CHAPTER 8: Faster

268 27 9
                                    

"Go faster."

Gaya ng inutos ni Mr. Hudson ay binilisan nga ni Nelson ang pagpapatakbo niya at wala sampung minuto ay nakarating na kami sa suite. Sa oras na mabuksan ang pinto ay itinulak ako ni Mr. Hudson sa dining table.

Akala ko'y matatapos na ang ginagawa namin sa kotse ngunit nung pinosisyon niya ang bewang ko sa mesa ay dun ko napagtantong nagsisimula palang siya.

May kung anong epekto kay Mr. Hudson ang sinambit ko kanina. Gusto ko ring murahin ang sarili ko ng ilang beses. Nawala na ng tuluyan ang natitirang ego. Talagang pinapahiya ko na ang sarili ko sakaniya. Saan na napunta ang pride natin, Miles?

Hindi dapat ganito, eh. Dapat manlaban ako. Dapat akong mandiri pero sa halip na itulak siya palayo ay mas lalo ko siyang hinihila palapit sakin. Nagkakaroon na ng epekto sakin si Mr. Hudson at kapag nagpatuloy pa 'to ay hindi ko na talaga alam.

Nanginginig ang katawan ko habang walang tigil ang pag-ulos niya. Sa sobrang lalim niya sa loob ko ay pakiramdam ko umaabot na siya hanggang sa tiyan.

Pinatihaya niya ako sa mesa at hinawakan niya ang magkabilang hita ko saka isinabit sa balikat niya.

Ngayon ko nalamang matayog nga ang dining table niya dahil kahit anong lakas at bilis niya ay hindi ito yumayanig.

"This is the kind of dinner that I want," bulong niya habang may ngisi sa labi.

Isang malakas na pagpasok labas ang ginawa niya na  naging ng malakas ko ring pagsigaw.

Talagang tinotoo ni Mr. Hudson ang sinabi niya sa text kanina. He wanted me for dinner on the top of the dining table.

Nung gabing 'yon ay halos magdamagan kami. Buong gabi namin ginawa 'yon sa ibabaw ng mesa at sa kung ano-anong posisyon na gusto niya. Hindi nakuntento si Mr. Hudson. Napakamarahas niya na para bang gusto niya akong patayin.

Lahat ng 'yon nandahil lang sa dalawang salitang sinambit ko habang nasa sasakyan kami. Hindi man ako sigurado pero parang nagustuhan ni Mr. Hudson 'yon.

Kung alam ko lang na magiging halimaw siya sana ay pinigilan ko nalang talaga ang sarili kong sambitin ang mga salitang 'yon. Mukhang mamamatay yata ako ngayong gabi.

Kinaumagahan ay halos hindi ko maramdaman ang katawan ko.  Nananakit ang bawat parte ko at tumititbok sa sakit. Pakiramdam ko ay para akong binugbog magdamagan.

Hindi ko mapigilang mapangiwi habang sinubukan kong bumangon at sumandal sa headboard. Hinilot ko ang ulo kong tumitibok tibok sa sakit, nagbabaka sakaling mapawi kahit konti ang sakit nun.

Lumingon ako sa paligid at natagpuan kong wala ako sa kwarto ko kung hindi nasa kwarto ni Mr. Hudson. Nilingon ko ang gilid ng kama at saglit na segundo kong hiniling na katabi ko pa rin siya ngunit bakante ito. Nag-iisa ako sa kwarto.

Nagbuntonghininga ako at sumabunot sa sariling buhok. "Ano bang nangyayari sa'yo,  Miles..."

Natigil ang pagkakalunod ko sa isip nung magbukas ang pinto at pumasok si Nelson. May dalang tray ng pagkain.

"Goodmorning," bati niya sakin sabay yuko. Gaya ng lagi niyang suot at nakapang pormal siyang damit. Ang aga aga at nakasuit na siya. "Handa ng agahan niyo."

Kinuha niya ang isang foldable table at pinosisyon sa harap ko. Doon niya nilapag ang dala niyang pagkain. Hindi ko alam kung dahil ba 'to hindi ako nakakain ng hapunan kagabi o masarap lang talagang ang mga pagkain ay kaagad na naglaway ang bibig ko.

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now