Twenty

677 29 5
                                    

Marahas na napahilamos si Thamuz sa buhok niya. Masakit din ang pisngi niya sa pagkakasampal ni Careen sa kanya. That's the second time she did it to him, sa tanang buhay niya ito lang talaga ang nakasampal sa kanya. Pero kahit gaano kasakit ang sampal nito mas masakit pa ring malaman na mahal nito ang ama ng mga anak nito.

Mukhang napalitan agad siya sa puso nito. It hurts like hell, her words were like a deadliest weapon that stabbed him on his chest. Ayaw man niyang aminin but he still loves her. After five fucking years hindi ito nawala sa puso niya. He tried to divert it into a lot of women pero walang bisa.

Damn!

Ganoon ba siya kadaling palitan? Bumigat ang dibdib niya sa naisip. Pero sinabi nitong hindi pa siya kasal.

What does she mean by that?

Suddenly bigla siyang naguluhan. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Napatingala siya para pakalmahin ang sarili.

Halos wala pa siyang pahinga dahil siya mismo ang personal na nag-aasikaso sa girlfriend ni Thompson na nabaril a week ago. Halos magdalawang linggo na rin ito sa ospital. Sumama lang siya dito dahil alam niyang pupunta ito.

Nagpupuyos sa galit si Careen ng makaalis sa harap ni Thamuz. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil muntik na niyang ipagkanulo ang sarili.

Hindi niya maintindihan ang inaakto nito. He was like a jealous boyfriend for Godsake!

Pero kinilig ka?

Hell no! Naiinis ako!

Weh? Then why are you blushing noong inamin mong mahal mo pa rin ang tatay ng kambal? Hmmm?

Natigilan siya, yeah she said it a while ago. Well it's true, but of course hindi naman niya sinabi ang pangalan nito.

Huh, manigas siya!

Nagsimula ng dumami ang mga tao at naging busy na silang lahat. She saw Thamuz was busy checking the patients. She smiled, this is the first time she saw him on his doctor suit. At bagay ito sa kanya. Lalo itong gumuwapo.

The medical mission went well. Gabi na ng makauwi siya. Pagod na ibinagsak niya ang katawan. She needs energy for tomorrow dahil nangako siyang ipapasyal niya ang kambal.

Kinabukasan maaaga pa lang ay gumayak na siya, nakaready na rin ang kambal. She's planning to bring them at the amusement park. Surely matutuwa ang mga ito.

"Ready?"

"Yes momma!" Halos magkapanabay pa na saad ng kambal.

"You two behave ha?" Mahinahong paalala niya sa dalawa.

"Yes po momma!"

Isang oras din ang byahe nila gawa ng traffic. As expected hindi matatawaran ang saya sa mukha ng mga ito. Halos lahat ng rides pambata ay sinakyan ng mga ito. Hinayaan niyang mag-enjoy ang mga 'to hanggang sa ito na mismo ang nag-ayang kumain. Nagugutom na daw sila na ikinatawa niya.

They decided to eat outside amusement park. May nakita kasi siyang mga restaurant na kahilera nito. Naglalakad silang tatlo. The two were holding a balloon, tig-isa angga 'to. Kulay blue kay Thrace samantalang pink naman kay Thalie.

May nakitang stall ng cotton candy si Thalie kaya nagpabili ito sa kanya. Inaabot niya ang bayad ng magsalita ang tindera.

"Ma'am anak niyo po ba 'yung tumakbo?" Awtomatiko siyang napalingon sa dalawa na naaa likod niya lang kanina. There she saw only Thalie next to her.

"Thalie baby where's kuya Thrace?" Kinakabahang tanong niya.

Tinuro nito ang kinaroroonan ng kambal. Agad niyang sinundan ng tingin ang tinuro nito. "There momma, lumipad po kasi ang balloon ko. Hinabol ni kuya." Nakangusong saad nito. Nakita niya ito na hinahabol ang lobo ng kambal.

Only You (Completed)Where stories live. Discover now