Chapter 3

509 14 4
                                    

Maaga akong nagising para makapag luto ng kakainin namin ni mama sa pang umagahan. Ngayon bibisita si tito kasama ang anak nito.

Makalipas ang kalahating oras sa pagluluto ay nagising na si mama.

"oh, anak ang aga mo naman?".

"gusto ko kasi kayong lutuan MA, I miss you mama", sabay yakap ko sa kanya, niyakap niya naman ako.

"mama, nakita nyo na ba 'Yong anak ni tito??.

" Hindi pa anak, pero Sabi naman ng tito mo makakapunta siya ngayon. So, mamaya makikita ko narin siya". Ngumiti naman ako sa mama ko.

Alam ko na may kaba din siya pag dating sa anak ni tito, kasi diba nga magiging Stepson niya soon.

"Mama, don't worry, magugustuhan ka niya." napangiti naman si mama sa sinabi ko.

Pag katapos naming kumain, si mama ang nag linis sa taas at ako naman dito sa Sala. Maya-maya lang ay mag luluto kami parehas.

Aaminin ko, na ne-nerbiyos din ako Kung ano ang magiging reaction ng anak ni tito.sa akin naman, walang problema Kung mag kakaroon ako ng step brother.

Masaya nga 'yon eh, kasi simula Bata ako wala man lang akong masyadong nakakasalamuha.

Pag matanda kasi ang mag aalaga sayo, graveh ka strikto. Madalang lang ako palabasin ni Lola noon, gusto niya akong turuan ng mga bagay-bagay na makakabuti sa akin in the future. At totoo nga naman iyon, natoto akong mag luto at mag linis dahil sa kanya.

Natapos na kaming mag luto at mag linis ni mama,maliligo muna ako.

Pagkababa ko napasilip ako sa may orasan at 7:30 na Pala, Sabi kasi ni mama 8 to 8:30 ang pagdating ng mag ama.

Nag aayos ako sa lamesa nang bumaba si mama.

"anak, malapit na raw sila, ako na ang mag prepare sa pagkain. Pumunta ka na muna sa sala Para pag buksan sila".

"sige MA," at agad naman akong pumaroon sa Sala.

Naka upo ako sa may sala nang makarinig ako ng doorbell,agad ko namang binuksan ito.

"hello hija, asan ang mama mo?," bakit mag Isa lang siya?.

"nasa kusina ho, pasok po muna kayo tito".ngumiti naman ito saka pumasok.

Nagtataka ako dahil wala namang kasama si tito, baka hindi na siguro darating ang anak niya.

Bayaan ko na nga lang, baka ayaw niyang pumunta".

Bumalik ako sa kusina Para tulungan si mama sa paglagay ng mga pag kain sa lamesa, si tito naman ay naghihintay sa may lamesa kasi Kakain na kasi kami.

"anak ma upo kana, kakain na tayo".

"Hon, ba't mag Isa ka lang?," rinig Kong Sabi ni mama Kay tito.

"On the way na daw si Josh, kumain na tayo maya-maya lang ay darating na siya.",nag OK lang si mama Kay tito.

Isusubo ko na sana ang kutsara ng may marinig kaming doorbell. "

" ako na ho MA, diyan nalang ho kayo."

Malapit na ako sa may pintuan, nanginginig Kong binuksan ito.hindi ko pinahalata ang pag ka gulat ko,ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay sobrang gwapo,bumagay sa kanya ang mga makakapal na kilay niya.

Napabalik ako sa katotohanan nang magsalita siya.

" titigan mo nalang ba ako,"Sabi niyang nakangisi.

" Ay,oo nga Pala, pasok kana nasa hapag kainan na sila mama". Nauutal Kong Sabi.

"OK, by the way, nice dress".pagkasabi niya no'n, pumasok na siya.

No way, bakit gano'n siya makatitig sa akin. Feeling ko tuloy ang pula-pula ko na ngayon.

My Stepbrother is a jerk. जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें