Chapter 39

418 37 10
                                    

GENERAL POV

Naging kritikal ang buhay ni Ella at ngayon ay nasa emergency room.

Hindi mapakali si Gabb dahil sa sobrang pag alala, dali dali naman nitong sinabihan sina Jem sa di inaasahang pangyayari.

"Gabb" agad namang napatayo sa kinauupuan si Gabb

Isang malakas na sampal ang sumalubong sakanya galing kay Coleen.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na layuan mo si Ate Ella?! TIGNAN MO ANG NANGYARI! DAHIL SAYO! DAHIL SAYO! GABB! DI TALAGA KITA MAPAPATAWAD!" napayuko nalang si Gabb sa labis na pagkadismaya

"Coleen kumalma ka muna, this is not the right time for that" pag pigil naman ni Jem sa kaibigan

"HINDI ATE! ALAM MO GABB! SINABI KO NA EH! SIMULA UNA PALANG HINDING HINDI KANA MAGBABAGO! ANG GALING GALING MO! NAPAKA MANIPULATIVE MO! NAGAWA MO PANG MANGAKO SAKIN NA WALA KANG GAGAWIN KUNDI PASAYAHIN SI ATE ELLA! PERO TIGNAN MO! LAHAT! NANG DAHIL SAYO!" 

"Shh~ Coleen tama na" pag pigil ni Jem 

"AKALA KO BA! HA! GABB! MAHAL MO BA TALAGA SI ATE!? Alam mo! nung simula na maging kayo! Lagi nalang umiiyak si Ate! Grabe ka Gabb!" 

"C-coco im sorry" yan lang ang nasabi ni Gabb dahil narin sa hindi sya makapagsalita ng ayos dahil sa mga luha na patuloy na umaagos sa mga mata nya, dagdag pa ang masasakit na salita ng binitawan ni Coleen sakanya. 

Agad namang inilayo saglit ng magkakaibigan si Coleen kay Gabb dahil narin na nagtitinginan narin ang ibang tao sakanila, Ilang minuto rin ang lumipas tsaka dumating ang mga magulang ni Ella 

"Asan ang anak ko! Asan!" agad namang nagsitayuan ang magkakaibigan ng dumating ang parents ni Ella

"S-shes' still in the emergency room, tito" saad ni Coleen

"Nako ang anak natin" di na napigilan ng ina ni Ella na maiyak dahil sa sitwasyon ngayon ng kanyang anak

"T-tita tito. I-i am very sorry about what happened to Ella. I will take the full responsibility" nakayukong saad ni Gabb habang pinipigilan ang mga luha niya

Niyakap si Gabb ng Dad ni Ella at hinagod hagod ang likod.

"Accident happens, Anak. Its okay" bumuhos ang luha ni Gabb ng marinig niya ang sinabi ng Ama ni Ella

Marahil sa isip isip ni Gabb, hindi alam ng mga magulang ang tunay na rason, kung bakit humantong sila sa ganitong sitwasyon.

JEM POV

Magkakalahating oras na kaming nag aantay dito sa labas. Wala paring balita kay Ella.

"Coleen" tawag ko sakanya, bigla kasi siyang nawala kanina. Andito pala sa simbahan dito sa loob ng hospital

Naupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nito.

"Di ko na kinakaya Ate" sambit niya

"Ayokong mawala si Ate Ella. Sya lang yung tumanggap at sinuportahan ako sa lahat ng bagay" sumandal sya sa balikat ko at dun bumuhos ang mga luha nya

"Shh~ magiging okay din si Ella. Malalagpasan nya toh" sambit ko habang hinahagod ang likod nya

"Naalala ko pa nung highschool tayo. I was bullied, di sya nag hesitate na ipagtanggol ako. Simula nun lagi na nya kong kinakamusta. Lagi nya kong sinasamahan. Para ko na syang totoong ate. Sya lang yung nakilala kong uunahin ang iba kesa sa sarili" umiiyak na sambit nya

All with youWhere stories live. Discover now