CHAPTER 11: Phone Call

502 27 18
                                    

Warning: Non-con

Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko. Ang tanging gusto ko lang ay makaalis sa lugar na 'yon. Ayokong ipahiya si Clark sa maraming tao pero hindi talaga pwede ang gusto niyang mangyari. Nasa komplikado akong sitwasyon. Nagsinungaling pa nga ako para lang maka attend sa birthday party niya. Ayokong maulit ito dahil kapag nalaman ni Mr. Hudson ay hindi ko alam kung anong magagawa niya sakin.

"Miles!" Narinig ko ang boses ni Clark sa likod ko ngunit nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. "Miles, sandali!"

Walang tigil ang pagkilos ng mga paa ko. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha. Tumigil ako sa pagtakbo nung makarating ako sa pool area nila kung saan wala na akong ibang daan pa upang makatakas sa humahabol sakin na si Clark.

"Miles, please.."

Nung humarap ako upang maghanap ng ibang daan ay nadatnan ko si Clark na nasa mismong harap ko na. Gaya ko ay hinihingal siya at nakikita ko ang sakit sa mga mata niya.

"I'm sorry, Clark.." mas lalong lumakas ang pagguho ng mga luha ko nung nasa mismong harapan ko na siya. Hindi ko siya nakayang matingnan sa mata. "Hindi ko gustong ipahiya ka sa harap nila pero kasi—"

"It's okay, Miles," aniya at hinawakan ako sa magkabilang balikat upang pakalmahin. "Hindi mo kailangang humingi ng sorry sakin. It is my fault for startling you and pressuring you infront of everyone."

"Pero birthday mo kasi.. at pinahiya kita sa harap nila. Maniwala ka sakin hindi ko gustong tumakbo paalis, kinabahan lang talaga ako at hindi ko alam kung anong—"

"I know," sambit niya sa mahina niyang boses at tiningnan ako sa mata. "I know, Miles, and it's okay. It's fine with me. I don't care about what anyone says. You don't have to give me your answer now. You can think about it for as long as you want and I can wait."

Kinalma ko ang sarili at tiningnan siya sa mata.
Ilang segundo kaming natahimik bago ako nagkalakas ng loob upang magsalita ulit.

"Clark.." tinawag ko siya sa pangalan niya.

"Yes, Miles?"

"I'm sorry.." Nagsimula na namang gumuho ang mga luha ko. "..pero hindi pwede.."

Nakita ko kung paano mapuno ng sakit at gulat ang mga mata niya. Ilang segundo niyang pinroseso sa utak ang sinabi ko.

Ayokong tanggihan si Clark ng ganito dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi ang maging mabait sakin. Sa lahat ng tao sa school ay siya lang ang nagkusang loob na lumapit at makipagkaibigan sakin.

Sa ilang buwan simula nung magkakilala kami ay hindi ako kailanman nakaramdam ng pag-iisa. Kung nasa ibang sitwasyon ako. ay bibigyan ko siya ng pagkakataon. Ngunit komplikado ang lugar kung nasaan ako ngayon. Ayoko siyang madamay sa gulo ko.

"If this is about your father not letting you then I can talk to him and—"

"Hindi, Clark," singit ko. "Hindi ang Dad ko ang problema."

Dahil sa sinabi ko ay tila nagkaroon siya ng realisasyon. Bumaba ang mga kamay niyang kanina nasa mga balikat ko at nag-iba ang emosyon sa mga mata niya. Napatitig siya sa kawalan.

"If not him then..." mahina niyang sambit bago binalik ang mga tingin sakin. "... do you have someone else in your heart?"

Hindi ko alam kung bakit ngunit ang unang pumasok sa utak ko ay si Mr. Hudson. Gusto kong magsalita at sagutin si Clark, tanggihan siya at sabihing nagkakamali siya pero ayaw kumilos ng mga bibig ko. Ayaw na nitong magsinungaling.

"You have someone else."

Sa hindi ko pagsasalita ay nakompirma ni Clark na tama siya. Biglang nawalan ng emosyon ang mga mata niya. Ang dati nitong mga kulay ay tuluyang nawala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now