CHAPTER 9: The Deal

338 29 19
                                    

Pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko nung walang pag-alinlangan siyang sumang-ayon. Kinain ako ng kaba at takot. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at parang maiiyak na ako. Biglang nanghina ang mga tuhod ko. Mabuti nalang at maagap na napahawak si Nelson sa bewang ko upang alalayan akong manatiling makatayo.

"Get yourself together," bulong niya sakin.

Nagsimula na ang huling round at mas lalong dumami ang nanonood. Napakatahimik ng buong lugar at tanging ang tunog ng cards at ang malakas na pintig ng puso ko.

Sampung minuto ang lumipas at nagsisimula ng magngitian sa isa't isa ang tatlong kalaban ni
Mr. Hudson habang siya ay nakadugtong ang mga kilay sa mga cards niya. Napapasulyap sakin ang tatlo at tumitindig ang mga balahibo ko sa katawan sa tuwing makikita ko silang nakatingin sakin.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin sa kamay nila pero wala akong magagawa.

Ramdam kong matatalo si Mr. Hudson kaya hinandan ko na ang sarili ko.

Maya-maya pa ay biglang naglapag si Mr. Hudson sa mga cards niya. Wala akong alam sa poker kaya anong ibig sabihin nun. Natalo kaya siya?

"I win,"

Nag-ingay ang mga taong nanonood samin sa gulat. Pati ang tatlong lalakeng kalaban niya ay hindi rin makapaniwala. Ang mga ngiti sa labi nila ay nawala at tumingin sa cards ni Mr. Hudson. Hindi ko man alam ang nangyayari, base sa mga muka nila ay alam kong sa wakas, ay nanalo na rin si Mr. Hudson .

"That can't be," ani Atlas.

"This unbelievable. Am I seeing his cards right?" hindi makapaniwalng sambit nung Chad.

"Imposible," sambit naman nung Jordan.

Sumandal si Mr. Hudson sa upuan niya. "I guess I'll be taking everything," aniya at kumilos sila Nelson upang kunin ang lahat ng briefcase na hawak ng mga kalaban.

May dumating pa na ilan pang mga tauhan niya upang kunin ang iba.

"Like what we have agreed, you'll stay out of Russia and Europe is mine now," ani Mr. Hudson sa mismong mukha ni Atlas.

Ang kaninang nakangisi at mayabang niyang mukha ngayon ay napalitan na ng hindi mailabas na inis.

Tumayo na si Mr. Hudson

"Hudson, wait. Let's go for another round," pigil sakaniya ni Atlas.

"Another round when you have nothing?" tanong ni Mr. Hudson. "You want to bet on your life then?"

Napatigil si Atlas at hindi makapagsalita.

"See? You're a coward," sambit ni Mr. Hudson. "The next time you try to step onto my territory and don't respect my boundaries, you're gonna be walking to hell headless. We clear?"

Hindi sumagot si Atlas ngunit nakita ko ang naging paglunok niya.

Hindi na hinintay pa ni Mr. Hudson ang sagot niya at hinarap ako.

"Let's go,"

Nilagay niya ang kamay sa likod ko at naglakad na kami palabas sa lugar na 'yon. Ang mga tauhan niya ay sumunod na rin dala ang napakaraming itim na briefcase.

Habang naglalakad kami palabas ay sumusulyap samin ang mga tao. Kung kanino ay isang sasakyan lang ang dala ni Mr. Hudson ngayon ay naging lima na.

Pinagbuksan ako ni Nelson ng pinto at pumasok na ako sa kotse. Kalmado at tahimik si Mr. Hudson sa buong biyahe. Habang inaalala ang nangyayari kanina, kahit ilang beses na siyang natalo ay nanatili siyang kalmado na para bang nakaplanado lahat ng 'yon.

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now