Chapter 47

356 16 1
                                    

Nakatingin ang mga Tao sa paligid ko pag gising ko.

"Kumusta naman ang tulog mo Josh?", nakakainsultong tanong ni Jah sa akin.

Nahihiya naman akong napatingin sa asawa Kong karga na ang 3 anak namin, and it's a baby boy again.

Nilalaro naman ni Ken ang princesa namin.

"Pwede ba kayong lumabas muna, ka kausapin ko lang ang asawa ko." Isa-Isa naman silang umalis at sinama si alija.

Lumapit ako sa higaan ng mag Ina ko at nagpapacute akong umupo sa tabi ni Rai.

"Sorry na asawa ko, hindi na mauulit.hindi ko naman kagustuhan ito, Sana hindi ka galit." hindi ito nakasagot,Bagkus nakagingin lang sa akin.

"Ok lang naman iyon Josh, basta heto lang masasabi ko. last na ito, dahil baka sa susunod ay hindi ka nalang mahimatay." maalumanay na Sabi ng asawa ko sa akin.

"OK, last na Princess. Pero may ganun parin ha, 'wag mo naman ako diet-in sa kama." kinurot niya ako at napatawa nalang ako.

Ganyan siya pag pikon,nagiging Amazona.

"Seriously, thank you Princess. Alam ko Masaya ngayon si papa at tita sa nakikita nila. Ilove you at hindi kanilang man iyon mababago,sana kahit bigyan tayo ng maraming pagsubok ay mananatili parin tayong maging matatag sa ating relasyon", hinalikan ko siya na nagpapadede sa anak ko.

Pinakawalan ko ang bibig nito at Nginitian siya.

"Ilove you more Josh, Mag away man tayo, at hindi ito magiging rason Para matibag ang pundasyon ng ating pagmamahalan. Masaya ako sa natatamasa ko ngayon sa buhay at laki Kang kasama sa mga ito."

Kinabukasan no'n ay umuwi na ang mag Ina ko sa bahay namin, Bumili kami ng mas malaki ng bahay, malapit sa family house namin.

Si adnerr at Joshua naman ay nasa Italy na naman, ayaw naman kasi ni adnerr na mapagod daw kami sa pag aalaga sa amin, Kaya siya na muna daw ang bahala sa panganay namin.

9 years old na ito at nananatiling home schooling parin sa Italy, minsan lang sila nadadawi dito sa Pilipinas.

Feeling ko nga eh mas naging papa na niya si adnerr. Thankful naman ako sa mga nagawa ni adnerr sa amin. At ang palaging sagot naman niya ay kami na ang bago nitong pamilya.

Iyon naman kasi daw ang bilin ng grandparents niya sa kanya, na hindi niya Pababayaan si Rai.

Bilang pagbalik sa mga naitulong niya ay ako na ang humahawak sa isang kompanya niya dito. Hindi na kasi Kaya ng asawa ko, magkasunod na taon itong nanganak.

OK na Kami sa tatlo dahil alam ko nahihirapan din ang asawa ko.

"Josh, pabinyagan na natin siya next week. Nasabi ko na Kay adnerr at pumayag naman siya, makaka uwi daw sila sa susunod na araw. Maganda nga iyo eh, itaon natin sa 2 yrs. Anniversary ng kasal  natin", Niyakap ko ang asawa ko saka hinalikan sa Buhok nito.

Naamoy ko ang mabagong aroma ng gamit nitong shampoo at ito ang paborito ko sa lahat ng ginagamit niya.

"OK boss!".

"Sige na at pumasok kana, Alam Kong nahihirapan karing magpatakbo ng dalawang kompanya."

"OK lang ako Rai, maliit na bagay lang ito sa mga natawa ni adnerr sa atin." hinalikan ko silang tatlo ng mga anak ko bago ako umalis.

Christening day.

Mabilis lang naman natapos ang binyag ng anak namin, at hindi naman marami ang taong bisita namin.

Mga kaibigan at malalapit na ka mag anak lang namin.

Ang mga empleyado na is sa dalawang kompanya ay may sari-sarili silang handaan. Provided by adnerr ulit ito,Ang Dami kasi nila Kaya baka hindi kayanin ng venue sa Para sa maraming Tao.

My Stepbrother is a jerk. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon