Seventeen

636 32 9
                                    

Malapit na silang mag isang linggo dito sa Pilipinas but still hindi pa rin siya nagpapakita kay Thamuz. Though her parents always reminding her na sabihin na dito ang tungkol sa kambal.

Ini-imagine pa lamang niya na ang gagawin natatakot na siya. Hindi niya alam kung papaano ito kakausapin. Kung ano ang dapat niyang sabihin.

Kung galit pa rin ba ito? Kung kakausapin kaya siya nito? Andaming tanong sa isipan niya natatakot siyang makuha ang sagot.

Kasalukuyan siyang nasa hardin ng umaganh iyon. Tulog pa ang mga bata dahil napuyat kakalaro kagabi sa daddy lo nila.

"Ang aga mo yatang nagising?" Napalingon siya sa nagsalita. It's her dad.

"Goodmorning dad." Sinalubong niya ito ng ngiti.

"Nagbreakfast ka na ba?" Tanong nito sa kanya.

"Just milk dad."

"Sumabay ka na sa amin, dito na tayo sa garden kumain."

"Okay dad."

Tinawag nito ang katulong at nagpahain ng pagkain. Maya-maya pa ay dumating ang mommy niya para saluhan sila.

"Pupunta ka ba ng office dad?" Aniya habang kumakain na sila.

"Yeah, nextweek I want you to be there. Gusto kong pag-aralan mo ang kompanya. Ikaw din naman ang sasalo nun when I stepped down." Nabigla siya sa sinabi ng dad niya.

"Po? P-pero wala po akong alam sa pagpapatakbo nun dad." Agad na salungat niya.

"That's why pag-aralan mo, I'll appoint someone na magti-train sa 'yo doon." Napabuntong-hininga siya.

"Okay dad."

"Hija, I'm getting old na. Gusto kong iwan 'yon sa 'yo ng maayos. Para sa future ng mga apo ko. For you." Nakangiting turan ng ama niya.

"Dad, don't say that. Para namang namamaalam ka na. Remember you have your schedule for nextweek. Magpapagamot ka. We talked about this remember?" Paalala niya dito. Tumatangong ngumiti ito.

"Yeah, yeah, I remember."

Ayaw na ayaw niyang nagsasabi ito ng mga negatibong bagay. Bumibigat kasi ang pakiramdam niya.

"By the way Before I forgot, I want you to attend a charity ball tonight. I couldn't make it dahil may dinner meeting ako so I need a representative to be there." paliwanag ng dad niya. "Mainam na rin na matuto kang makipaghalubilo para hindi ka na mailang. Kailangan mong masanay anak, sooner or later ikaw na ang papalit sa akin." Dagdag pa nito.

"O-okay dad pero wala pa akong masusuot na dress. You should have informed me earlier." Nagdadalawang isip na saad niya. Pero ang totoo kinakabahan talaga siya.

"No worries, your mom prepared it already. Right sweetheart?" Baling nito sa mommy niya.

"Oh I almost forgot, It's on the way here kakatawag lang sa 'kin ng delivery. I'm sure you will love it anak ako ang pumili noon." Masayang turan ng mommy niya.

"Looks like I don't have any choice." Naiiling na anas niya.

Tumawa ang mga ito. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba lalo na sa kakaibang tinginan ng mga ito pero ipinagkibit-balikat niya. Baka namamalikmata lang siya.

Napatampal siya sa noo ng makita ang naturang gown which her mom bought for her. She was speechless pagkakita sa gown. It's a Glamorous beaded applique evening Gown, with over-skirt deep V-neck cap sleeves mermaid long dress. Nag-aagaw ang silver at gold na kulay nito. Her cleavage was showing, though natatakpan man ang legs niya kita pa rin iyon dahil sa manipis na tela. Above the knee lang ang natatakpan ng mga beads.
Litaw din ang likod niya dahil sa backless style nito.

Only You (Completed)Where stories live. Discover now