CHAPTER 2: Good pet

815 61 21
                                    

MILES' POV

"Take him, Marissa." galit na wika niya sa maid at dali dali naman itong lumapit sakin. Hinila niya ang braso ko at inalalayan akong tumayo.

Bahagya muna siyang yumuko sa lalakeng mababagsik pa rin ang mga tingin sakin. Nagtama ang paningin namin ngunit kaagad akong umiwas.

Nakakapanghina ang mga tingin niya.

Hindi na ako naglakas loob na magpumiglas pa at hinayaan ko nalang ang maid na isama ako palabas.

Naging tahimik lang ang naging paglakad namin sa hallway hanggang sa makarating kami sa elevator.

"Ayos ka lang ba, iho?" nung nagsara ang bakal na pinto ng elevator at matapos niyang pindutin ang bilog na button na may nakalagay na 47th ay saka palang siya nagsalita.

Hinaplos haplos niya ang likod ko at hindi ko magawang sagutin siya. "Natakot ka ba? Pagpasensiyahan mo na si Mr. Hudson. Hindi lang talaga mahaba ang pasensya nun."

Bumukas ang pinto ng elevator at muling naging tahimik ang paglalakad ko kasama ang maid. Nakatungo lang ako hanggang sa tumigil siya sa isang malaking pinto ulit na binabantayan ng dalawang mga tauhan.

Bahagya silang yumuko saka nila binuksan ang pinto. Bumati sakin ang isang napakalaking suite. Kumikinang ang marangyang chandalier sa gitna. Pagkapasok na pagkapasok mo ay sasalubong sa'yo ang isang pinto papunta sa isa pang kwarto. Sa kanan ay nandoon ang isang office place. May isang hallway naman sa gilid papunta sa bathroom.

Sa kanan naman ay makikita mo ang malawak na sala. Katabi nito ang isang kusina na kumpleto sa gamit. Sa gilid ay may isang maliit na starcase papunta sa balkonahe ng ikalawang palapag kung saan mo makikita ang isang pinto ulit.

Sa uri pa lang ng mga kagamitan na nandito ay mahihinuha kong milyon ang halaga nito.

"Umupo ka muna dito, iho." bigla ay ani nung katulong habang inilalahad niya ako sa malaking sofa. Sumunod naman kaagad ako at umupo. "Teka lang, ikukuha lang kita ng ice pack para diyan sa pisngi mo."

Umalis siya at naglakad papunta sa ref at walang minuto ay nakabalik na muli siya sabay abot sakin ng dala niya. "Eto, iho. Para mabawasan ang pamamaga ng mukha mo." tahimik ko itong kinuha at napangiwi ako habang pinapahid pahid ito sa pisngi ko.

Umupo siya sa tabi ko sabay buntonghininga. "Mukhang may bago na namang natipuhan si Theodore. Akala ko'y titigil na ang batang 'yon."

Wala akong ka ide ideya sa mga sinasabi niya.

"Pwede ko bang malaman ang iyong pangalan, iho?" binasag niya ang saglit na katahimikang namayani samin. Bahagya siyang nakangiti.

"Miles ho ang pangalan ko." pagpapakilala ko. "Miles Bennett."

"Ako naman si Marissa. Pwede mo din naman akong tawaging manang." pagpapakilala niya sa sarili niya.

Nakakagaan ng loob ang pananalita ni Manang. Napangiti ako ng bahagya.

"P-Pwede ho ba akong magtanong sainyo?" nahihiya at nangangamba kong ani. Tumango siya bilang sagot. "Ano h-ho bang gagawin ko rito? Ano n-na pong mangyayari sakin?"

Nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng pag-aalala. "Makinig ka sakin, iho." hinawakan niya ang kamay ko. Tuloy ay mas lalo akong nangamba. "Ngayong nasa puder ka ni Mr. Hudson wala kang ibang gagawin kundi ang sumunod sa lahat ng iuutos niya. Nakita mo naman siguro kanina na ayaw niya kapag hindi siya sinusunod. Mainitin ang ulo nun at napakamarahas. Kaya habang nandito ka sa puder niya ay wag mo siyang susuwayin."

Tumriple ang tibok ng puso ko nung muli kong maalala ang bagsik ng mga mata niya kanina. Nakakangatog ng tuhod ang simpleng pagdikit ng dalawang kilay niya. "Anong klaseng u-utos po ba 'yong pinapagawa n-niya?"

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now