Twenty Seven

762 27 2
                                    

He proposed.

She said yes.

She was so happy, hindi niya akalaing mangyayari ang bagay na 'to. After five years of being apart siya at siya pa rin. Akala niya hindi na mawawala ang galit nito sa kanya sa ginawa niyang pag-iwan dito dati. But she was wrong, mas nanaig ang pagmamahal nito sa kanya.

Siya na ang pinakamasayang babae sa mundo. Having Thamuz in her life with their twins at wala na siyang mahihiling pa. Thank you Lord for everything.

Kasalukuyan silang pauwi ngayong araw. Miss na miss na niya ang kambal. Thamuz was driving habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa kamay niya. Yeah, ganoon ito ka-sweet. Lalo siyang napapamahal dito.

Mag-aalasais na ng gabi, halos isang oras mahigit din ang binayahe nila bago nakauwi. Agad silang sinalubong ng mga bata.

Isang araw pa lang na hindi niya kapiling ang mga pakiramdam niya ay taon na ang nagdaan. They had dinner at sinabi nila dito na engage na sila. Masaya ang ama ni Thamuz para sa kanila lalo na ang mga bata. Ang mga parents na lamang niya ang kakausapin nila bukas about pagiging engaged nilang dalawa.

Ngayon ay hindi siya kinakabahan na makausap ang mga magulang dahil alam niyang susuportahan na nito silang dalawa.

"What were you thinking babe?" Ani Thamuz na biglang sumulpot sa likuran niya.

"Ang mga bata?" Aniya na hindi pinansin ang tanong nito.

"They're sleeping now. They love the bracelet na pinacustomized ko." He hugged her from behind. Langhap niya ang mabangong amoy nito.

"Really? Thank you for everything Thamz..." sinserong saad niya.

Kasalukuyan silang nasa terrace, medyo madilim, nakapatay ang ilaw at tanging lampshade lang ang nagsisilbing liwanag na nasa loob ng kuwarto.

"Anything babe... Para sa inyo... Now tell me, anong ginagawa mo dito? Hmmm?" He kissed her on her earlobe kaya naman napaungol siya.

"Iniisip ko lang sila dad." Aniya at napapikit ng halikan nito ang batok niya.

"It's gonna be fine babe. Don't worry. I'll just need to do one thing bago tayo magpakasal." Anito habang abala pa rin sa panaka-naka nitong paghalik kanya.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong niya dito at nilingon ito.

"It's a secret babe..." He was about to kiss her pero iniwas niya ang mukha.

"Tell me." Pagbabanta niya.

"Babe-"

"Isa." Pagbibilang niya dito.

"Fine, he wants me to be his surgeon at kapag naging successful he will give his blessing to us. Na puwede na kitang pakasalan." Nagulat siya sa inamin nito.

Hindi niya akalaing hihingi ito ng pabor kay Thamuz. Knowing her dad, napakataas ng pride nito. She's happy dahil finally magpapagamot na ito. This is what she wants. Gusto niya pang makasama ng matagal ang dad niya.

"Pumayag ka?"

"Of course, gusto ko rin naman na gumaling siya. He's your father after all at magiging pangalawang ama ko rin kapag kinasal na tayo." Madamdaming saad nito.

Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Nakagat niya ang labi.

"Thank you babe..." Halos pabulong na anas niya.

"Anything for you babe... Anything." Halos paos na sambit nito.

She grabbed his nape and kiss him. Yeah, she initiated the kiss. She heard him moan at gumanti ng halik sa kanya. Napangiti siya.

Only You (Completed)Where stories live. Discover now