CHAPTER 5: Punishment

844 49 3
                                    

MILES' POV

Sa muli kong pagdilat sa mga mata ko ay nasa kama na naman ako ng kwarto. Sa pangalawang pagkakataon simula nung dumating ako dito ay muli na naman akong nawalan ng malay. Tiningnan ko ang relos at nakitang umaga na. 

Kaagad kong naalala ang mga nangyari at nilingon ang braso kong may puting bandage na. 

Akala ko ay mamatay na ako kahapon. Konti nalang sana at makakatakas na ako. Ngunit hindi ba nakita ng mga pulis ang ginawang pagbaril sakin? Bakit hindi sila umaksyon? Bakit nandito pa din ako? Dapat dinakip na nila si Mr. Hudson, si Nelson o kung sinuman ang nagpaputok ng baril sakin. Ganito ba ka makapangyarihang tao si Mr. Hudson? Na pati batas kaya niyang balikuin? 

Nagpalabas ako ng buntonghininga. 

Talagang wala na akong takas pa dito. Si Papa nga kaya akong ipahanap, Si Mr. Hudson pa kaya? 

Bawal na ata akong mamuhay ng matiwasay. Siguro nga ay ito na ang magiging kapalaran ko. Tatanggapin ko nalang ba 'to? Wala akong kasiguraduhan sa mga salitang sinabi ni Manang. Na makakawala ako dito balang araw. Ang tanong, aabot ba ako sa araw na 'yon? Hindi ba ako mamamatay? Kakayanin ko ba? 

Bumukas ang pinto at muli na naman akong kinakain ng kaba. Ngunit sa pagkakataong 'to ay hindi ko na 'yon ipinakita pa. Nakita ko si Nelson na may dalang pagkain na para sa akin. 

"Bakit mo ginawa 'yon?" sa unang beses ay hindi ako nautal. Tumibok ang puso ko sa galit. 

Tumingin siya sakin pagkatapos nilapag ang tray ng pagkain sa mesa malapit lang sa kama. "Ang ano?" mas nakadagdag pa sa inis ko ang pagpapatay malisya niya. 

"Ang barilin ako!" hindi ko alam kung saan nanggaling ang malakas kong pagsigaw na 'yon. Bahagyang tumaas ang kilay ni Nelson. "Ganun na ba ka dali sainyong gawin 'yon? Ano bang akala niyo sakin?! Hayop na pwedeng pwede niyong paglaruan at saktan?! Tao din naman ako ah?!" nanginig ang mga labi ko sabay ng pamumuo ng luha ko. "Ano bang naging kasalanan ko?! Naging mabuti naman akong tao! Bakit.." huminga ako. "Bakit ganito ang buhay na ipinaparanas s-sakin.." 

Unti-unti ng humina ang boses ko. Itinakip ko ang dalawang palad sa mukha at umiyak. Si Nelson naman ay nanatiling nakatayo doon at pawang pinapanood lang ako. Tumagal ng ilang mga minuto bago ko siya narinig na magsalita. 

"I wasn't the one who shot you, Miles." sa unang pagkakataon ay narinig kong tinawag niya ako sa pangalan ko. Sinubukan man niyang itago at hindi ipakita, kitang kita ko pa rin ang awa sa mga mata niya para sa akin. Ngunit hindi ko na nabigyan pa ng atensyon 'yon dahil sa idinagdag niya. "Mr. Hudson did.." alam kong hindi dapat ako magulat. "Siya ang bumaril sa'yo." 

Pagka sabi na pagka sabi niya sa mga salitang 'yon ay siya ring pagbukas ng pinto. Mula doon ay pumasok si Mr. Hudson. Binigyan niya ng makahulugang tingin si Nelson at masunurin namang nilisan ng tauhan ang kwarto. 

"I heard you from downstairs." ganun pa din ang boses niya, malamig. "You throwing a tantrum?" 

Tumungo ako at hindi sumagot. Bagaman kinakabahan sa presensya niya ay hindi pa rin nawala ang galit ko. 

Rinig ako mga yapak niyang papalapit sa direksyon ko. Hindi ko maiwasan ang umigting nung maramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa balikat ko. Humaplos ang kamay niya doon hanggang sa parte na may bandage. Bahagya pa akong napangiwi. 

"This is what you get for trying to run away from me." gumapang ang kamay niya papunta sa baba ko. Iginiya niya 'yon patingala papunta sa kaniya. ".. for the second time, Miles." ang daliri niya ay humaplos sa labi ko. 

Tumiim ang bagang ko sa galit. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na ilihis ang ulo mula sa kanya upang maialis ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. Ang kamay niya'y tumigas sa ere. Waring hindi inaasahan ang naging biglaang pagkilos kong 'yon. 

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now