Thirteen

601 32 10
                                    

After five years...

Kasalukuyang inaayos ni Careen ang mga natirang gamit mula medical mission nila. Yes, isa siya sa mga volunteers sa medical mission in seattle, she's not literally working at the hospital pero ang grupo nila ay nakikipag-ugnayan sa mga hospitals para mag-alok ng free medical missions especially sa mga bandang liblib na lugar na medyo malayo sa siyudad.

Noong una ay ayaw pumayag ng tiyahin niya pero kalaunay napapayag din niya. Ito ang naging libangan niya pagkatapos manganak sa kambal. A baby boy and baby girl.

She was overwhelmed when her OB said she's having a twins. She felt so blessed and happy. Tuwang-tuwa ang Tita niya pati ang mommy niya sa nalaman kaya naman gumagawa ng paraan ang mommy niya na makabisita sa kanila dahil gustong-gusto nitong makapiling ang mga apo nito.

Medyo nahirapan siya during her labor pero sulit naman dahil nairaos niya ng normal delivery ang mga bata. She named her eldest to Thrace and Thalie for her princess. Of course she used Dela Rama for their surnames. Ayaw niyang ipagkait ang apelyido ng ama ng mga ito. Kahit doon man lang ay maramdaman ng mga ito na may ama sila.

Kamukhang-kamukha ng mga ito ang ama nila. Tila pinagbiyak na bunga ang mga ito sa ama. Kahit siguro hindi niya sasabihin hindi mapagkakaila na anak nito ang kambal. Gusto nga niyang magtampo at tila halos wala man lang namana ang mga ito sa kanya. Puro kay Thamuz lahat. Tsk, ang unfair lang!

Though she never told him about them, wala din naman siyang balak sabihin. Ayaw niyang makasira sa karelasyon nito.

She smiled bitterly, naalala na naman niya ang huling tawag na ginawa niya dati sa binata. Sa tuwing naalala niya iyon naroon pa rin ang sakit. May kirot pa rin siyang nararamdaman sa puso niya.

Five years had passed pero tila sariwa pa rin ang lahat. She tried to moved on pero imahe nito lagi ang nakikita niya lalo na at araw-araw niyang nakikita ang mga kamukha nito.

She let a soft chuckle, pano nga ba magmove on? Kahit hindi siya nakikibalita tungkol dito ay kusa niya nakikita ang mukha nito sa mga featured magazines. Kilalang-kilala na ito saang sulok ng mundo lalo na at lumago ang hospital nito.

She's happy for his success kahit nakakalungkot na hindi na siya ang kasama nito sa bawat tagumpay nito. Minsan nakikita niya pa ang mga babaeng nalilink dito pero pilit niyang binabalewala. She have no right anymore. He's handsome, rich and famous sino ba ang hindi magkakandaugagang babae dito?

She must accept na nakaraan na lang siya sa buhay nito. She's not ready to face him. Not now, ayaw niyang i-risk ang kambal. Natatakot siyang ma-reject ang mga bata. Ayaw niyang masaktan ang mga ito kapag hindi tinanggap ni Thamuz ang kambal. She can't take it, mas gugustuhin pa niyang siya lang ang masaktan kaysa ang mga anak niya. She's afraid.

Oh baka naman mahal mo pa rin?

Mahal pa nga ba?

Mapait siyang napangiti, ayaw man niyang aminin pero mahal niya pa rin ito. Damn, it's been five years and she's still inlove with him. Wala ni sinumang nakapasok sa puso niya though marami ang nagtaka na manligaw siya kanya but she rejected them all. Mas gugustuhin pa niyang ituon ang pansin sa mga anak niya kaysa magpaligaw. She don't have no time for that.

Oh sadyang nirereserba mo lang ang sarili mo kay Thamuz? Anang bahagi ng utak niya.

Ipinilig niya ang ulo para iwaglit ang sinasabi ng utak niya.

Pagkatapos magligpit ay nagpaalam na siya sa mga kasamahan. She missed her twins lalo na at maghapon siya sa labas.

Pagpasok mg bahay ay nagulat siya ng madatnan ang ina na naroon kasama ang mga anak niya. Gumuhit ang ngiti sa labi niya.

Only You (Completed)Where stories live. Discover now