Chapter 13

490 13 0
                                    

"Anak, Sabi ng tito mo ay susunod daw kayo dito ng Kuya Josh mo. Mag empake Kana Para bukas at matulog ka narin, Dapat maaga kayong lumuwas diyan bukas. ", Ani ng mama ko sa kanilang linya.

Susunod kami ng Kuya ko kuno na nakakainis!!. Mag mula ng natulog nung nakaraan sa kwarto ko ay palagi akong hindi nakaka tulog.

Talagang hindi ko na siya hinahayaang makapasok sa kwarto ko.

Hindi maganda Para sa amin ang mga ganoong tagpo, lalo na't kami lang dalawa sa bahay.

Gaya ng sinabi ng mama ko ay nag empake ako, Bali sa lunes kami lahat uuwi Kong makaka alis kami bukas ng umaga.

I need to relax my SELF too, atleast into  two days. Sana lang talaga lubayan ako ni Josh. Nakakainis na siya talaga, nakakahiya ang mga pinanggagawa niya. Paano nalang pag makita ni mama ang mga nakaka baliw nitong ginagawa.

Minsan parang tangang nakangisi sa akin, Para bang hindi niya ako kinakapatid.

Sabagay, Sabi nga niya ay ayaw niya akong kapatid. Maski naman ako ay ayaw ko siyang maging kapatid.

Nakakanira ng bait ang taong iyon, makaka bawi din ako sa kanya soon.

Prepare for my sweet revenge, dear stepbrother...

Bulong ko sa kawalan habang nag e-empake.nang sa wakas ay natapos ko na ito ay naligo na ako, kasi maaga kami ni Josh bukas wala ng time for tomorrow.

Syempre, pinatuyo ko muna ang buhok bago natulog.

May kumakatok sa pintuan ko kinabukasan. Napatingin naman ako sa alarm clock ko,past 5 na Pala. Agad ko namang pinag buksan si Josh sa labas Para masabihan itong mag aayos muna ako.

Pagka bukas ko ay napaka messy ang Buhok nito, hindi pa Pala ito nakabihis katulad ko.

"Be ready after 5 minutes."sabi nito saka agad tumalikod. Baliw ba siya??. 5 minutes lang ang time ko Para mag bihis, kakainis talaga siya!!.

Wala akong nagawa kundi sundin ang utos ng napakagaling Kong kinakapatid. Minadali ko nga ang pag aayos sa sarili Gaya ng sinabi nito, halos madapa ako sa pagkataranta ko nang bigla na naman itong kumatok.

Nagsusuklay pa nga lang ako, nan diyan na siya. Pero gaya nga ng sinabi nito kanina ay eksaktong 5 minutos lang talaga ang Ibinigay nitong oras ko sa pag aayos.

Hindi ko na itinuloy ang pagsusuklay dahil hinila ko na palabas ang maliit Kong maleta.

Dinala ko kasi ang kumot Ko, hindi ako Makatulog pag hindi ito ang gamit ko. Bihira nga ako makahanap ng ganitong kumot sa amin.

Inoorder ko pa talaga ito dahil sa kakaiba nitong tela. Basta, nahihirapan akong matulog pag hindi gaya ng kumot ko ang tela nito.

"bakit hindi ka nag suklay?", nanlisik naman ang mata ko sa tanong nito, pansin ko talaga ay nagiging demonyita ako pag nasa paligid ko itong Tao na 'to.

"tinatanong pa ba Yan?, syempre, kinulang nga ako ng oras sa pag aayos. Ikaw naman kasi parang gusto mo talagang maging gurang ako sa paningin ng ibang Tao eh, nakakahalata na talaga ako KUYA.....", diniinan ko talaga ang pagbigkas sa kuya. Para inisin siya haha. Hindi nga ako nabigo,ang Sama ng tingin nito sa akin. Tatawanan ko na Sana siya sa itsura nito nang sumigaw ito.

" I told you not to call me Kuya, right???. Hindi.... Kita.... Kapatid....,tandaan mo 'yan", sa bwisit ko ay iniwan ko ito, saka uumupo sa may back seat.

Hindi ko siya pinapansin ng Maka upo ito sa harapan, napansin ko Pala maganda itong kotse niya. Sabagay, Mayaman naman sila. May negosyo sila at si tito ang namamahala.

Mas ginusto naman kasi daw ni Josh na tuparin ang maging artist. Uhmfff,Kung alam lang nila Kong gaano nakakainis ang iniidolo nila.

"'pag ayaw mong maiwan dito ay lumipat kana ngayon dito sa harapan, I'm not your damn driver!", Sabi nito pero hindi ako kumibo.ipinikit ko ang mata ko Para hindi makita ang siguradong nakakamatay na tingin nito.

Nang hindi niya mahintay na lumipat sa harapan ay narinig ko itong nagmura saka pinaandar ang sasakyan nito, halos paliparin nito ang kotse niya Kaya napahiyaw ako.

Nahihilo ako sa bilis ng pag papatakbo nito.

"Ano ba!!??? Itigil mo nga ang sasakyan!!,balak mo na bang magpaka matay!!", sigaw ko pero parang wala lang sa kanya ang pag huhumiyaw ko dito sa likod.

Nahihilo ako at parang nasusuka na ako Kaya pinilit ko siyang nilapitan saka kinagat sa may leeg nito.

Napa-preno ito ng napakalakas Kaya halos muntik na akong  napasalampak  sa harapan ng sasakyan nito, buti nalang nahawakan niya ako bago mangyari iyon.

Napaluha naman ako sa galit.

"Shit!! I'm sorry... PLEASE, don't cry",pinapatagan niya ako habang nakayakap sa kanya. Mas nasusuka  tuloy ako sa bango ng pabango nito.

Bago pa man ako maglabas ng Sama ng loob  ng kotse ay sinabi ko sa kanyang Buksan nito ang bintana, dahil nasusuka na talaga ako.

Nagsusuka ako habang siya naman ay hinahagod ako  sa may likod ko.

Ang awkward nga ng posisyon namin, kasi nakakandong na ako sa kanya.parang wala naman sa kanya iyon Kaya hinayaan ko nalang.

Nang matapos akong magsuka ay binigyan niya ako ng tubig. Kaya nagmumog naman ako saka uminom. Nakakahiya na talaga ako sa taong ito, Palagi niya akong pinapahamak.

"pwede kanang umupo sa tabi ko, mabigat ka naman Pala kahit payat ka." Kung hindi lang ako nanghihina ay pinektusan ko ito sa sinabi nito.

May gana pa talaga siyang asarin ko, Samantalang kasalanan niya itong nangyari sa akin.

Sana lang talaga hindi ako magsuka sa eroplano mamaya, Sana Pala ay nag dala ako ng extrang plastic ko. Baka maparami ako mamaya doon.

Wala kaming imik hanggang makarating kami sa airport. May time pa naman kami na mag rest Kaya umupo muna ako saka ipinikit ang mata ko. Napahina ako kanina sa pagsuka ko, halos nailabas ko ang kinain ko kagabi. Ay oo nga Pala hindi  nga Pala kami Naka pagumagahan, Kaya Pala nahihilo rin ako. Nagka sabay-sabay na talaga Kaya gano'n ang nangyari.

Hindi naman talaga ako natutulog Kaya nagtataka ako sa kasama ko dahil hindi niya ako pinapansin, naririnig ko kasi itong kumakain. Nang imulat ko ang mata ko ay kumakain nga ito, agad niya akong binigyan ng pagkain nang  makita niya akong nakatingin sa kanya.

"I thought you're sleeping, Kaya nauna na ako. I'm just hungry, sige na kumain kana, Alam kong gutom ka narin",kinain ko naman ang Ibinigay nito, binigyan niya din ako ng tubig.

"I bought these for you. Baka kasi susuka ka na naman mamaya sa plane",napatingin naman ako sa I binibigay nito. Plastic bags ang mga ito, parang nasa 5 yata ang mga ito.

Kinuha ko naman dahil talaga namang kanina ko pa itong Pino-problema.

Nang tawagin na ang flight namin ay hinila niya pareho ang mga dala namin. 2 maliliit na maleta ito, Kaya easy lang Para sa kanya ang mga ito.

Pagka upo ko sa pwesto ko ay kinalabit ako ni Josh.

"Libre ang kamay ko Kaya 'wag Kang mahiyang humawak, OK!", tumango naman ako sa kanya dahil kahit hindi nito sasabihin ay gagawin ko talaga mamaya.

Nahihilo talaga ako pag sumasakay ako ng bus and eroplano.

Makalipas nga ng ilang minuto ay umandar na ang eroplano, napapikit akong napahawak sa kamay ni Josh. Halos masugat na yata ang kamay nito sa higpit ng pagkaka hawak ko nito.

"Relax my princess, I'm here."Rinig Kong Bulong nito. Hinawakan na rin niya ang kamay ko ng napakahigpit. Para bang pinapahiwatig nitong sa kanya ako kukuha ng energy.

Hindi naman Pala talaga nakakainis pag ganitong bagay ang laking ito. Sabi ko sa sarili ko habang nakahawak kamay parin kami.

TO BE CONTINUED...

My Stepbrother is a jerk. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon