Chapter 27

524 34 5
                                    

GABB POV

Hindi ko nakitang umakyat si Ella sa stage. Hindi ako nakaattend ng ceremony. Nakakapanghinayang but i have to. My dad needs me. Im a tourism student, pero gusto nya kong mag trabaho sa business nya. Ano namang kinalaman ko dun?

We had a meeting with all the stake holders at pinakilala ako ni dad sakanila. Pinakilala nya ko as the president of the company. Paano ko ihahandle agad yung mga ganung bagay? Nakakainis naman si Dad! Bakit di nalang si Ate Sela? Taliwas na taliwas sa course ko yung business.

Ella said na nasa field sila, kaya naman bumili naman ako ng flowers and a promise ring.

Handa na ko kung sya. Sigurado na ko sakanya. Ibang iba sya sa lahat at hindi ako magsisisi na kung ipaglaban ko sya sa lahat ng bagay.

Ngiting ngiti akong naglalakad papunta sa field. I cant stop staring sa mga flowers kong dala at nasa pocket ko naman yung singsing.

Unti unting bumagsak ang mga ngiti ko ng makalapit ako sa field.

A man hugging ella?

Sino sya?

Nilakasan ko ang loob ko at dahan dahan na lumapit sakanila.

"G-gabb!" narinig kong tawag ni Coleen sakin

Ngumiti ako sakanila. Tumingin ako kay Ella na gulat na gulat na makita ako. Why? Bakit ganung expression ang ipapakita nya sakin?

"Gabby!" bigla syang ngumiti at niyakap ako kaya napangiti narin ako

"Wag ka sana mag isip agad, ill explain it later" rinig kong bulong nya sakin

Napanatag ako dahil sa sinabi niya. I know Ella wouldnt do that to me. Malaki ang tiwala ko sa taong mahal ko.

"Bago mo?" rinig kong bigkas ng lalaki

"Excuse me, excuse me. Wala kaming panahon para makipag usap sa manloloko, so please? Can you? Chupi chupi?" sambit ni Jem

ELLA POV

I dont know why Paul is here. After 3yrs bakit sya nagparamdam?

Kumirot ang dibdib ko ng marinig ko ang mga salita nya.

FLASHBACK

"Nahanap din kita" lumingon ako at nakita ko si Paul na nakangiti samin

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kung kelan okay na ko. Kung kelan nakaahon na ko. Im happy already! Tsaka sya susulpot? Why!

"P-paul?" sabi ni Gia

"AT BAKIT ANDITO KANG MANLOLOKO KA?" galit na galit na bigkas ni Brei

"Wait? What? I didnt cheat on her!" nagtaka ako sa sinabi nya. B-but.. i saw him kissing a girl! Kitang kita yun ng dalawa kong mata!

Sinampal ko sya ng malakas, how dare he is! Pinagmumukha nya kong tanga! Dalawang mata ko na ang proweba sa kagaguhang ginawa nya!

"I saw it! Dalawang mata ko! Stop this now Paul. Matagal na tayong tapos!" mariin kong sabi

"Ells please. I keep reaching you out! Please give us a second chance. Mahal parin kita" lumuhod sya sa harapan ko at napairap nalang ako sa ginawa nya

"Look whose begging now" sabi ni Jem at umirap

"Tapos na tayo Paul. Ayoko na. Masaya na ko"

"S-sino? Etong bestfriend mong tibo!?" dinuro nya si Gia kaya nagpintig ang tenga ko

Sinampal ko ulit sya ng malakas.

"Boom! Two points, ako na sa pangatlo para matumba na yan!" Sabi ni Lara

"PAUL UMALIS KANA! PWEDE BA? WALA NA! TAPOS NA TAYO! AYOKO NA!" sigaw ko.

Sa galit ko tumulo ang mga luha ko. Its not being sad kundi sa galit. Sa nakakasura nyang mukha!

"Please Ella, i will do everything. I want us back, babawi ako. Magbabago ako. I still want you. I still love you" bigla nya kong niyakap

Wala nang spark. Wala na yung kilig. Im done and im finally free.

--------

"Di ako nainform na tibo kana pala? O baka naman pinagtatakpan mo lang?" binaling ni Paul ang tingin kay Gabb

"Pinagtatakpan?... Now watch" hinawakan ni Gabb ang mga kamay ko

"Ella" humarap si gabb sakin at lumuhod.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko! Para nanaman akong naparalyze!

"Hindi ko pa man kita lubusan na kilala, pero para sakin hindi sukatan yon para mahalin ka. Para ipaglaban ka. Ella, sa araw araw na nakakasama kita. Nayayakap. Ramdam ko yung saya ng dibdib ko. Kinumpleto mo ko mahal ko. Tinanggap mo kung sino ako. Pinasaya mo ko. Sobrang saya ko na nakilala kita. Ella i want you to be happy, gusto ko ibigay sayo kung ano yung deserve mo. Gusto kita mahalin araw araw. Iparamdam na di ka nag iisa. Iparamdam na andito lang ako para sayo... lagi. Magiging kasangga mo sa lahat. Ella Mae Amat. I give this promise ring for you. I will marry you. Gusto kong ikaw ang makasama ko habang buhay. Bumuo at kasabay na tumungtong sa susunod na kabanata ng buhay ko. Mahal na mahal kita Ella"

Sa mga sandaling yon. Bumuhos ang mga luha ko sa sobrang saya. Hindi ko inexpect na sasabihin at gagawin lahat yun ni Gabb.

She makes me realize na kaya din pala ng babae ang kayang gawin ng mga lalaki. Kahit kelan ni isang beses hindi ako nagsisi na mahalin sya. She makes me happy. Yung saya na hindi ko na mahahanap pa sa iba kasi nasa kanya na.

Si Gabb yung lakas ko. Sa pinagdaanan ko sa buhay. Nung mawala si Lola. Sya yung kasangga ko. Sya yung dumamay sakin. Pinaramdam nya talaga na hindi ako nag iisa. Sa tuwing nalulungkot ako at hindi ko alam ang dahilan. Agad nya kong yayakapin at sasabihin na andyan lang sya. She really takes care of me at sobra akong nagagalak dahil don.

"I want to take care of you. Hanggang sa pagtanda natin, Gabrielle" tinayo ko sya at hinalikan.

Ive never been so happy until dumating sya sa buhay ko at alam kong mas magiging masaya pa ko kung sya ang makakasama ko. Hanggang dulo....

------
A/N: DOUBLE UPDATE!! Malakas kayo sakin eh

Btw. Ending na ba?

All with youWhere stories live. Discover now