Eight

530 24 2
                                    

Later she found herself inside Thamuz car, pareho silang walang imik. She want to say something pero walang nais mamutawi sa labi niya.

She could hear him breathing deeply. Panay ang buntong-hininga nito. She look at him, he still as handsome as before pero medyo humaba ang buhok nito. May mga stubbles na din ito sa mukha. Halatang hindi na nakakapag-ayos o naalagaan ang sarili. Someone pinched her heart seeing him frustrated and problematic. She couldn't stand seeing him like this for so long. Naawa siya sa nobyo. She must do something about it.

Mahigpit siyang napakapit sa hawak niyang purse ng biglang tumigil ang sasakyang minamaneho nito.

Doon niya lang namalayan na dinala pala siya nito sa nabiling lupa nito nakaraan lang. He told her na dito nito gustong magpatayo ng bahay kapag maging mag-asawa na sila.

Actually lupa pa lamang ito wala pang nakatirik na bahay o anuman, but it's huge property na kahit malaking factory ay puwede mong tayuan.

Lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto kahit blanko ang ekspresiyon ng mukha nito. He's still as gentleman kahit walang imik.

Inilibot niya ang paningin. Tanging ilaw ng sasakyan ang naroon. Malungkot niyang tiningnan ang paligid.

Alam niyang after ng gabing 'to, ito na ang huling tapak niya rito. Hindi na niya masisilayan ang balak nitong itayong bahay dito na para sana sa kanila. Tila dahan-dahang hinihiwa ang puso niya ng matalas na punyal. It hurts to think na hindi na siya ang makakasama nito. Hindi na siya ang magiging asawa nito na bubuo ng pamilya at mga anak nila. Everything will change after nilang mag-usap. Hindi niya namalayan ang luhang namalisbis sa pisngi niya.

"Why are you with him?" Malamig ang boses na tanong nito. Namulsa ito at humarap sa kanya. Staring at her with a blank face, walang emosyong kababakasan.

She couldn't read what's on his mind. Parang ibang Thamuz ang kaharap niya ngayon. "Answer me, damn it!" Napapitlag siya sa bahagyang pagtaas ng boses nito.

"B—babe..." She doesn't know how to start the conversation. Kung papano ipapaliwanag dito.

He run his fingers through his hair. "Kung hindi pa ako tinawagan na nandoon ka sa restaurant na 'yon, I wouldn't know what you're doing behind my back. You told me you can't go out dahil pinagbawalan ka tapos makikita kitang kasama ang gagong 'yon! Like what the fuck! Really? Cheating on me?" Madilim ang mukhang saad nito sa kanya. Pain is visible on his eyes and on his face.

"I am not c—cheating on you." Kandautal niyang sabi.

"Pero bakit kasama mo siya?! How would you explain that!" Nagpipigil na anas nito.

"May... May pinag-usapan lang kami." Sansala niya. "Please don't be mad at me. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko." Naiiyak na saad niya. She saw his face became soft by hearing her words.

"I'm sorry, I got jealous. I don't want any man getting near to you lalo na ang Santillan na 'yon. I love you more than anything else babe so please don't make me jealous huh?" Malumanay na ang boses nito. He hugged tightly patunay na miss na miss siya nito. Ganoon din ang ginawa niya. Dahil ito ang magiging huli. Sobrang sakit isipin pero kailangan niyang gawin. Napahagulgol siya sa dibdib nito.

"Sshhh, hush now babe. I didn't mean to be mad. I'm sorry." Alo ni Thamuz sa nobya.

He was mad earlier seeing his girlfriend with Santillan. It's making his blood boiled. He's fucking jealous kung puwede nga lang bugbugin niya ito kanina ginawa na niya pero nagpigil siya. Careen is mine, mine alone. Kung nakakamatay lang ang tingin baka nakabulagta na ang Santillan kanina pagkakita niya.

He could see to it na may gusto ito sa nobya niya kaya siguro gumagawa ito ng paraan para maikasal ang nobya niya dito. But hell no! As if he would let it to happen. But his world stop when he heard her say those words that are unexpected to hear.

Only You (Completed)Where stories live. Discover now