WSE-Kabanata 7

140 15 60
                                    

Kabanata 7

Win


"Hindi na ata ako makakauwi ngayon. Pwede bang dito na lang ako matulog?" Pagbring up niyang muli.

"P-pwede." Pagsang-ayon ko kahit di pwede.

Saan ba nanggaling yung pwede? Grabe ang landi ko na rin. So bless me, God.

He chuckled and kissed my hair. "Just kidding."

"Mag-renta ka na kasi. Basta sa ibang dormitory ka rerenta."

"May space pa daw dito sabi nung may-ari."

Anong meron? Eh, may dumating nga kahapon, nag-inquire at sabi wala na daw space. Tapos ngayon mayroon na?

"Wala na. Narinig ko sabi niya kahapon sa mga nag-inquire."

"Meron. Sa bahay daw niya," at humagalpak siya. Hinawakan ang tyan sa kakatawa. Ako naman ay napasimangot at masungit siyang tinitigan.

"Tumigil ka dyan kung hindi sasapakin kita." Pag-maldita ko.

"Joke lang pero mayroon talaga nakapa-reserve na ako kahapon pa. Nag-advance payment na rin."

"Kailan?"

"Kahapon. Nandyan na rin mga damit ko." Relax niyang saad.

Gulat na gulat akong bumaling sa kanya. "Seryoso ka?"

"Oo. seryoso ako... sa'yo." Pero nakangisi siya. Kinindatan niya ako kaya sinapak ko na.

Totoo talaga ang sinabi niya na may gamit na siya dito at nasa kabilang kwarto lang siya katabi ng kwarto namin pero ibang pasukan. Sa kabila ang hagdan nila malapit sa bahay ng may-ari.

The scene in the gymnasium never leave in my mind, wanting to reside forever. Hanggang ngayon sa pagtulog inuulit ko iyon sa aking isipan at nangingisay sa kilig.

May boyfriend na ako! Shems lang. Di mawala-wala ang ligaya sa puso at mukha ko sa tuwing binabalik-balikan ko ang pangyayari sa aking isipan.

Kung mapuyat ako ngayong gabi, sasapakin ko si Zachary bukas.

At napuyat nga ako. I slept around three and woke up at six in the morning the next day. Puyat na puyat ako and my eyebags are the living proof.

Humikab ako at papikit pikit ang mga mata habang pababa sa hagdan. Muntik na akong madulas nang may naaninag na anyo ng lalaking nakatalikod sa labas ng kusina.

"Shet! Totoo ba 'to?" Tumindig ang balahibo ko.

Dahan dahan akong bumaba at sumilip sa bintana. Sakto namang papasok ang lalaki sa kusina at biglang binuksan ang ilaw kaya nasilaw ako.

"Anong ginagawa mo dyan?"

Nakapikit pa ako at nag-aadjust sa nakakasilaw na ilaw. Naramdaman ko ang paglapit niya kaya sinilip ko siya. Napabuntong hininga ako ng makita si Zach na naka-muscle shirt at apron.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko pabalik.

Imbes na sumagot, humalik siya sa pisngi ko at yumakap saglit. Ang lamig ng katawan niya pero ang hot niya tingnan.

"Morning, love. Finally, our first day as official couple. Ganda namang bungad ng umaga ko. Ikaw pa ang una kong nasilayan."

"Ako rin. Morning, love," Niyakap ko siya pabalik. Kahit pinuyat mo ako dagdag ko sana pero hwag na. Yakap lang niya sapat na, natanggal na ang antok ko.

"May CCTV ba dito?"

"Uhmm meron, bakit?"

"Sayang!" Dismayado niyang bulalas at kumalas na sa yakap.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon