Fourteen

604 35 9
                                    

Magkahalong kaba at excitement ang nadama niya pagkababa mula sa private plane na sinakyan nila. Kita din sa mukha ng kambal ang excitement lalo pa st first time ng mga ito makauwi.

May sumundong kotse sa kanila pauwi sa mansiyon. Kinakabahan siya sa muling paghaharap nila ng ama pero mas nanaig ang pangungulila niya dito.

Inabot sila ng isang oras sa daan dahil sa traffic. Napangiti siya nang matanaw ang pagpasok ng village. Mas lalo itong gumanda at nagkaroon ng malalaking bahay.

Wala pa rin pinagbago ang bahay nila. Still the same as before pero maintain pa rin ang structure nito at pintura. Parang bagong tayo pa rin kung titingnan. Mas lalong gumanda ngayon dahil mas marami ng pananim na bulaklak ang naroon.

Hmmm... Looks like her mom was now a plantita.

"C—careen my princess..." It's her dad voice.

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. She gasped when she saw her dad. Anlaki ng ipinayat nito. Nahabag na tiningnan niya ito.

"D—dad..." Maluha-luhang tinawid niya ang pagitan nila. Nawala lahat ng galit at hinanakit niya dito pagkakita sa ama.

"I miss you so much anak, I'm so sorry. I'm so sorry. Please forgive me, I regret everything that I've done. Patawarin mo ako." Her dad was crying. Akmang luluhod pa ito ng mabilis niyang awatin.

"I will not be here kung hindi kita napatawad dad." aniya sa ama.

Humagulgol na niyakap siya nito. "I miss my daughter, I miss my princess." Marahan nitong hinagod ang buhok niya.

"I miss you too dad." Aniya habang naiyak.

"Daddy Lo?"

Napabitaw ng yakap ang ama niya sa kanya at napatingin sa mga anak niya. Napaawang ang labi nito pagkakita sa kanila. "My grandchildren, oh my God. Come to daddy lo." Bahagyang yumukod ang daddy niya. Agad na nagsitakbuhan ang dalawa at yumakap sa lolo nito.

Ang gaan ng pakiramdam while looking at them. Her dad and her kids finally reunited. Ang mommy naman niya at tita ay maluha-luhang nakamasid sa kanila.

"So dad, how's your condition?" Aniya habang kumakain sila sa hapag kainan.

Kita niyang natigilan ito pero pagkuway nagsalita din. "I'm good anak, wala kayong dapat ikabahala sa 'kin. You see I'm still alive and kicking." Binuntutan pa nito ng tawa ang huling sinabi.

"Is Daddy Lo sick momma?" Inosenteng tanong ni anak niyang si Thalie.

"Thalie, I told you not to meddle in other's people conversation, didn't I?" Saway ng anak niyang si Thrace sa kakambal nito.

"But Kuya I was just asking momma." Thalie pouted her lips and she looks so adorable.

"Thalie baby, your Kuya Thrace was right. Usapang pangmatanda ito. Do you understand? You should listen to him." Aniya sa anak. They could understand tagalog but could not speak fluently talaga. For sure matututo din to pag tumagal.

"Come on, finish your food na, tomorrow will go shopping for you toys." nanlaki naman ang mga nito sa narinig sa sinabi ng lolo nito.

"Really daddy lo?" Excited na wika ni Thalie.

"Yes apo." Pag-aasure ng dad niya.

"Promise daddy lo?" Ani Thrace na kita din ang kasiyahan sa mukha.

"Dad don't spoil them too much ha." Paalala niya sa ama.

"Hayaan mo akong bumawi sa kanila anak. It's been five years na hindi ko sila nasilayan." Hindi na siya nagkomento at baka magtampo ang dad niya.

Only You (Completed)Where stories live. Discover now