CHAPTER 4: Shoot

727 51 4
                                    

MILES' POV

Ang sinag na galing sa araw ang siyang nagpagising sakin sa sumunod na umaga. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar kung nasaan ako at napagtantong nasa kwarto ako. Sa sarili kong kwarto. 

Nung sinubukan kong bumangon ay napadaing ako kasabay ng pagngiwi. Ang kakaibang sakit na nagmula sa pang ibaba kong bahagi ang siyang humila sakin upang hindi tuluyang makabangon. Nanalaytay ang hapdi sa loob at nakakapanghina. 

Sa segundong 'yon, ako'y napasapo nalang sa mukha. Muli kong naalala ang mga ginawa namin ni Mr. Hudson kagabi na siyang naging dahilan ng kasalukuyan kong estado. Hindi 'yon ang unang beses ko ngunit grabe ang  ang epekto at panghahapdi na dala nito katawan ko. 

"Miles, gising ka na pala." mula sa pinto ay dali daling lumapit sakin si Manang. "Kamusta ang pakiramdam mo?" nag-aalala niyang ani saka sinapo ang noo ko. 

Alam kaya niya ang nangyari kagabi? 

"Mabuti at bumaba na ng konti ang lagnat mo." biglang dagdag niya saka inayos ang buhok ko. Ibig sabihin kanina pa niya alam na may dinadamdam ako. 

Napagdesisyonan ko nalang na sabihin sakaniya kahit mahirap at kahit hindi ko alam kung paano ko ipaparating,  "M-Manang.. uhm.. kagabi p-po kasi-"" 

"Shh." bigla niyang pagsingit sa pangungusap ko. Isang nakakaintinding ngiti ang ipinakita niya sakin. Na hindi ko na kailangan pang sabihin dahil alam na niya. "Ayos ka lang ba, Miles? Ayoko sanang tanungin ngunit kamusta 'yong sa baba? Masakit pa rin ba?" 

Sa tanong niyang 'yon ay hindi ko maiwasang mahiya. Kahit mas matanda siya at parang nanay na rin ay hindi ko pa rin maiwasang bahagyang kabahan kapag pribadong parte na ang pinag-uusapan. Tumango ako ng hindi tumitingin sa kanya. 

"Sinubukan mong tumakas kahapon?" hindi na ako nagulat sa itinanong niya. Tumango nalang ulit ako bilang sagot.  "Diyos kong bata ka wag mo ng gagawin ulit 'yon." himig ko ang pag-aalala niya. "Mabuti nga at walang nangyaring masama sa'yo." 

"Manang.." hindi ko maiwasang maluha. "Sabi ni Mr. Hudson, ibebenta niya ho ako.." nanlaki ang mga mata ng matanda sa sinambit ko. "Natatakot ho ako, Manang.. hindi ko alam kung.. kung anong mangyayari sakin."

"Sinabi niya 'yon sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong niya. Marahas akong nagpunas ng luha. "Wag kang mag-alala, Miles. Kakausapin ko si Mr. Hudson. Susubukan ko kung anong magagawa ko." paniniguro niya sakin at kahit papano'y nabawasan ng konti ang kaba at takot na nararamdaman ko. 

"Salamat ho." sinsero kong sambit. 

"Maghahanda muna ako ng pagkain mo ha? Dito ka lang muna. Babalik ako." bilin ng matanda saka na pumanhik papunta sa pinto. Pinanood ko siya hanggang sa tuluyan siyang makalabas. 

Sa pag-iisa ko'y hindi ko maiwasang isipin ang ginawa ko kagabi.

Paano ko siya haharapin ngayon? Nakakahiya ang ginawa ko. Hindi ko naman makakaila na nagustuhan 'yon ng katawan ko ngunit kasabay din nun ay ang pandidiri ko sa sarili. Hindi na siguro maiaalis pa ang pakiramdam na 'yon sa sistema ko. 

Ilang minuto ang lumipas, walang katok katok ay pumasok ang isang bulto. Sa pag-aakalang si Manang ay mabilis akong napalingon sa direksyong 'yon ngunit imbes na ang matanda, ang isang tauhan na tinatawag nilang Nelson ang siyang nakita ko. Hawak niya sa isang kamay ang tray ng pagkain. 

Walang kaingay ingay niyang kinuha ang isang maliit na table sa gilid ng closet. Pinwesto niya 'yon sa mismong harap ko bago nilapag ang tray. Sa naging pagkilos niya para siyang naging robot sa paningin ko. Wala din man lang ka emosyon emosyon. 

"Salamat." mahina kong ani. 

Umayos siya ng tayo sa harap ko ng hindi pa rin nakikipagsalubong ng mata sakin. "Magpahinga ka." dun lang siya nagsalita. "Mamayang hapon pagbalik ni Mr. Hudson ay gusto ka niyang makasalo sa hapunan. May importante daw kayong pag-uusapan." 

Peace In Your ViolenceWhere stories live. Discover now