WSE-Kabanata 19

136 14 81
                                    

Kabanata 19

Necklace



The next day, I messaged Raizen to apologize for what happened last night. Muntik pa naming pinag-awayan ni Zach ang tungkol sa paghingi ng paumanhin sa gabing iyon, dahil bakit daw ako hihingi ng paumanhin kung wala naman akong kasalanan. Dapat daw si Ilonggo ang humingi ng tawad dahil papapel daw.

Kita niyo ugali nung lalaking 'yun? Ubod ng sama! Kaya ubod din ng sama nang loob ko sa kanya.

Tinago pa niya ang cellphone ko para di ko mareplyan si Raizen kaya pagdating ng kinabukasan lang ako nakapagpadala ng mensahe.

mendezleighrah Raizen ako na humihingi ng paumanhin sa sinabi ng boyfriend ko, ha. Sorry!!

raizenhunter I should be the one asking an apology, Dawn. Pasensya ka na. Galit na galit boyfriend mo kagabi dahil naistorbo ko kayo. Nag-away ba kayo?

mendezleighrah Hwag mo na alalahanin yun, okay naman kami. It was nice meeting you, Raizen. Ingat.

raizenhunter me too. thanks, leighrah dawn. see u when i see u again

Iyon na ang huling mensahe ni Raizen sa'kin. Dinelete ko agad dahil baka usisain na naman ako ni Captain. Yari na naman ako. Hirap pa naman yun kausap kapag sinumpong ng topak niya.

Pagpasok ko sa unang klase ng Monday ay tumabi agad sa akin si Keshia at inusisa.

"Girl, hiningi ni Raizen yung account mo sa'kin. Nag-message ba sayo?"

"Oo... pero teka! Pa'no mo yun nakilala?"

"Nung nag-nightclub kami, nagkita kami dun sa isang club. Ayun nakipag-fc ako."

Binatukan ko siya ng pagkalakas lakas kaya muntikan na siyang sumubsob sa sahig. Buti na lang napigilan ko siya.

Kaya naman pala! Ang magaling kong kaibigan ang suspect.

"Bakit!?"

"Ba't mo binigay? Inaway siya ni Zach, nakita niyang tumatawag si Raizen. Muntik pa kaming mag-away."

Ngumiwi siya sa sinabi ko.

"Anong sinabi?"

I, on the other hand, grimaced when I remembered the shameful words Zach said to Raizen that night.

"Hwag mo nang tanungin. Alam mo naman ga'no katalim dila ng pinsan mo. Hasang-hasa."

"Napaka talaga ni Marco-"

"Pareho lang kayo. Duh!" I rolled my eyes at her.

Bumalik na siya sa kanyang upuan nang pumasok ang prof namin. Hindi na nang-meet ang ibang prof namin dahil may ibinigay naman silang major projects na gagawin namin.

I was walking out of the restroom after I changed my clothes when my eyes caught Zach and Bethany talking seriously in the terminal. I shrugged and went straight out of the school to go to work.

"Leigh, hayaan mo nang si Brenda ang maghugas dyan. Tulongan mo si Arvin dito maraming customers na dumating," tawag ni Ms. Serra sa'kin.

"Sige po, miss."

Inalis ko ang apron sa katawan at nagpunas bago lumabas sa kitchen.

"Ikaw na kumuha ng order dun sa taas, doon ka na lang ako dito," sabi ni Arvin.

Umalis ako sa counter at naglakad paakyat sa hagdan. Nasa hagdan pa lang ako ay rinig ko na ang ingay sa taas. Mukhang nagkakasiyahan sila.

Pagkarating sa 2nd floor ay bumungad sa akin ang higit sa sampung Tourism students na nagtatawanan. I glanced at Zach in the far seat next to Bethany and Paul. I sneezed loudly so I got their attention. I averted my eyes as Zach turned to look at me.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon