ELLA POV
"Ella?" nagising ako sa pag alog sakin ni Gabb
"Ano ba yan, natutulog yung tao oh! Ang aga aga gabby! Sakit sa ulo tuloy" bulyaw ko tsaka naupo sa higaan ko
"GOODMORNING!" anlakas ng pagkakabati nya na parang ikakabasag ng eardrums ko sabay lagay ng tray na may mga pagkain
"Wow ha, anong meron? Bakit may paganito? Breakfast in bed ka pang nalalaman, birthday mo? Anong meron?" sabi ko tsaka tumawa na parang inaasar sya
"Wala naman, just want to treat you" sabi nya tsaka ngumiti kaya di ko narin napigilan na ngumiti pabalik sakanya. Parang automatic na gumalaw ang mga labi ko na nagform na isang matamis na ngiti dahil sa mga sinabi nya.
Naramdaman kong nag iinit ang mga pisngi ko. Ang sweet nya palang tao. Naalala ko tuloy kung pano sya magkwento kagabi. Sobrang childish every story lahat may actions may pa sound effects pa nga e.
"Ops teka! Picturan ko muna" sabi nya kaya napaface palm ako, mas mahalaga ba talaga ang picture kesa sa kumakalam na tyan?
GIA POV
Breakfast with Ellawitch 🤫💛
Biglang akong nanghina sa nakita kong post ni Gabb. Andito ako ngayon sa elavator papunta sana sa room ni Ella para bigyan sya ng breakfast, kaso naunahan na pala ako
Then suddenly bigla akong nakaramdam ng kaba ng pagalinlangan. Gabrielle akala ko ba? Dapat ko ba talaga pagkatiwalaan lahat ng sinabi ay sasabihin nya?
Wala akong nagawa kundi bumalik nalang sa room ko at kumilos para pumasok sa klase.
Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko silang dalawa na naglalakad ng sabay. Nagtatawanan sila. Parang hinahagisan ng kutsilyo ang dibdib ko kada makikita kong tumatawa ni Ella. Oo, all i want is to see her smilling and laughing. Pero ansakit lang na hindi ako yung dahilan.
Huminga ako ng malalalim at binilisan ko ang lakad
"Ba!" Biglang tawag nya sakin kaya napatigil ako sa pag lalakad
"Sabay ka na samin, gusto mo?" inaya nya ko sa hawak nyang yakult. Umiling ako at ngumiti sakanya
Wala akong nagawa kundi sumabay sakanila sa paglalakad. Kwentuhan lang sila ng kwentuhan. Parang hangin lang ako dito. Bakit ganun? Ang bilis nilang magkapalagayan ng loob. Sobrang saya ni Ella sakanya.
Nakarating na kami sa room, naupo na kami sa mga upuan namin pero ganun parin. Nagdadaldalan parin sila. Mas okay pa sakin kung nag aasaran sila pero iba e. Napapapangiti nya ng todo si Ella.
Coleen POV
Sinipa ko ang upuan ni Ella, i hate seeing my friend na sayang saya sya kausap.
YOU ARE READING
All with you
FanfictionBetween people who truly care and love each other, there are times where you don't need to say anything at all. Those emotions that are hard to express with words. Things like "I love you" and "Thank you", you don't really need to say those words...