Chapter 2

356 12 0
                                    

5 years later,

"Joshua! Come here to ninang." ang aga-aga naman ni adnerr nangingisturbo.

Patakbong naman na  lumapit ang anak ko sa tito/ninang daw nito, ambisyosang palaka. Simula kasi namatay ang mga grandparents nito ay nag came out na ito.but not really too girly na Gaya ng iba.

Kung hindi magsasalita iyan ay a akalain mong Boy next door sa gwapo nito, iyon nga lang sa boses ang basehan.

"Ang aga mo naman bumisita, natutulog palang ako eh."hindi sumagot ito dahil busy na itong nakikipag laro sa anak ko.

Home schooling ang anak ko, ayaw ni adnerr na papasukin ito sa mga school dito baka mapano daw si Joshua sa eskwelahan.at dahil pinoy kami ay pinay din kinuha niyang teacher ng anak ko. Pre-school pa lang siya pero magaling na itong makipag sabayan sa mga mas matandang Bata.

5 years na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakalimot sa ama ng anak ko.

Tumigil ka na Rai, may asawa na 'yong Tao.

Palaging iyan ang sinasagot ni adnerr sa akin pag napapansin nitong hindi parin ako Maka move on.

"Bakla! Halika nga dito, total nagising ako dahil sa kaingayan mo".

"wait baby, OK!", usal niya sa anak Kong busy sa paglalaro sa binigay niyang laruan nito.

Lumapit ito sa akin saka humiga sa tabi ko, nasa kwarto kasi kami.

"I need you sis,  ang Isa sa kompanya ko sa philippines ay kailangan ang presensya ko. Hindi ko naman magawa sa ngayon dahil  may mga ginagawa din ako dito. Alam mo na, mahirap maging maganda." bwisit, haha akala ko Kung ano na Yung huling sasabihin nito haha.

" Raija, ikaw na muna ipapadala ko doon, total secretary din naman kita rito, Alam Kong Kaya mo narin I manage iyong Isa, I barely need you Rai. Sana pumayag ka, kahit ilang buwan lang. Ako ang bahala sa chikiting  mo."hindi na ako tumutol sa gusto nitong mangyari dahil nakikita ko naman ang Hirap nito.

'kaw ba naman mag manage ng napakaraming negosyo, maganda Sana pag dito lang pero hindi, mayroon ito sa iba' t ibang bansa.

About cars ang Isa sa mga negosyo nila, ang nasa Pilipinas ay ganoon din.

"So, OK na tayo ha. Bukas ng Gabi na ang flight mo", nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi nito, agad-agad talaga niya akong papuntahin sa Pilipinas. Natatakot pa naman ako na baka makita ko si Josh doon kasama ang Masaya nitong pamilya.

"Rai, Pagdating mo ng Pinas bisitahin mo mama mo. Ilang taon na sigurong naghihintay sa iyong pag babalik sa poder niya." Malungkot naman akong napatango sa sinabi nito.

Siguro panahon narin Para harapin ko ang mga taong tinakasan ko noon, I hope they will still accept me especially, mama.

Lumabas kaming tatlo matapos ang usapan namin ni adnerr, bibili ako ng mga pasalubong ko para kila mama. Siguro Para narin sa mga anak ni Josh,hindi ko naman alam Kong anong anak nito Kaya bumili ako Para sa babae at lalake.

Namasyal, kumain at pinalaro si Joshua sa park ang Ginawa namin sa maghapon, Nakatulog agad ang anak ko pagka uwi namin.

Ginawa ko naman ang pag e-empake sa mga da-dalhin kong mga gamit ko sa Pinas.

Isang malaking maleta lang ang gamit ko, ayaw ko kasing mag bitbit ng napakaraming bags. Umuwi na si adnerr sa malapalasyong bahay niya, matapos siyang mag paalam sa akin.at Isinama narin niya ang anak ko sa bahay nila.

Lahat ng Tao dito sa bahay ay akay-akay niyang pauwi sa kanila kanina.

May bahay na kasi akong napatayo malapit sa bahay nila, hindi man ito masyadong lalakihan ay OK na ito Para sa isang buong pamilya.

Sa pagtratrabaho ko bilang secretary ni adnerr ay marami akong naipon, hindi niya kasi ako pinapagastos sa mga bilihin. Bale siya na nga lahat nagbabayad sa mga bayarin ko. Kaya laking pasasalamat ko kanya dahil sa mga magagandang naidulot nito sa aking buhay.utang ko sa kanya ang lahat-lahat na natatamasa ko ngayon.
Kaya pag may gusto naman itong ipagawa ay ginagawa ko naman nilang kabayaran sa mga naitulong nito sa akin.

Tapos na man na akong nag empake, Kaya matutulog na ako. Mga 8 am namin dito, ayaw Kong mag private plane pag hindi ko kasama si adnerr, Alam niya iyon Kaya binilhan niya agad ako ng ticket.


See you tomorrow philippines..

     TO BE CONTINUED...

My Stepbrother is a jerk. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon