CHAPTER 3: Offer

802 48 20
                                    

MILES' POV

Nung muli akong ihatid ni Nelson sa suite ay mabilis akong tumakbo papunta sa banyo. Taranta akong naghanap ng toothbrush at toothpaste Natagpuan ko 'yon sa harap ng malaking salamin Nanginginig ang mga kamay ko habang mabilis at marahas ang naging pag brush ko sa ngipin ko.

Punong puno ako ng pinaghalong pandidiri at kahihiyan. Binuksan ko ang tubig at mabilis na nagmumog. Nagbabakasakaling maialis sa bibig ko ang mga natitirang nakakadiring katas ni Mr. Hudson.Ginawa ko 'yon ng madaming beses hanggang sa halos humapdi na ang bibig ko.

Naghabol ako ng hinga habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Napatitig ako sa repleksyon ko. Magulo ang buhok at nagkalat ang mga bula sa bibig. Kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko.

Napaupo ako sa sahig at napasabunot sa ulo. Pagkatapos ng pinaggawa sakin ni Mr. Hudson hindi ko alam kung anong iaakto ko.

Hindi ko 'yon inaasahan. Na ganoong paglilingkod at serbisyo ang hihingin niya. Na hanggang dito ba naman, kalaswaan ang mga ipapagawa sakin.

Oo, abusado ang Papa ko ngunit mas gugustuhin ko nalang sa puder niya kaysa dito. Na wala akong ka alam alam sa mga tao at kung anong mangyayari sakin. Natatakot ako, sobra.

Hindi ako pwedeng manatili rito.

KINABUKASAN, wala akong ka buhay buhay na nakaupo sa harap ng mahabang mesa. Sa gilid ko ay nandoon si Manang Marissa na hinahanda ang napakaraming pagkain. Animo'y piyesta.

"Kumain ka na, Miles." malumanay aniya at pero nanatili akong walang imik. Nagbuntonghininga siya saka umupo sa gilid ko.

"Patawad, iho.." sumikip ang dibdib ko. "Patawad at hindi ko nagawang sabihin sa'yo ang tunay na dahilan kung bakit ka nandito. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin na gagawin kang.."

"Parausan.." ako na ang tumapos sa pangungusap niya Ngumiti ako ng mapait. "Tama ho ba?" napatitig sakin ang naaawa niyang mga mata. "Sa totoo lang ho sanay naman na ako dun, eh." tumungo ako at hindi na napigilang maluha. "Diring diri na ho ako sa sarili ko" Pinahid ko ang luha at muling hinarap ang maid. "Kaya Manang, tulungan niyo ho akong makatakas dito." bahagya niyang ikinagulat 'yon.

"Miles hindi k-"

"Parang awa niyo na ho.." hinawakan ko ang kaniyang dalawang kamay. "Tulungan niyo ho akong makaalis.. ayoko na po mabuhay ng ganito.. kaya manang nagmamakaawa ako sainyo.."

Matagal bago niya nagawang tumugon. Kita sakaniya ang pag-aalinlangan. "Miles, makinig ka sakin.." hinawakan niya din ang kamay ko. "Madami ng nauna sa'yo, iho." nanlaki ang mata ko. "Gaya mo ay pinambayad sila sa bilyon bilyong utang. Lahat sila sinubukan ding tumakas dito pero hindi nagtagumpay. Sa halip ay.." hindi niya magawang tapusin ang sinabi.

"Sa halip ano ho? Anong nangyari sakanila?"

"Pinatay silang lahat ni Mr. Hudson." dahil sa gulat ay nabitawan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Manang. "Ayokong mangyari sa'yo 'yon, Miles. Maniwala ka sakin pakakawalan ka niya. Makakaalis ka dito. Kapag naging mabait at masunurin ka kay Mr. Hudson, palalayain ka niya."

Ang huling sinambit na 'yon ni Manang ay kahit papano'y nagbigay ng kakarampot na pag-asa.

Ngunit bago ako makakalaya, kailangan ko pang sumabak sa impyerno? Na naman?

Awtomatikong napatayo si Manang nung biglaang nagbukas ang pinto. Inilugwa nun ang nakapormal na damit na si Mr. Hudson. Maayos ang porma niya, pati ang buhok ay naka style. Nakakatindig balahibo ang presensiya niya. Yumuko si Manang kasali ang mga maid na nakahilera din sa gilid.

Pumwesto siya sa kabilang dulo ng mahabang mesa, katapat kung nasaan ako kasalukuyang nakaupo. Nagsimula siyang kumain. Hindi niya ako pinansin, ni kahit tapunan ng tingin ay wala rin. Patuloy lang siya sa pagnguya habang ako naman ay pinapawisan na kahit malamig dito sa loob.

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now