WSE-Kabanata 3

139 16 52
                                    

Kabanata 3

Run away



"Saan ka galing?" Pambungad ni Damian sa akin pagkalapit ko sa waiting shed. One pm. ang call time namin pero heto ako at nalate dahil nananghalian pa kami ni Zachary.

"Kanina pa ba kayo naghihintay? Sorry! Traffic kasi. May dinaanan din kami saglit. Aalis na ba tayo?" Paghingi ko ng paumanhin kaagad.

"Tagal mo, madam. Wala na yung poging driver natin. Kainis ka!" Nanghihinayang na saad ni Damian sabay kurot sa braso ko. Tinampal ko ang braso niya at lumayo agad.

"Huh? Sino?" tanong ko.

"Si Eng-"

Di natuloy ang sasabihin niya dahil sumabat si Keshia at tumayo sa pagitan namin. Kinawit niya ang braso sa braso ko at nanlilisik ang matang nakatingin kay baklita na arteng pumapaypay sa harap namin. May mapaglarong ngisi pa sa labi.

"Wala! Hwag mo iyang pansinin. May nainteresan na naman na basketball player at nagrequest na ihatid tayo. Kapal talaga mukha ng baklang iyan. Masyadong FC."

Pabirong hinampas ni Damian ang pamaypay nito kay Keshia. "Hoy! Um-OO siya. Ikaw kasi ang pabebe mo. Pa- no thanks no thanks ka pa. Ang mga ganoong oportunidad, sinusunggaban hindi tinatanggihan."

Umungot naman ang isa. "OO, dahil gwapo! Kung hindi naman gwapo ang nagyaya, straight out declined ka. Bakla ka! Hwag mo akong inaano dyan."

"Tang ina! Late na tayo, mga letse kayo! Ano? Aalis pa ba tayo o magsumbatan na lang tayo dito? Okay lang din sa akin." Sumigaw si Milaine na kanina ay busy'ng nagtetelebabad at dali-daling pumagitna sa amin upang makisali.

Binatukan ko siya agad nang may mga elementary student ang nadistorbo sa paglalaro dahil sa sigaw niya at nakisosyo sa kaganapan. Binalik ko ang tingin sa dalawa na ngayon ay parehong nagngingisian na at makahulugang nagtititigan sa isa't isa. Kumunot ang noo ko sa mga weirdong ekspresyon nila pero hinayaan ko na lang.

"Aalis na tayo. Nandun sa labas si Zach, naghihintay sa atin. Ihahatid daw niya tayo sa Pamu." Sabay-sabay silang tiningnan ako at tinitigan na parang may bomba akong pinasabog. "Ano!? Bakit kayo makatingin ng ganyan? Alis na tayo," sabi ko at nagsimula ng maglakad.

Kinawit ulit ni Keshia ang braso sa akin at ganun din si Damian sa isa. Si Milaine na tumakbo sa unahan namin at paatras na naglalakad, nakaharap sa amin.

"Any update?" Usisa ni Keshia.

"Kayo na?" Si Milaine.

"Masarap?" Kakaibang tanong ni Damian kaya siya ang sinagot ko ng tanong din.

"Anong masarap?"

Imbes na sagutin ako ay ngumuso siya sa baba na hindi ko maintindihan.

"Sabihin mo kasi. Pahirapan mo pa akong manghula."

"Yung ano. Yung... alam mo na yun," nangingiti niya akong niyugyog, kinikilig sa di malamang dahilan.

"Yung milky donuts na binigay mo? Masarap naman."

"Boba! Hina mo talaga sa non-verbal communication. Iba tinutukoy ko! Yung ano niya. Yung..." Nginuso niya yung gitna niya kaya binaba ko ang ulo at tiningnan ang pantalon niya. Tinitigan ko iyon ng matagal kaya nang marealize kong...

"Hwag mong titigan, di yan sasaludo sa iyo!"

Nagulat ako nang hinampas niya ang pamaypay sa bumbunan ko kaya inagaw ko ang pamaypay niya at inihampas din sa kanya.

"Kahit kailan talaga kamanyakan ang nasa utak mo. Berde na ba utak mo, huh?"

"Sadyang mahina ka lang pumick up. So, ano na? Masarap bang magrocking the boat?" Pangisi-ngisi niyang saad at nangingisay sa kilig.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon