CHAPTER 7: Dinner

360 34 14
                                    

MILES' POV

Pagkatapos kong makita kung paano binaril at pinatay ni Mr. Hudson ang apat sa mga tauhan niya ay hindi ko na alam kung paano siya haharapin.

Alam kong isa siyang sakim na tao. Walang puso, hindi marunong maawa at tinuturing ang buhay ng iba na parang laruan. Hindi man niya kumpirmahin ay alam kong leader siya ng isang malaking sindikato at ilegal na organisasyon.

Ngunit ang makita mismo ng dalawang mata ko ang kasamaan niya ay hindi ko kinaya. Minsan na rin niya akong binaril. Dapat ay hindi na ako magulat pa sa ginawa niyang pagpaputok sa bungo ng mga tauhan niya.

Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang manginig. Buhay ng hindi lang isa kundi apat na tao ang kinitil niya ng ganun ganun nalang.

Natatakot ako sa isiping, kung kaya niyang patayin ang mga tauhang ilang taon na nagsilbi sakaniya, paano pa kaya ako?

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at naging triple ang pagtibok ng puso ko. Nakaupo ako sa kama at nanatiling nakayuko habang pinapakinggan ang mabagal niyang mga yabag papunta sa harapan ko. Ang pawisan kong mga palad ay nakayukom at nanginginig hanggang sa tuluyan na nga siyang nakarating sa tapat ko.

"Who the hell told you to come to my office unannounced?" gaya ng lagi ay napakalamig ng boses niya ngunit sa pagkakataong 'to ay tila sing lamig ito ng yelo sa Antarctica. Triple na ang nararamdaman kong takot. "Have you become mute, Miles?"

Nilunok ko ang takot at nag-ipon ng lakas ng loob upang sumagot. "W-Wala ho.. kusa akong pumunta sa opisina niyo.."

"I don't like it when you talk to me while looking away." napakababa ng boses niya. Mahina ngunit nakakangatog ng tuhod. "Look at me and speak."

Takot na maubos ang pasensiya niya ay tiningala ko siya. Tuluyang nagkasalubong ang mga mata namin. Ang kulay abo niyang mga mata ay nakatitig pabalik sakin. Tila hinihigop nito ang buong kaluluwa ko.

"Now answer me, pet. Why did you come to my office?"

Gusto ko ring tanungin ang sarili ko kung bakit ko siya pinuntahan. Ano bang nakain ko at sa lahat ng pwedeng gawin ay talagang tumakas ako sa suite para puntahan siya sa opisina. Baka kuryos lang ako kung anong ginagawa niya sa mga oras na 'yon? Ewan, Miles.

"Did you want to see me?" tanong niya sabay abot sa mukha ko. Nung naramdaman ng pisngi ko ang kamay niya ay bahagya akong nanginig na sinundan ng isang paglunok.

Gumapang ang kamay niya papunta sa baba ko saka 'yon itiningala pa. Dahan-dahang lumapit ang mukha niya papunta sa'kin ngunit bago pa man magdugtong ang mga labi namin ay bahagya kong inatras ang mukha nung makita ko ang talsik ng dugo sa puti niyang long sleeves.

Napasinghal siya ng ngisi sa naging pagkilos ko saka muling tumayo ng maayos.

"Alam mo ba kung bakit ko sila pinatay?" Tila nabasa niya ang laman ng utak ko ay binuksan ang paksa tungkol sa nangyari kanina. "They sold your information to my enemies." Bahagya kong ikinagulat ang inanunsyo niya. "Kung hindi ko nalaman ang tungkol dun ay malamang nagkapira-piraso na ang katawan mo ngayon habang pinagpipiyestahan ng mga kalaban. I can't let them do that, can I?"

Napalunok ako. May parte sa puso ko na tila hinaplos dahil sa katotohanang handang pumatay ng tao si Mr. Hudson para sa'kin ngunit ang dinagdag niyang mga salita ay muling nagpasikip sa dibdib ko.

"No one can kill you but me." Muli siyang lumapit sakin at humaplos sa buhok ko. "Now, where's my kiss?"

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko ngunit kusa ko ng hinila ang suot niyang tie saka ako na mismo ang nagdugtong sa mga labi naming dalawa. Simpleng pagdidikit lang ng mga labi 'yon nung una ngunit nagsimulang gumalaw ang mga labi niya na sinabayan ko naman.

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now