WSE-Kabanata 20

137 15 75
                                    

Kabanata 20

Doomed



"Leighrah, hija!"

Nagagalak na salubong sa'kin ni Lola Carlina pagkababa ko sa sasakyan.

Nagmano ako sa kanya pagkalapit ko at mahigpit naman niya akong niyakap.

"Magandang gabi po, La. Namiss ko po kayo. Kamusta na po?"

"Mabuti naman hija, nagpapagaling pa rin." Aniya sa hyper na tono. "Hay! Buti ka pa, hija at namiss mo ako samantalang ang apo ko dyan di man lang nagagalak na makita ako."

She scoffed when she looked at Zachary who's grinning now, approaching us.

"Dinramahan na naman ako ng bumabata kong lola," ngisi ni Zach. Nagmano siya at hinalikan ang pisngi ng kanyang lola. "Di ka pa sawa sa gwapo mong apo, La at ako ang palagi mong hinahanap?"

Pabirong sinuntok ni lola ang tyan nito.

"Dahil ikaw lang ang apo ko na wala dito kaya syempre mamimiss kita. At ikaw ang pinakapaborito ko," bulong nito at pinisil ang pisngi ni Zach.

Parang nangingisay naman sa kilig si Zach sa narinig. "Wow! I'm flattered."

"Pumasok na nga tayo. Halika na, hija." Anyaya ni Lola Carlina at hinawakan ang likod ko para igiya.

Siya ang umalalay sa'kin umakyat sa hagdan imbes na siya ang alalayan ko. Kaya sinuportahan ni Zach ang likod nito at siya ang umalalay kay Lola.

"Saan si lolo?"

"Daisy, pakitawag si Alfredo sa opisina niya. Sabihin mo dumating na ang apo niya."

"Sige po, madam." Yumuko ito bago umalis sa harapan namin.

My eyes roamed around the inside of the mansion. The facade was like the ones I can only be seen in a movie. It was an art nouveau style mansion and the feels was like I'm living in early 90's because of the intricate and grandeur design of the entirety of the mansion.

Staying in a mansion was a momentary dream come true. And how I wish to live here forever.

"Ilagay ko lang gamit namin sa kwarto, La." Habilin ni Zach atsaka lumapit sa'kin. "We'll stay in one room."

Nagkibit balikat ako. Parang bago naman sa'kin yun, eh ilang beses na kaming natulog sa isang kwarto. Kulang pa nga ang bilang ng daliri ko sa kamay at paa ang bilang ng ilang beses.

"Come on, hija. Sa hapag na natin sila hintayin," giniya niya ulit ako sa mahabang lamesa na puno ng pagkain.

Ang partition lamang ang nagkokonekta sa living area at dining area kaya halata ang maayos, malinis at malawak na kabuuan nito.

"Bakit ang daming pagkain wala namang selebrasyon? Ikaw talaga, La." Pagtataka ni Zach pagkabalik niya.

"Because I want to arrange a simple welcome party for Leighrah! It's her first time here at gusto kong paghandaan iyon."

Bumilog ang mga mata kong tiningnan si Lola Carlina. Simple ba 'to!? Eh, kung sa amin ito handaan pangkasal na.

"S-salamat po. Nag-abala pa po kayo, Lola."

"It's all right, hija. This is my way of treating a special guest in our humble abode."

Ngumiti ako at nagpasalamat muli.

Nang dumating na ang Senior sa hapag ay binati ko siya at nagmano at sabay-sabay na naghapunan.

My first night in the mansion was peaceful and my first day vacation in Baguio was all-out fun kahit kaming dalawa lang ni Zach ang namamasyal.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon