CHAPTER 10: Clark's Birthday

256 23 11
                                    

Sa sumunod na mga araw ay hindi na nga ako pinansin pa ni Clark. Ilang beses ko sinubukang lumapit sakaniya ngunit hindi niya ako pinapansin. Binabati ko rin siya ngunit napapahiya lang ako dahil ni hindi man lang niya ako tinitingnan.

Talagang mabigat 'yong naging epekto ng huli naming pag-uusap.

Hindi naman kasi talaga pwede na pumunta ako sa birthday niya dahil bantay sarado ako. Isang maliit na pagkakamali ay matitigok ako kay Mr. Hudson. Mula sa pagpunta ko sa school hanggang sa pag-uwi ay monitored ako, hinahatid at sinusundo sa tamang sa oras kaya hindi ko alam kung paano ko 'yon isisingit.

"Uh.. Mr. Hudson?"

Kasalukuyan siyang nagbibihis at kakatapos lang niya akong ikama nung tawagin ko siya. Wala akong suot at nasa kama pa rin habang nakakumot. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa kaba. Ang magkabilang palad ko ay pinagpapawisan ng kahit na todo ang lamig ng aircon.

"What is it?" tanong niya habang binubutones ang long sleeves niya.

"Uh.. a-ano po kasi.. bukas may uh—"

"Speak properly so I can understand you," medyo may diing sambit niya habang hindi ako sinusulyapan.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit.

"Bukas po kasi may club activity kami na kailangan tapusin kaya..." napalunok ako at hindi ako makatingin sakaniya. "... kaya pwede po bang ma-late ako konti ng uwi?"

Mula sa pag-aayos ng coat niya ay napasulyap siya sakin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"I didn't know you were that active on school activities," komento niya.

Pagkatapos niyang magsalita ay namutawi ang katahimikan. Habang hinihintay ang magiging sagot niya ay nakakabingi na ang dagundong ng puso ko. Kung hindi man siya papayag ay okay lang, atleast sinubukan ko. Hindi na siguro ako masisisi ni Clark.

"What time will you end?"

Nung bigla niyang itanong 'yon ay nabuhayan ako ng loob.

"9 PM po sana," sagot ko naman. Hindi 'yon masyadong maaga at hindi rin masyadong late.

Muli na naman akong kinabahan nung humakbang papalapit sakin si Mr. Hudson. Tapos na siyang magbihis at paniguradong papunta na sa walang hanggang mga meeting at trabaho niya.

Hinawakan niya ang baba ko saka iniangat 'yon upang magtama ang mga mata namin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga maiwasang mapahanga sa mga mata ni Mr. Hudson.

Kahit sinong babae ay luluhod para lang sulyapan niya. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami ay malamang makakaramdam ako ng swerte dahil nagagawa kong hawakan ang ganito kagwapong nilalang.

"Since you've been a very good boy lately, I'd let you."

Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya.

"Talaga po?"

Umangat papunta sa buhok ko ang kamay niya at marahang humaplos doon.

Tumango siya. "Just make sure by 9, you'll be at the school gates waiting for Nelson, we clear?"

"Opo, Mr. Hudson. Thank you po!"

Marahan siyang napangiti sa biglang paglakas ng boses ko.

Nung unang mga araw ko dito ay akala ko magiging miserable na akong sa kamay niya. Araw-araw niyang pahihirapan at sasaktan ngunit akala ko lang pala 'yon dahil hangga't nagpapakabait lang ako at sumusunod sakaniya ay napapadali ang lahat.

KINABUKASAN ay hindi na ako makapaghintay na pumunta sa paaralan. Pagdating na pagdating namin sa labas ng gates ay lumabas na kaagad ako.

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now