Chapter 39

375 16 5
                                    

Josh,

Siguro habang binabasa mo ito ay galit kana naman sa akin, we both need a space. Palagi nalang kasi 'pag magkasama tayo ay nagkakasakitan tayo. Hindi man sa pisikalan pero in emotional way.

Lumayo ako sa iyo for the 2nd time around, Para hanapin ang aking sarili. Sana ikaw din ay gawin ito.

' Wag Kang mag alala babalik din kami ng anak mo, at maaasahan mong hindi ko na siya ilalayo sa time na iyon. TAKE CARE ALWAYS AND DON'T STRESS YOURSELF, SANA PAGBALIK NAMIN AY OK NA ANG LAHAT.

                                             

                                                     RAIJA

May luhang pumapatak sa mata ko habang binabasa ang sulat ni Raija,base sa inukol nito ay babalikan naman daw nila ako. So, I need to do my part as a father to my son and hopefully, a husband to Raija.

AFTER 2 YEARS

Summer na naman kaya mainit ang Simo'y ng hangin dito sa Pilipinas. Yes, I'm back and this time hindi ko na papakawalan si Josh.

Tiniis ko ang dalawang taon na pangungulila sa kanya. Ang anak ko ang kasama Kong bumalik, Si adnerr naman ay medyo busy sa month na ito, Kaya baka next month daw ito susunod dito sa Pilipinas.

Pagkalabas  ko ng airport ay may nakaabang na nasasakyan Para salubungin kami. I really miss philippines, sa Italy naman kasi puro pasosyalan ang mga Tao doon. At dahil kami nalang ni adnerr sa Mala palasyo nitong bahay ay naboboring ako. 'pag sinisipag ako ay sa bukod Kong  bahay ako nagsasayang ng oras. Minsan hindi na ako talaga nag hi-hire ng cleaners dahil Kaya ko naman. Si adnerr lang naman ang epal, gusto niya may palaging binabayaran, samantalang Kaya ko naman.

Ayaw Kong ibenta ang bahay ko doon dahil gusto ko pag nagkatuluyan kami ni Josh ay doon kami mag stay pag mag bakasyon kami doon.

Nakakalula kasi sa bahay ni bakla na palasyo, puro mga kasambahay at drivers lang ang Nakakasama namin.

At dahil summer ngayon dito  sa Pinas, sa susunod na pasukan ay dito na mag aaral si Joshua.

Kung papalarin ako Kay Josh ay gusto ko agad mag bakasyon din, hindi ko alam ang madadatnan Kong Josh dito so ayaw ko pang mag assume. Baka kasi hindi na ito nakapag hintay pa at meron na itong asawa. Since umuwi kami ng Italy ay sinadya ko talagang hindi siya kontakin o magkaroon man lang ng koneksyon sa kanya.

Nakayanan ko naman for 2 years Kaya lang maraming Gabi akong umiiyak. Ginugol ko ang oras ko dati sa trabaho bilang secretary ni bakla. Malaking halaga kasi ang sinasahod ko sa kanya, Kaya medyo nakapag ipon ako ng magiging puunan ko dito sa Pilipinas.

Gusto Kong magpatayo ng bakery and a coffee shop.Bata palang ako noon ay ito na ang gusto Kong ma-i-provide Kay mama noon na negosyo nito. Hindi nga lang nahintay ni mama ang mga ito.

Maliit lang naman ang bag naming mag Ina Kaya sa dati naming bahay nila Josh ako de-deretso.

Hindi alam ni Josh ang aming pag babalik Kaya Isu-surprise ko siya. Nakontak ko na ang tagalinis sa bahay  at every week end lang daw umuwi si Josh doon. So, I have 3 days to prepare for my surprise.

"Mama, when can I meet daddy?" tanong ng anak ko sa akin, napangiti naman akong napabaling sa aking tabi.

"By this week anak. so, don't be stubborn OK." tumango naman ito sa akin saka pinagpatuloy ang ginagawa nito sa cp niya.

Joshua is 7 years old now, sinabi ko sa kanya na si Josh ang papa nito at may dapat lang kaming gawin sa Italy noon Para sa future. At simula nung maikwento ko sa kanya ang papa niya, ay palagi na niyang kinakausap ang picture ni Josh noong kami pa.

Pagdating namin sa bahay ay agad naman kaming sinalubong ni manang Cecilia. Siya ang tinutukoy Kong tagal inis dito sa bahay.

Pagpasok namin ay Malinis na Sala ang bumungad sa amin, hindi parin talaga ito nagbabago sa kalinisan.

Dahil sa pag re-reminisce ko sa nakaraan habang tinitignan ang masasaya naming litrato nila mama, tito at Josh ay Naalala ko ang nasabi noon ni josh na sulat ni mama Para sa akin sa kwarto nila.

"Manang, bukas ho ba ang dating kwarto nila mama", Tanong ko Kay manang pero hindi daw ito nakabukas. Si Josh lang daw ang nakakabukas no'n.

So, saka ko  palang mababasa iyon 'pag andito na si Josh.

"Mama, I want to sleep." agad kaming pumanhik ng anak ko sa  dating kwarto ko noon at saka pinatulog ang anak ko.

"Manang, sure ka ba na hindi uuwi si Josh ngayon. Gusto ko kasing decorasyonan ang kwarto nito."

"Oo neng, sigurado ako. Minsan nga hindi pa siya umuuwi dito ng dalawang linggo." napangiti naman ako Kay manang. Sisimulan ko ngayon ang plano Kong gawin sa kwarto nito.

Alam ko doon ito agad pupunta kapag umuwi dito.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay may mga litrato akong nakasabit sa dingding nito.

Parang ito iyong mga isinabit niya rin dati sa kwarto ko, inilipat niya lang ang mga ito.

Siguro bago ito matutulog ay sa mga litrato Kong mga ito siya nakatingin, Kinikilig naman ako sa naisip ko.At dahil tulog ang anak ko ay free akong isagawa ang gusto Kong mangyari.

Malinis naman na dito Kaya ikakabit ko nalang itong pinagawa kong tarpaulin na may litrato kaming tatlo. Edited nga lang iyong Kay Josh,pero OK lang gwapo naman siya dito sa picture niyang ito.

Hirap na Hirap ako sa ginagawa ko,hindi pa man ako katangkaran Kaya gumamit talaga ako ng hagdan.

"Fuck!! Asan na iyon??", Tanong ko habang kinakalkal ang mga nasa lamesa ko. Hindi pwedeng mawala ang sulat ni Raija sa akin.

Halos  naikalat ko na sa sahig lahat ng gamit ko dito sa opisina ko pero wala talaga.

Palagi namang dito lang sa lamesa ko iyon, alangan namang nasa bahay iyon. Kahapon kasi ay doon ako na tulog ng Gabi, doon kasi ako naglalagi  kapag lasing ako. Gustong-gusto ko kasing tinititigan ang mga litrato ni Rai sa kwarto ko. Alam Kong malabo na silang bumalik sa akin, kasi 2 taon na ang nakakalipas pero wala parin sila.

Gusto ko silang sundan sa Italy pero pinanghahawakan ko kasi iyong nakasulat sa liham ni Rai.

   I miss you Rai and my son,parang awa niyo na bumalik na kayo habang matino pa ako. Mababaliw na ako sa Kakahintay sa inyo.



TO BE CONTINUED...

My Stepbrother is a jerk. Donde viven las historias. Descúbrelo ahora