Chapter 11

486 15 0
                                    

Napahilot ako sa sentido ko nang magising ako. Nagulat ako dahil nasa kwarto na 'ko.

Naparami talaga ako nang nainom kagabi. Sino Kaya nag dala sa akin sa kwarto?.

Napatampal ako sa noo ko nang maalala ko Kung anong nangyari kagabi. Si Josh ba talaga iyon? At bakit parang may ibinulong din siya kagabi. Kaya lang hindi ko lahat maalala.

Shem!!! Bakit napa careless ko kagabi. Hindi ko tuloy maalala lahat ng sinabi nito tsk!!.

Napatingin ako sa orasan Para malaman kung anong oras na,laking gulat ko nang makita Kong alas 9 na ng umaga.shit!!Agad Kong hinanap ang cp ko, baka na attack na ako ng napakaraming tawag ng boss ko.

Hindi ko mahagilap ang cp ko sa bag ko,nanlumo akong napa upo sa sahig. Bwisit naman oh!! Ngayon pa talagang kailangan kong makausap ang amo ko nawala ito.

Halos halugluhin ko ang kwarto ko, pero wala talaga akong makita.hindi ko na pinag aksayan ng oras ang pag bihis. Agad akong bumaba sa may Sala,nangbabakasakali akong nandoon lang iyon.

Pagkababa ko ay walang tao akong naabutan sa Sala, Kung saan-saan ako napadpad, pero wala talaga.

Sa hindi alam ni Raija ay nakamasid sa kanya si Josh na hawak nito  ang cp niya. Nakatago siya Para hindi nito makita.

"Hinding - hindi mo matatawagan ang amo mo dear sister." Sabi nito matapos ibinulsa ang cp at  saka umalis.

Walang ganang umakyat naman si Rai sa kanyang kwarto, malilintikan talaga ako sa boss ko pag hindi ko ito Matawagan ngayon.

At dahil hindi nito makita ang cp nito ay napag decitionan niyang pumasok kahit late na ito.

"Are you insane!!! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?", napatuod lang akong nakayuko sa sigaw ni sir sa akin.parang may bumara sa aking lalamunan dahil hindi man lang ako makapag Salita.

Heto na nga ba ang sinasabi ko eh!!!.

"Sor--ry sir, My bad. Nawala kasi ang cp ko kagabi Kaya hindi ko nasagot ang mga tawag mo. I hope your consideration sir... Hindi na po mauulit, Promise." nakayuko Kong Sabi sa kanya.

Halos hindi ako makahinga ng hindi ito sumagot, nang medyo makuha ko nang iangat ang mukha ko ay nakatingin pa Pala sa akin ang boss ko.

" Get out for now,nextime don't make me a beast in early morning,leave.",agad naman akong tumalikod pagkasabi niya n'on.

Ang hindi ko lang maintindihan ay ang pagkawala ng cp ko. Halos nakita ko na ang lahat ng parte ng bahay nila tito. Maliban lang sa isang kwarto. Ang kwarto ng step-brother Kong hanggang ngayon ay hindi ko man lang makita.

Nag work ako ng nag work Para mawala ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

Napatigil ako sa pagtipa ng laptop ko nang may maalala ako sa nasabi ni Josh kagabi.

Napailing ako dahil sa pagkalito. Bakit kailangan niyang sabihin sa akin ang mga iyon?, kailangan ko siyang Maka usap mamaya pag umuwi ito sa bahay. Nalilitong Turan ko sa sarili ko.

Pinag patuloy ko ang pagtratrabaho hanggang Sa mapansin kong uwian na Pala.

Pababa ako ng lobby ng may marinig akong nagsalita sa likuran ko, liningon ko naman ito Para malaman kung sino ito.

"Be early tomorrow. And buy a new cp,take this,"lahad nito ang mangilan-ilan na Pera. Ayaw ko sanang tanggapin Kaya lang, parang galit na naman ito.

Agad ko itong kinuha saka nagpa salamat sa kanya, ang Sabi ko pa nga ay ikakaltas nalang nito sa sweldo ko this month.

Hay... Nakakapagod ang mga nangyari Ngayong araw. Dumagdag pa itong step-brother Kong hindi man lang makita.

Nang makarating ako sa bahay ay wala na namang Tao. Nalaman ko nalang na wala Pala sila mama at tito sa bahay.

Nasa Palawan daw ang mga ito Para mag honeymoon. Mapapasana all nalang ako sa kanila.

So,mag Isa lang ako dito. Wala naman ang step-brother ko.

Dahil alam Kong wala akong kasama sa bahay ay nag short lang ako saka nag sando ng fitted. Ganito kasi ang mga suot ko sa kwarto ko, maririnig ko naman siguro pag parating na ang kinakapatid ko.

Nagluluto ako ng pang haponan ko nang may marinig akong nabasag.

Pagkalingon ko ay si Josh na nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Huli na no'ng mapansin ko Kung bakit hindi maialis  ang tingin nito sa akin.

"who told you to wear that kind of clothes here in the house??. Paano Kung hindi ako ang nakakita sa ganyang suot mo at pagsamantalahan ka ha. Are you out of your mind princess? ..." Sabi nito habang lumalapit sa akin.nang mag kalapit na ang mga mukha namin  ay bumulong ito.

Akala ko hahalikan na niya ako, Nakakahiya.

" 'don't you dare wear that again, dahil hindi ako Santo dear princess,naiintindihan mo?? Change it now!! ", sigaw niya sa huling sinabi nito.

Kinakabahan  akong pumanhik sa kwarto ko Para mag Palit. Napaka submissive ko naman sa kanya.

Hindi mawala ang kaba ko sa mga sinabi nito, da-dalawa pa naman kami ngayon sa bahay. Nako! Ilayo po ako sa tukso panginoon,alam Kong hindi ko dapat maramdaman 'to sa kinakapatid ko. Pero hindi ko maiwasan.

Mag Isa akong kumain. Pagka tapos ko ay agad akong nag lock ng kwarto ko, lalo na' t magka tapat lang ang kwarto namin ni Josh.

TO BE CONTINUED..

My Stepbrother is a jerk. Where stories live. Discover now