WSE-Kabanata 14

125 15 39
                                    

Kabanata 14

Time



Hindi na kami nagsayang ng oras at agad pina-hospital si Mama para ma-monitor siya hanggang sa araw ng operasyon niya.

Limang araw. Limang araw na hindi ako pumasok sa skwela kahit final week na namin. Mas inuna ko ang kapakanan ni Mama kaysa ang sarili ko dahil iyon ang alam kong mas tamang desisyon para sa akin.

Naghihintay kami ng mahigit dalawang oras sa labas ng Operating room nang bumukas ang pinto at lumabas ang doctor.

"Kumusta po ang asawa ko, doc?" Agarang tanong ni Papa.

Nginitian siya ng doctor at tinapik sa balikat, "She'll be fine. We thrived to removed the lump and we'll hand it over if you want to see it. She'll be transferred to ward in a minute now. If you'll excuse me..." kinamayan ni papa ang doctor at nagpasalamat bago ito umalis.

It was... successful! Tagumpay ang operasyon ni mama!

Nangilid ang luha ko sa magandang balitang iyon. Napaiyak ako habang tahimik na nagdarasal, nagpapasalamat sa napakagandang balita sa bagong araw na ito.

Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin si Papa na umiiyak sa galak at biglang lumuhod sa harap ng Operating room, hinalik-hinalikan ang sahig. Nagulat ako sa ginawa niya, nilapitan siya agad ni Cleo at pinatigil sa ginagawa.

Naramdaman kong may yumakap sa balikat ko at bumulong. "Felicitations to your bravery, love. You really did great. I am so proud of you."

Humarap ako kay Zachary at niyakap pabalik. "Salamat, Zach at di mo ako iniwan. Salamat sa palaging pag-intindi at pagtulong sa'kin... sa pamilya ko. Maraming maraming salamat."

"All for you, Leigh." he muttered sweetly and kissed my forehead.

He was there. Kahit hindi ko hiningi ang pagpunta niya dito para suportahan ako, bagkus ay boluntaryo siyang nagbantay at nanatili sa hospital kasama ko.

Lumapit rin si Keshia sa akin at niyakap. "You're such a strong woman, beasty and a very responsible daughter. Hanga ako sa'yo." Masaya niyang sambit.

Nasilip ko sa likod ni Keshia si Damian at Milaine na nagmamadaling lumapit. Sumilay ang ngiti sa labi ko. Agad nila akong niyakap na dalawa pagkalapit nila.

Heto ang mga kaibigan ko. Ang mga kaibigan ko na walang sawang aliwin ako para man lang mabawasan ang bigat na nasa kalooban ko, ang nararamdaman ko. They stay beside me upto now. Kahit sa gabi, nandito sila sa hospital sinasamaan ako para magbantay at minsan ay dito na rin sila natutulog.

I was more grateful to God for He never forsaken us and gave us people who'll be there for us... to support us willingly.

Even after the operation, we still need to monitor my mother's condition and have her check-up every after three months.

It's hard. Our family has been through a lot, but the lightness of feeling that we have gone through that together and whole, napakagaan sa kalooban. At kahit papaano ay nakapasa rin ako sa final exam at nakapagtapos ng 1st year.

I mostly spent my summer break at home, taking care of my mother. My idea with Zachary of going to Baguio on summer break didn't go through. However, I had met his parents twice that summer and it was a pleasant meeting.

"Nice to finally meet you, hija," nakangiting bati ni Mrs. Marco sa akin at bumeso. "You're more beautiful than I could've ever imagine. Paano ka nabihag ng anak ko?"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at nahihiyang ngumiti. "Kinagagalak ko rin pong makilala kayo, Tita," and bend down to give admiration.

"Why naman tita? You can call me mama if you want," magiliw niyang saad at kumindat.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon