Twenty Five

768 32 7
                                    

Kinakabahan si Careen habang papalapit sa sinasabi nitong bahay. Pamilyar ang daan na tinatahak nila.

The car stopped, she saw Thamuz took something from his compartment. May pinindot ito na kung ano doon. It's a remote I think dahil kusang bumukas ang gate.

Nang mai-park na nito ang kotse ay may sumalubong agad na dalawang katulong sa kanila at kinuha ang mga gamit na naroon . Tuwang-tuwa naman ang dalawang anak niya lalo na si Thalie na binati pa ang dalawang kasambahay.

Inalalayan naman nito si Thrace habang siya ay hawak si Thalie. Nang makalabas ng sasakyan ay halos mapasinghap siya. Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ang binata.

"Welcome home babe..." He said in a baritone voice.

A tears fell from her eyes. This is their dream house. Ang lupang kinatitirikan nito ang binili ni Thamuz para sa kanila. Ngayon ay may malaki at malawak na bahay na.

Hindi niya akalaing tinupad pa rin nito ang pangako sa kanya. Her heart filled with so much joy. Walang inhibisyong tinakbo niya ito at dinamba ng yakap. She hugged him so tight. Na tila ba ayaw na niyang pakawalan.

"You really did it..." Hindi maampat-ampat ang luha niya. She's so happy right now.

"Yes, all for you. We'll talk about it later over dinner." Mahinang bulong nito. "Dad is waiting." Tila nahihiyang bumitiw siya sa binata. She heard him chuckled.

Doon niya lang nakita ang ama nito na nakatayo sa 'di kalayuan. Mukhang kanina pa sila hinahantay. Namumula ang mukhang napatingin siya roon.

"Say hi to your lolo Thalie." Aniya sa anak na bigla namang nanakbo patungo sa lolo nito. Si Thrace naman ay inilapit ni Thamuz sa lolo nito.

"Oh God's gracious son, kamukhang-kamukha mo sila." Masayang saad nito kay Thamuz. Kita ang pananabik at kasiyahan sa mukha ng ama nito.

Nahihiya namang nagbigay galang siya dito pero nanatili itong nakangiti sa kanya. "Welcome home hija, kayo ng mga apo ko." Ani pa nito na ikinawala ng kaba sa dibdib niya. She thought na galit din ito sa kanya just like Thamuz pero iba ang ipinakita nito sa kanya.

"Thank you po." Nginitian siya nito saka binalingan ang dalawang apo.

"Who wants ice cream?" Yaya ng ama niya sa kambal na agad umu-o. Kinuha nito kay Thamuz si Thrace habang katabi nito si Thalie. Naiwan silang dalawa ni Thamuz.

"I thought you hate me." Nahihiya man pero nagawa niyang sabihin.

"It doesn't mean I have to forget what I've promised." He looked at her intently.

Napalunok siya. Bigla siyang nailang dahil nanunuot iyon sa kaibuturan niya. Nawawala na naman sa wisyo ang tibok ng puso niya. Her heart was pounding so fast.

"I hope this time, magawa mo rin ang promise mo." Inilapit nito ang mukha sa kanya at marahan siyang hinalikan sa labi. She wasn't expecting it kaya napaawang ang labi niya.

"I'll see you later tonight. Be ready." Kinindatan pa siya nito na lalong ikinawindang niya.

Naiwan siyang tulala.

Kinagabihan.

She settled to wear maxi dress with a baby blue color, simple lang damit niya medyo hapit sa katawan niya kaya lalong kita ang kurba nito. Litaw ng bahagya ang magkabilang bewang niya dahil sa design nito. It's backless type kay expose ang maputi niyang likod. Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang buhok na bahagya niyang kinulot. She put a light make up and ta-da! She's ready!

Excited siya na 'di mawari sa dinner nilang dalawa. Yeah, just the two of them. Kinikilig siya sa isiping dalawa lang sila. Maiiwan muna ang kambal sa lolo nila na tuwang-tuwa naman dahil gusto daw nitong makasama ang mga apo.

Only You (Completed)Where stories live. Discover now