahil hindi nya malaman kung anong nangyayari sakanya. Gulong gulo sya sa sarili nya, tama ba talaga ang nararamdaman nya?

"ELLA! ang tagal mo! 4:45 na! Liligo pa ko! Ano gusto mo sa sasakyan narin akong maligo?!" rinig nyang sigaw ni Gia kaya nagmadali syang naligo. 

All with youWhere stories live. Discover now