Chapter 4

517 14 2
                                    

Kasalukuyan kami na kumakain ng mag salita si tito, agad naman akong napatingin sa kanya.

"Mga anak, balak sana naming mag pakasal sa mga susunod na buwan, OK lang ba sa inyo?."

Magsasalita na sana ako ng agad-agad namang  tumayo si Josh.

"Sorry, but I need to go,"pag kasabi niya no'n umalis na siya.

Napaka walang mudo naman ng taong to!.

Malungkot ang mga mata ni mama nang mapatingin ako sa kanya,walang hiya 'yon ha!!.

"Excuse me po," binilisan ko ang pag lakad palabas para habulin ang walang hiyang lalake na iyon.

Papaandarin na niya Sana ang  motor niya pero sinigawan ko ito.

"Josh!!!!, wag ka munang umalis. Please, kausapin mo ako."pagmamakaawa ko sa kanya pero nakatitig lamang siya sa akin.

" angkas, ngayon na!, Kung gusto mo akong maka usap." napatingin naman ako sa dress ko.

" Don't worry, hindi ko bibilisan ang pagpa takbo ko, just sit back 'coz I have something to do later". Agad naman akong umangkas sa motor niya.

Naka hawak ang mga kamay ko sa laylayan ng dress ko, mapansin niya yata kaya binagalan niya ang pagpa takbo nito.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, ano bang balak ng taong 'to?, bakit sa ibang lugar niya pa gusto makipag usap sa akin.

Napahinto kami sa isang bar. So, dito pa talaga niya gusto makipag usap. Sa dinami-dami naman na lugar dito pa talaga.

Pag baba namin may inilabas siyang jacket at eye glasses galing sa seat compartment ng motor niya. Para tuloy akong  tanga na pinapanood ang ginagawa niya.

Napatulala ako sa ayos niya, shit!!!, magiging Kuya ko ba  talaga ito?. Ang gwapo niya sa ayos niya.

Laway mo self, soon to be stepbrother mo iyan.

Napasinghal ako sa naisip ko, bakit naman kasi gano'n ang pumasok sa utak ko.

"isuot mo iyan". Bigay niya sa isang jacket din, Boy scout pala si Kuya.

Pagka suot ko sa jacket na bigay niya, hinila na niya ako  papasok sa loob.

"ano ba?, bitawan mo nga ako, Makakapasok naman ako kahit hindi mo ako hilain. Ang sakit na tuloy ng kamay ko". Binitawan naman niya agad ang kamay ko.

"sige, mauna kana at dito lang ako sa likuran mo". Parang tanga lang ba siya, nakaka ewan naman 'tong lalakeng 'to.

Pumwesto kami sa may madilim na parte ng bar. hay nako!, bakit dito naman sa  madilim pa kami pumwesto, pwede naman do'n sa may ilaw.

Umorder siya ng juice para sa akin at as usual alak sa kanya, magkaharap lang kami at nakatitig lang siya sa akin habang sumisimsim ng alak.

Hindi ako makatagal sa tingin niya Kaya nagsalita na ako. Para ma iba naman ang awra ng kapaligiran namin.

"bakit parang ayaw mo sa mama ko para sa papa mo?".

"dahil ayaw ko".

"bakit nga, ayusin mo nga 'yang sagot mo."parang siya pa  talaga ang mas bata sa amin, kainis!.

" Wag ka ngang  makulit, hindi sa ayaw ko sa mama mo. Ayaw ko lang mag asawa ulit si papa". Seryosong  nakatitig na sabi niya akin.

"please,pag bigyan mo na sila Kuya." pagmamaka awa Kong Sabi sa kanya, pero nagulat ako ng nagalit  ito.

"Wag mo akong tawaging Kuya,  you're not my sister!!." nagtiim ang bagang nito sa nasabi ko.

"wag kanang magsalita Kung ayaw mong magalit ako, ihahatid na kita sa inyo."pagkasabi niya no'n, lumapit ang mukha niya sa akin saka bumulong,Nakikiliti tuloy ako na ewan sa sobrang lapit niya sa akin.

"Pilitin mo ang mama mo na hindi sila mag pakasal ni papa". Saka niya nilayo  agad ang mukha niya sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang tinitigan ang mukha niya, napaka kinis nito. Ano ba to?, hindi ko alam ang gagawin ko.

Bakit ba kasi ayaw niyang makasal sila mama,basta I will try to convince him in some other time. Bahala siya sa buhay niya, guguluhin ko siya pag di siya pumawag.

My Stepbrother is a jerk. Where stories live. Discover now