Chapter 8

462 14 0
                                    

Pa ikot-ikot ako sa harap ng salamin dahil hindi ko alam ang dapat Kong isuot.

Naka ilang palit na ako ng damit, pero hindi parin ako makapili.

Nang buksan ko ulit ang kabinet ay mga jeans nalang ang natira sa loob.

Napahiga ako sa kama sa inis, kailangan mo nang makapili dahil baka parating na si Josh.

Nakakailang naman Kong tatawagin ko siyang Kuya, 1 taon lang naman ang agwat namin.

Dahil out of time na ako sa pagpili nang isusuot ko ay jeans nalang at crop top ang napili ko. Dahil ito din naman ang sinabi Ko sa kanya na isusuot ko ngayon.

Nag lagay ako ng kaunting make up sa mukha ko saka lip gloss sa labi ko.

Hindi naman siguro masama Kong labagin ko siya sa mga bawal na gagawin ko.

Hindi ko itinali ang Buhok Ko dahil mas gusto ko Ngayong ilugay ito, palagi nalang kasing nakatali sa trabaho.kailangan din ng Pahinga ang Buhok Ko.

Pag katapos Kong mag-ayos ay bumaba na ako, napasilip ako sa may orasan at quarter to 8 na Pala.

So, siguro malapit na siyang dumating.

Ilang oras na ang nakalipas at andito parin ako sa Sala na naghihintay, hindi parin ako sinusundo ng lalaki ng 'yon.

Nang mapadako ang mata ko sa orasan ulit ay mag 10 na. Siguro hindi na Kami matutuloy Kaya napag desisyonan ko nang umakyat sa kwarto ko.

Paasa ang lalakeng iyon, sarap din kutusan eh!! .lumalabas ang pagka demonyita ko sa kanya.

Ano ba naman yung ipaalam niya na hindi siya makaka rating. Sayang tuloy ang efforts ko.

Ay oo nga Pala paano niya masasabi na hindi siya makakarating eh wala namang contact sa isa't-isa.

Padabog akong nahiga sa kama ko dahil sa sama ng loob ko.

Hindi na ako nag Palit ng damit ko dahil tinatamad na ako.

Makatulog na nga lang, kasi mag sisimba ako bukas.

Mga last mass nalang siguro ako magsi-simba bukas dahil siguradong late ako magigising bukas.

Lumipas ang ilang Segundo ay Nakatulog na ako.

Kinabukasan ay nagising ako sa sinag ng araw galing na galing sa bintana ko, Kaya agad akong Napabalikwas, dahil naalala Kong magsisimba ako mamaya.

Bumaba muna ako Para makapag almusal saka tumuloy sa banyo at naligo.

Hindi ko na tinagalan ang pag ligo dahil naligo din naman ako kagabi.

Naalala ko ang hindi pagsipot ni Josh kagabi, ayaw Kong mag isip ng masama at makapag Salita against to him.

Pupunta pa naman ako sa simbahan, basta pag niyaya niya ulit ako ay hindi na ako agad maniniwala sa kanya.

Bahala siya Kung ayaw niyang maikasal sila mama at tito. Sa gano'n na ugali niya baka palagi lang kaming mag aayaw.

He's really a jerk, Saan Kaya siya nag mana?.

Artista nga, wala namang isang Salita nakakainis!!. Pinuyat niya lang ako sa paghihintay sa kanya.

Pag katapos Kong mag bihis ay agad na akong bumaba, Para mas maaga akong makakuha ng sasakyan.

Kailangang makakuha agad ako ng sasakyan papuntang simbahan. Dahil baka mag simula na ito.

Binuksan ko ang gate namin at saka isinara ito, nang biglang may humarurot na motor sa harapan ko.

Hindi pa man niya tinatanggal ang helmet niya, ay alam ko na Kung sino ito.

Pagka tanggal niya ng helmet niya ay magulong Buhok niya ang tumambad sa akin.

Kahit magulo na ang Buhok nito ay bagay parin sa kanya. Hindi parin ako nagsasalita at nakatitig lamang ako sa kanya.

Maglalakad na Sana ako Para lampasan siya nang magsalita ito.

" halika na, ihahatid na kita sa pupuntahan mo. Bilang pagbawi ko sa hindi pagsipot kagabi, Pasensya na may aberya lang na nangyari."sabi niya sa akin na hindi parin bumaba sa motor niya.

" So, Iaangkas mo naman ako sa lagay na ito", turo ko sa damit ko.

"don't worry hindi ko bibilisan Para hindi makita ang panty mo",nakangising Sabi niya sa akin.

Utang na loob mama, wag mo akong bigyan ng step brother na Mayabang at makulit. panalangin ko bago ako umangkas sa likuran niya.ako ang pinag gamit niya ng helmet at mabagal nga siyang nagpa takbo sa motor niya.

Hindi ako sanay na hawakan siya Kaya sa may likuran nalang ako kumapit.

Pagkarating namin sa harapan ng simbahan ay agad siyang nag paalam sa akin, hindi ko na naman nakuha ang no. niya.

'di bale nalang baka Kung ano pa ang isipin niya sa akin.

Pumasok ako sa simbahan at nagdasal sa panginoon, Na Sana gabayan niya kami ni mama araw-araw.





TO BE CONTINUED.....














My Stepbrother is a jerk. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon