Six

577 23 1
                                    

"No.... Dahil hindi ako pumayag." Ulit niya sa naging sagot kanina.

"W-what do you mean?" He looked puzzled.

Hindi niya alam kung tama bang ngayon niya dapat sabihin dito ang totoo. Masyado na itong maraming problema ngayon. Ayaw na niyang dagdagan pa.

"Let's talk about it some other time." Aniya dito.

"No, you tell me what's going on. Hindi 'yung nagmumukha akong tanga dito Careen." He called her by her name kaya alam niyang galit na ito. His face was dead serious at kita ang pagpipigil ng galit nito.

"But this is not the right time to talk about it. Andami mo ng problema ngayon, please." Pakiusap niya dito.

"And when is the right time? Kapag sa iba ko pa malaman? That's how you want it?" Gagad nito. Halos magsalubong na ang kilay nito.

"Tha's not what I mean babe..."

"Then fucking tell me now!" Nagpipigil na saad nito. Kita niya ang paggalaw ng ugat nito sa mukha.

"My dad wants me to marry Valir Santillan. For the sake of the company." There, she just dropped the bomb in front of him. I think it's better this way kaysa nga sa iba pa nito malaman baka mas lalo lang itong magalit sa kanya. He deserves to know, boyfriend niya naman ito in the first place.

She saw him froze. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.

"And you agreed to that?" Halos pabulong na tanong nito. He saw fear and pain on his eyes.

"No... I love you kaya hindi ako pumayag." She cupped his face and kissed him on his lips. "Kung ikakasal man ako, it should be you. Dapat sa 'yo lang not to anybody else." She gently said to him. She saw how his eyes spark with happiness.

"Oh God, hearing that makes my heart wanted to go out from my chest. You just made me so damn happy babe. I love you so much." He hugged her so tight. "Thinking that you'll marry another man, feeling ko I'm gonna explode. I can't take that. Hindi ko kaya." Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya.

"Don't worry, that's not gonna happen." She assured him.

"Are you sure?" Paninigurado nito.

"Very sure." Tila nakahinga naman ito ng maluwag sa naging sagot niya.

"You should be dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako. I don't wanna lose you babe." Napalunok siya sa narinig. Isiping pa lang niya na masasaktan ito ay parang pinipiga na ang puso niya.

How much more kung magkatotoo?

***

Makalipas ang isang linggo finally nakalabas na ang dad ni Thamuz, halos hindi na sila nakakapag-usap dahil busy ito sa pag-aasikaso sa kompanya habang inaasikaso din ang dad nito sa hospital. Ipinagpasalamat niya sa Diyos at bumuti na ang lagay ng ama nito atleast kahit papano ay mabawasan ang problema nito.

It's been a week na hindi na rin sila nagkikita. Naiintindihan naman niya ang kalagayan nito. She's hoping na malagpasan nito ang pagsubok na kinakaharap. As much as possible gusto niyang nasa tabi siya nito sa panahong nahihirapan ito pero saka naman siya hinigpitan ng daddy niya sa paglabas-labas niya.

Gusto niyang puntahan si Thamuz. Gusto niya itong makita. He missed him so much. Kaya naman susubukan niyang humingi ng tulong sa mommy niya para makalabas siya sa bahay nila.

Nakaayos na siya't lahat nang makarinig siya ng katok sa pinto ng kuwarto niya. Pagkuway bumukas iyon at iniluwa ang mommy niya.

Agad siyang ngumiti. "Hi mom." Bati niya dito ng tuluyan itong pumasok.

Only You (Completed)Where stories live. Discover now