Chapter 21

478 35 7
                                    

GENERAL POV

Nagulat ang magkakaibigan ng makita si Ella na pasan pasan si Gia na walang malay. Bahagya naring tumila ang ulan sa mga sandaling iyon.

"Jusko! Anong nangyari!" tarantang sabi ni Sela

"Halika dalhin mo muna dito" aya naman ng tour guide

Mayroon kasing isang bahay duon na para sa mga officials.Mayroon din naman itong kwarto, tipikal na bahay rin pero may opisina para sa mga mag aasikaso sa pag camping sa site.

Agad namang dinala ni Ella si Gia sa isang kwarto at inihiga ito sa kama.

"Teka, basang basa kayo oh. Kukuha lang ako ng damit" sabi ni Lara tsaka lumabas, naiwan naman na alalang alala ang magkakaibigan sa kwarto

"Anong nangyari?"

"Akala ko ba kasunod mo sya Gabb?"

"May mga sugat ba sya?"

Ilan lang yan sa sabay sabay nilang tanong.

"N-nakita ko nalang sya na nakalumpasay sa gilid. Feeling ko hinimatay sya habang pabalik dito? Mataas din kasi ang lagnat niya" hula naman ni Ella

Nakatitig lang si Gabb sa nakahigang Gia habang iniisip ang pag uusap nila kanina

Hindi kaya dahil don?

Tanong ni Gabb sa sarili.

"Sige guys ako na muna ang bahala kay Ba, sunod nalang ako sainyo" sambit ni Ella habang pinupunasan si Gia ng maligamgam na tubig 

"S-samahan na kita dito, Ella" akmang uupo na si Gabb sa kabilang side ng kama pero nginitian sya ni Ella

"Ako nalang Gabby, mag enjoy na muna kayo sa baba. Sunod ako promise" sambit ni Ella kaya wala nang nagawa ang dalaga kundi ang lumabas sa silid

Naiwan namang nakaupo si Ella habang pinagmamasdan si Gia na ngayon ay mahimbing na natutulog.

Kinuha niya ang isang bimpo at pinunasan muli ang kaibigan. Habang pinupunasan niya ito ay hindi niya maalis sa isip ang naging usapan nila nung nakaraan.

FLASHBACK

"Paano mo nalaman na bisexual ka?" nagulat si Gia sa biglaang tanong ni Ella na hindi naman talaga nya inaasahan.

"B-bakit mo naman natanong? Napaka random naman ata ng tanong mo?" tugon naman ni Gia

"Wala naman, napaisip lang ako. Ano ba yung mga pwedeng reason para maging bisexual ka?" tanong muli ni Ella. Nagtataka paring nakatingin si Gia sa kaibigan dahil sa dami ng pwedeng itanong ay bakit tungkol pa sa kasarian nito

"Sa totoo lang, di ko agad nafigure. Hanggang sa nakasama kita. Hanggang sa pinaramdam mo na worth it ako. Dun naisip ko pwede pala akong magmahal ng babae" paliwanag naman ni Gia sa kaibigan

"Ako? Bakit naman ako naging reason? Ano ba naramdaman mo nung naffigure mo na may gusto kana pala sa babae?" tila nagtaka na si Gia sa mga tanong ni Ella sakanya

"Bakit mo ba natatanong yan? May nagugustuhan ka na babae noh?" pang asar naman ni Gia kay Ella pero ngumuso lang ito at tumawa ng bahagya

"H-hindi ah! Syempre curious lang. Tagal natin mag friendship tapos may gusto ka na pala saken" pagmamayabang ni Ella kaya naman natawa si Gia

"Ano ba, sino bang tao ang di ka magugustuhan? Kahit ang arte arte mo sa iba pero pag naman naging close ka saksakan ka ng clingy" pang asar ni Gia

All with youΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα