CHAPTER 6: Back

991 64 23
                                    

MILES' POV 

Pinayagan nga ako ni Mr. Hudson na pumasok muli sa paaralan. Oo, wala akong kaibigan doon ngunit isang paraan na 'to para kahit papano ay makalabas ako sa building na 'yon. Para naman kahit papaano ay makahinga ako. 

May magbabantay pa rin sakin kaya ayoko ng subukan pang muli na tumakas. Saksi na ako sa maaaring gawin sakin ni Mr. Hudson kapag gagawin ko 'yon ulit kaya mas makakabuting wag ko na subukan ulit. Kahit anong gawin ko alam kong mahahanap at mahahanap niya ako kaya walang saysay pa din ang plano kong pagtakas. 

Hihintayin ko nalang siguro ang sinabu ni Manang na araw kung kailan papakawalan na ako. Alam kong magsasawa din si Mr. Hudson sakin at maghahanap ng bago kaya hanggang sa dumating ang panahon na 'yon ay magtitiis ko. Nakaya kong magtiis sa kamay ni Papa kaya kakayanin ko din kay Mr. Hudson. Sana nga..

Inihatid ako ni Nelson kasama ng dalawa pang tauhan papunta sa paaralan. Nung makarating kami ay nagsalita pa muna siya bago ako pinalabas. "Wag mo susubuking tumakas ulit, Miles. Alam mo na kung anong mangyayari sa iyo."

Tahimik ako at simple lang na tumango. Binuksan ng isang tauhan ang pinto ng kotse tsaka ako lumabas. Nagbow pa ang tauhan sakin bago siya muling pumasok. Umandar ulit ang sasakyan at pinanood ko itong mawala sa daan. Saka ko pa lang napagdesisyonang pumasok. 

Nabigla ako nung makita ang mga tingin na binibigay sakin ng mga schoolmate ko. May kanya kanya silang bulungan at nakikipagchismis sa katabi dahil lang sa nakita nilang magarang sasakyan na naghatid sakin. Nakadagdag din sa intriga ang tauhan ni Mr. Hudson na nagbow sakin. 

Nagbuntonghininga nalang ako at nagpatuloy na sa pagtahak sa daan papunta sa classroom. Nung makarating ay umupo ako sa nakasanayang upuan malapit sa bintana. Nagsitinginan din ang mga kaklase ko sakin.

Pagdating ng propesor ay tinanong ako kung saan ako nanggaling nitong nakaraang linggo at kung bakit hindi ako nagparamdam. Ang naging sagot ko nalang ay nagkasakit at na ospital ako. Hindi ko pwedeng sabihin na hawak ako ng isang mobster at ginagamit. Naintindihan naman nila ako at sinabing humabol nalang daw ako sa mga topic.

Lunch time na at kasalukuyan akong naglalakad na papunta sa garden upang magpahinga. 

"Miles!" Sa daan ko ay may biglang tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko kung saan ito nanggaling at nakita si Clark na tumatakbo na papalapit sa direksyon ko. 

Nung makarating sa mismong harap ko ay naghabol siya ng hininga. Isinandal niya ang palad sa tuhod upang humingin ng suporta mula doon. "Kanina pa kita tinatawag.." hinihingal pa din siya. "Hindi mo ata ako naririnig." sambit niya ng may ngiti. 

Napakamot ako sa ulo. "Pasensya na, Clark. May iniisip lang."  nagpatuloy na ako sa paglalakad. 

"Ano naman iniisip mo?" sinabayan niya naman ako sa paghakbang. "Ako?" tanong niya na ikinatigil ko. Bigla siyang tumawa. "Biro lang, Miles! Masyado kang seryoso." hindi ko magawang makisabay sa tawa niya. "Ano pala nangyari sa'yo? Hindi kita nakita dito nung nakaraang linggo."

Hinanap niya ako?

"Madaming nangyari, Clark." sagot ko naman. "Mahabang storya." yon nalang ang tanging tinugon ko. 

"Mhmm." tumango siya at hindi na nagtanong pa. "May kasama kang maglunch?" 

Umiling ako. "Wala, eh."

"Eh 'di sabay na tayo!" hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pag-akbay. "Wala din akong kasama, eh. Libre ko na." 

At hinatak na niya ako papunta sa canteen. Diretso kami sa pila upang bumili. Nauna sakin si Clark. "Ano gusto mo?"

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now